Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Abril 10, 2013

Parents ni Heart ayaw kay Sen Chiz dahil mukhang maginoo pero bastos?


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO



 AKALA ko noon humahataw nang bonggang-bongga ang relasyong Heart Evangelista at Sen.
Chiz Escudero pero hindi naman pala dahil nagsalita na ang mga magulang ni Heart tungkol sa
pagkadisgusto nila sa dakilang senador.
            Hindi na naitago pa ng mother dear at father dear ni Heart ang tunay na nararamdaman
nila sa boyfriend ng kanilang dalaga.
            Nagwo-worry ang mga ito sa posibleng mangyari kay Heart kung ipagpapatuloy pa nito
ang pakikipagrelasyon kay Sen. Chiz. 
            Hindi raw kasi maganda ang pagtrato ni Sen. Chiz kay Heart.  May mga sitsit pang
sinasaktan daw ng senador ang kanilang anak.
            May mga instances pa raw na parang nababastos sila dahil humaharap daw ito sa kanila
Nang lasing.
            Sinubukan naman ng “Saksi” ng GMA 7 na kunin ang panig ni Sen. Chiz tungkol dito
pero tumanggi itong magbigay ng komento. 
            Aniya, hindi niya raw papatulan ang mga ganyang klaseng intriga dahil hindi naman daw
siya showbiz na tao.
            It’s between Heart and her parents daw kaya ayaw niya na raw makisali sa ‘gulo.’
            Mukhang hindi naman apektado si Heart sa hayagang pagtutol ng kanyang mga
magulang relasyon nila ni Sen. Chiz.
            Sabi ng bruha nang ma-interview siya ng “Saksi,” she’s already 28 at may karapatan na
Siyang magdesisyon para sa kanyang sarili.
            Dagdag pa niya, huwag naman daw sanang ilayo sa kanya ang taong mahal niya.
            Yun na!  Part 2 na ba ito o part 3 o part 4 ng istorya ng buhay pag-ibig ni Heart?
            Ang alam ko kasi ang part 1 ay si Jericho Rosales, na kung hindi ako nagkakamali ay
greatest love ni Heart pero dahil sa ayaw na ayaw ng parents ng dalaga kay Echo dahil mukha
raw itong magsasaka ay nagtagumpay silang paghiwalayin ang dalawa.
            Ang alam ko namang part 2 ay isang non-showbiz guy.  Hindi ko na alam kung bakit
hindi rin sila nagkatuluyan ni Heart.
            Ang part 3 ay si Daniel Matsunaga.   Bonggacious ang chapter na ito ng buhay pag-ibig
ni Heart. 
Kung titingnan mo nga ay almost perfect na ang mga katangian ni Daniel para maging
boyfriend ni Heart – guwapo, matangkad, magandang pumorma, mabait, edukado, etc., etc.
            Ewan ko nga ba what really went wrong at bigla na lang nagdesisyong maghiwalay ang
dalawa.
            Ayon sa mga sitsit, e, nagmumukha raw kasing ‘sugar mommy’ ni Daniel si Heart dahil
ito naman daw ang mas malaki ang kinikita sa kanilang dalawa.
            Don’t tell me inayawan din ng parents ni Heart si Daniel dahil mukha naman itong
mangingisda?
            And don’t tell me rin kaya ayaw ng parents ni Heart kay Sen. Chiz ay dahil mukha
naman itong maginoo pero bastos, choz! 

* * *

BACK to back win sina Nora Aunor at Eddie Garcia as Best Actress and Best Actor respectively
sa pos lang na 7th Asian Film Awards na ginanap sa Grand Hall ng Hong Kong
Convention and Exhibition Center last March 18.
            Nanalo si Nora para sa pelikulang “Thy Womb” na idinirek ni Brillante Mendoza while si
Eddie ay para naman sa pelikulang ”Bwakaw” ni Direk Jun lana.
Lost kay Ate Guy sina Golshifteh Farahani ng Afghanistan para sa pelikulang “The
Patience Stone,” HaoLei ng China para sa “Mystery,” Gwei Lun-mei ng Taiwan para sa “GF-
BF,” at Cho Min-soo ng South Korea para sa “Pieta.”
            Ang mga nakalaban naman ni Kuya Eddie for Best Actor ay sina Joseph Chang ng
Taiwan para sa “GF-BF,” Choi Min-sik ng South Korea para sa “Nameless Gangster: Rules Of
The Time,” Liu Ye ng China para sa “The Last Supper,” at Tony Leung ng Hong Kong para sa \
“Cold War,”
            Bukod sa Best Actor award ay wagi rin ang lolo niyo as People’s Choice Best Actor kung
saan ibinase naman ang winner sa paramihan ng boto online.

* * *

 TAWA kami nang tawa sa tsika ng isang non-showbiz friend na nakapanood ng repeat ng
“Foursome” concert nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Martin Nievera at Pops Fernandez na
 ginanap sa Arena sa MOA kamakailan.
Aniya, hindi raw talaga bagay na pagsamahin sa isang concert sina Regine at Pops dahil
nagmumukha lang daw backup singer ng Songbird ang Concert Queen.
Kung gaano raw ka-powerful ang boses ni Regine lalo na pagdating sa biritan, siya
naman daw hina ng voice ni Pops.
            Kahit si Ogie ay hindi niya raw masyadong naramdaman ang presence sa stage. 
            Mabuti na lang din daw at nandun si Martin.  Ibang klase raw talaga itong mag-perform,
pang-Concert King daw talaga ang dating, whew!
           



Huwebes, Marso 14, 2013

Paulo posibleng mabawian ng award ng ENPRESS


Mula sa pahayagang Police Files Tonite
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


 PAGKATAPOS ng GMA 7 at ABS-CBN 2 ay ang pamunuan naman ng TV 5 at “Wowowillie”
ang ipinatatawag ng MTRCB para sa meeting regarding gender sensitivity and decorum.
            Ang pulong ay gaganapin sa March 13 kung saan pag-uusapan ang Feb. 28 episode ng
“Wowowillie” at over-all decorum and depiction of women in the show.
            Gusto raw mapakinggan ng MTRCB ang panig ng lahat ng sangkot sa nabanggit na
episode ng nasabing programa kung saan inilabas ng main host nitong si Willie Revillame ang
kanyang galit at sama ng loob sa mga co-hosts niyang sina Ethel Booba at Ate Gay matapos
kuno siyang masigawan ng mga ito dahil sa pagkatalo sa segment ng kanilang show na “Mini
Concierto.”
            Again, tulad ng provocative number and outfit ni Anne Curtis sa Feb. 24 episode ng
“ASAP 18, sa pamamagitan din ng social media ay pinutakti rin daw kasi ng mga reklamo ang
MTRCB dahil sa paglabag ng noontime show ng TV 5 sa GMRC o Good Moral and Right
Conduct.
* * *

MATINDI ang naging impact sa mga miyembro ng ENPRESS ng ginawang pagbibiro kuno ni
Paulo Avelino sa stage mismo ng Teatrino kung saan ginanap ang 2013 Golden Screen TV 
noong Biyernes ng gabi, March 1.
            Kahit nagbigay na ng statement ang manager ni Paulo na si Leo Dominguez na humihingi
ng paumanhin hinggil sa nasabing biro ng kanyang alaga ay mahihirapan na silang pakalmahin
ang damdamin ng mga na-offend na miyembro ng ENPRESS.
            Tama lang ang naging agarang aksyon ni Paulo at ng kanyang manager but what he
(Paulo) has done is something that cannot be repaired in one day, one week,
one year or even ten years.
            Maraming-maraming taon ang bibilangin bago tuluyang makalimutan ng mga taga-
ENPRESS ang ginawang yun ni Paulo.
            Now he has to face the consequences of his action. 
As of press time ay hindi pa nagmi-meeting ang naturang samahan ng entertainment
press.  Sa meeting na ito kasi tatalakayin kung anong aksyon ang gagawin nila sa di
nakakatuwang biro ni Paulo na ikina-offend ng marmai sa kanila.
            Pero according to a very reliable source ay malamang na bawiin ng ENPRESS ang Best
Supporting Actor na ipinagkaloob nila kay Paulo.
            Tsk! Tsk! Tsk!  Medyo mabigat ang parusang ito para sa young actor pero nararapat lang
ito para maturuan ito ng leksyon  at masampulan na rin ang ibang artista diyan na mahilig
magbiro nang wala sa lugar.
            Sabihin ba namang, “Mahirap magtrabaho kung napilitan ka lang,” bago siya nag-
present ng award dahil pinakiusapan lang siya ng ENPRESS, e, sino ba naman ang hindi mao-
offend, to think na nanalo pa siya ng award.
            Ang kapal mo rin ‘no, Papa Pau!
* * *

BUONG ningning na inamin ng “PGT Season 3” 2nd placer na si Khalil Ramos na crush niya
ang dalagita nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Julia Barretto nang ipakilala sila
(ni Julia) at sampung iba pa as members of  Star Magic Circle 2013 sa entertainment press
kamakailan.
            Sa totoo lang, first time niya raw naging vocal sa babae.  Tutal malalaman din naman
daw ni Julia ang totoo kaya inamin niya na din.
            First time pala silang nagkakilala ni Julia sa Star Magic Ball last year.   Nagkatsikahan
lang daw sila hanggang sa naging magkaibigan na.
            Bukod kay Khalil ay tila may gusto rin kay Julia ang binata ni Sen. Jinggoy Estrada na si
Julian Estrada na ka-batch din nila sa Star Magic Circle 2013.
            And take note, mukhang super close rin sina Julian at Julia.  Duda nga ng ibang intrigera
ay may “something” nang namamagitan sa dalawa.
            Ang tanong, hindi ba siya nagseselos?
            “Hindi naman po.
“Wala pa naman dun sa level na pagseselosan ko.
“I just like her.”
Tama yun.   Huwag munang magseryoso sa tawag ng pag-ibig, huh!
 Gawin niyo lang inspirasyon ang mga crush ninyo dahil ang babata pa ninyo.  Love can
wait at the back seat naman, e, di ba?
            Eniweys, bukod kina Khalil, Julia at Julian ay kasama rin sa Star Magic Circle 2013 sina
Jerome Ponce ng “Be Careful with My Heart,” na aminadong maraming nagsasabing kahawig
daw siya ni Thai Superstar Mario Maurer: Janella Salvador na anak nina Jenine Desiderio at
Juan Miguel Salvador; Kit Thompson ng “PBB Teen Edition:” Michelle Vito na gumanap na
kontrabida sa”Aryana,” Liza Soberano, na ka-love triangle nina Kahtryn Bernardo at Daniel
Padilla sa peliklang ”Must Be Love,” Alex Diaz, Ingrid Dela Paz,  Jane Oineza at Jon Lucas.

Sabado, Marso 9, 2013

Young actor itinatago sa parents na may anak na sa non-showbiz gf!



Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


 NANG muling humarap sa entertainment press si Gov. ER Ejercito ay hindi naiwasang mulingMaungkat ang nakaraang MMFF 2012 kung saan sa ikalawang pagkakataon ay natalo siya niDingdong Dantes sa pagka-Best Actor, siya para sa pelikula niyang “El Presidente” at siDingdong for “One More Try.”
            Naiintindihan ko ang naging sentimyento ni Gov. ER about this pero wala akongmaikokomento tungkol dito dahil  parehong hindi ko naman napanood ang kani-kanilangpelikula.
            Naniniwala akong both are competent actors kaya mahirap mag-judge kung hindi namantayo judge.  It’s just a matter of choice and all we have to do is respect the judges’decision.
            Pero para ibigay ng mga hurado ng MMFF Awards chorva ang FPJ Memorial Award sa“One More Try” ay hindi talaga katanggap-tanggap dahil may maliwanag namang criteria nasinusunod.
            Sabi nga ni Gov. ER, “Medyo na-disappoint ako doon sa FPJ Memorial Award dahil ang
Linaw e, binasa pa (yung criteria), narinig pa ni Tita Susan Roces at ni Grace Poe.
“Ang FPJ Memorial Award, ang sabi doon historical film that inspires national
patrimony, tapos hindi naibigay sa El Presidente.  Doon ako nasaktan.”
            You see, hindi pwedeng magsinungaling ang criteria, kitang-kita ang ebidensya ng
kapalpakan ng mga naggawad ng FPJ Memorial Award  sa “One More Try.”
            Well, para maiba naman ay kinumusta ng entertainment press ang sex life ni Gov.
ER.  kung active pa rin ito hanggang ngayon.
            Malalaki na kasi ang apat na anak ng dakilang  gobernador ng Laguna na ang panganay
ay 26 years old samantalang ang bunso ay 10 years old na.
            Anim raw sana lahat ang mga anak nila kung hindi lang daw dalawang beses nakunan
ang misis niya, una noong 204 at pangalawa nung 2010.
            Ang tanong, wala na raw ba silang balak ng kanyang kabiyak na si Mayor Maita Sanchez
na bumuo ng isa pa?
            Ani Gov. ER gusto pa raw nilang dagdagan ang mga anak nila.   Ang problema lang ay
masyado silang stressed sa dami ng trabaho.   Halos jingle na lang daw ang kanilang pahinga.
            “Nagpa-sperm test ako okey pa, e.  Pwede akong maging sperm donor,” dagdag pa ni
Gov. ER.
Nga pala, mag-uumpisa na sa March 8 at magtatapos sa March 17 ang ikatlong La Laguna
Festival, na tinagurian ding Festival of Life.
Buong ningning na ipinagmalaki ni Gov. ER na magiging mas malaki at star-studded ang pagdiriwang ng La Laguna Festival sa taong ito
“Well, La Laguna is celebrated for ten long days with seventy two events.
“Kaya’t La Laguna the Festival of Life, ito’y pagbibigay pugay sa ating pinakamalaking lawa sa buong Pilipinas, ang Laguna Lake.
“Kaya itong La Laguna, ang ibig sabihin po niyan the lake or the lagoon and sa Tagalog naman ang ibig sabihin niyan ‘lalago na’ o ang pag-usbong ng bagong Laguna, una sa lahat ng bagay.
“Kaya star-studded po ito, marami tayong mga artista, singers, performers and entertainers na inanyayahan para i-grace ang ating ten-day occasion na celebration ng La Laguna Festival: The Festival of Life—pinakamalaki, pinakamakulay, pinaka-exciting, pinakamagastos na festival sa buong Pilipinas.
“Pinarangalan ito ng Department of Tourism (DOT) at ng Association of Toursim Officers of the Philippines (ATOP) bilang Outstanding Festival at Best Tourism Event for the years 2011 and 2012.”
Ilan sa 72 events ng nasabing festival ay ang Street Dancing, Paralympics, Trade Fair, Dragon Boat Race, Talentadong Lagueno, Ginoo and Binibining Laguna Beauty Pageants, Miss Gay Laguna, Cook Fests, Motor Bike Show, Modern Dance Showdown, Fireworks Competition, Fluvial and Land Float Parades, Brass Band Competition at marami pang iba.
* * *
HANGGANG ngayon ay wala pa rin palang kamalay-malay ang mga magulang ng isang young actor na meron na pala silang apo sa kanilang binata.
            Pumutok na a few years ago ang tsismis na nakabuntis ang young actor pero nung kumprontahin siya ng kanyang mother dear tungkol dito ay agad naman niya itong itinanggi.
            Dahil may tiwala si madir sa kanyang pinakamamahal na binata ay pinaniwalaan niya ito. Ang siste ay nagmumukhang tanga ang pamilya ng young actor.
            Ang pagkakaalam nila ay girlfriend lang talaga nito ang laging kasa-kasama kapag merong pagtitipon sa kanilang pamilya pero ang totoo ay ito ang ina ng kanilang di pa nakikilalang apo.
            Ang tanong, hanggang kailan kaya itatago ng young actor at ng kanyang non-showbiz gf ang tungkol sa bagay na ito?
Pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak?
           

           

Anne deadma lang sa negatibong komento tungkol sa kanyang provocative outfit sa 'ASAP 18'


Mula sa pahayagang Police Files Tonight
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO

 DEADMA lang daw si Anne Curtis sa mga negatibong komento tungkol sa kontrobersyal na
outfit na  sinuot niya during her “wet birthday” production number sa “ASAP 18” last February
24.
            Para sa mga hindi nakapanood, she was wearing a strapless black gown with  
nakakaintrigang very high slit which made us all wonder kung meron ba o walang suot na panty
ang bruha.
Kung tutuusin more than reavealing ang naturang outfit dahil cleavage kung cleavage din
ang drama nito.
            Sabi raw ni Anne sa isang interview, natatawa na lang daw siya na pinag-uusapan ng
madlang pipol ang kanyang outfit at okey lang daw yun sa kanya.
            Ang mahalaga ay umipekto raw ang ginawa nilang ilusyon na wala siyang suot na
underwear or whatever, dahil ang totoo raw niyan ay meron siyang suot na hidden tan na
swimsuit.
            Para kay Anne ay okey ang suot niya pero hindi niya isinaalang-alang ang kanyang
audience in general.
            Ang tanong, bakit naman niya kailangang bigyan ng ilusyon ang televiewers na wala
siyang suot na panty considering the fact na maraming nanonood na kababaihan at kalalakihan
na pawang mga menor de edad sa Sunday musical-variety show ng Kapamilya network na
“ASAP 18?”
            Yun ang dahilan kung bakit ipinatawag ng MTRCB ang management ng “ASAP 18” 
para sa isasagawa nilang ‘gender-sensitivity investigation.’
            Nangako naman daw ang “ASAP” na magpapadala sila ng representatives para dumalo sa
meeting na itinakda ng MTRCB sa March 5 para talakayin ang nasabing issue.      
            Going back to Anne, hindi naman yata maganda ang pagiging deadma niya hinggil sa
issue ng pananamit whether its going out of bounds or not.
            Sana ay matuto rin si Anne, o ang iba pang artista riyan, na ilagay sa lugar ang pagpili ng
outfit na kanilang isusuot. 
Sana ay maging sensitibo rin sila sa sasabihin ng publiko dahil sila ay mga public figures
na hinahangaan at tinutularan ng marami.
            Para sabihin ni Anne na deadma siya sa mga negatibong komento ng madlang pipol about
her outfit ay para niya na rin sinabing she’s an insensitive and irresponsibe individual, whew!

* * *
OUT of desperation na makitang muli ang anak ay biglang nabuhay ang nananahimik na
controversial sexy star na si Rajah Montero.
            Eight months na mula nang mawalay kay Rajah ang two years old na anak na si
Josephine Claire.
            Kinidnap daw ito ng sariling ama na si JC o Juan Carlos Cheng, 26 years old.
            Kahit hiwalay na raw sila ni JC ay malaya naman daw itong nakakapunta sa kanilang
bahay para makita ang anak.
            Ang siste, nung minsang dalawin nito ang anak nila ay wala raw silang kamalay-malay
na itinakasna nito ang bata.
            Nung una’y nanahimik lang daw muna si Rajah.  Pilit niyang itinago sa press ang tungkol
sa bagay na ito.  Instead ay hiningi niya ang tulong ni Tulfo at ng DSWD pero wala rin daw
nangyari.
            Ang lalong ikinawindang ni Rajah ay nang sabihin daw ni JC na huwag na silang hanapin
ng anak niya dahil magpapalit na itong sim card at pupunta na sila ng Hong Kong.
            Ano ba ang ikinawindang ni Rajah, dahil ba hindi siya isinama sa Hong Kong, charing!
            Nag-file na siya ng mga kasong child custody at kidnapping pero hindi naman daw uma-
attend ng hearing si JC, na kasalukuyang merong warrant of arrest.
            Ang masaklap pa nito ay kinukuwestiyon pa rin ang kakayahan niyang magpalaki ng
anak bilang isang ina, kung kaya niya raw bang bigyan ng magandang kinabukasan ang anak nila
ni JC at kung hindi na raw siya babalik sa pagbo-bold sa kanyang mga pelikula.
            Hindi naman ikinakaila ni Rajah na nagpakita siya ng laman sa pelikula pero trabaho lang
daw yun at hindi nangangahulugang isa siyang masamang babae.
            Pakiusap niya sa pamilya ni JC na mababa ang tingin sa mga katulad niyang bold star,
pati na rin sa publiko, na huwag naman daw siyang husgahan dahil ang ginawa niyang pagbo-
bold sa pelikula ay bahagi lamang ng kanyang trabaho.
            Ang tanging hiling ni Rajah sa ngayon basta maibalik lang ang kanyang anak ay
ititigil na niya ang kaso.
            Gusto na rin ng bruha na mawala ang kanyang sexy image.  Kung gagawa raw siya ng
pelikula ay babawasan niya na ang pagpapa-sexy.
            Kung dati ay dalawang boobs ang ipinapakita niya, this time ay isa na lang, chos!
            Actually meron daw siyang gagawing pelikula with Marian Rivera na ang title ay
“Batang Lagalag.”
            Very ‘unMarian’ ang title ng pelikulang ito na ito kaya marami ang di makapaniwala
pero malay din natin matuloy ang proyekto, di ba?
           
           

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.