Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Nobyembre 8, 2015

WATCHING MACHINE: PBB 737 Teen Big Winner Jimboy









AS EXPECTED si Jimboy Martin, ang Barrio Rapper ng Nueva Vizcaya ang itinanghal na PBB 737 Teen Big Winner sa katatapos na PBB 737 Big Night na ginanap sa Albay Astrodome last Sunday, November 8.

PBB 737 Teen Big Winner:  Jimboy Martin
Jimboy garnered 56.76 % votes as against 43.24 % of votes received by the 2nd Big Placer Yllona Garcia, ang Daldal Darling ng Australia.

Deserving naman si Jimboy na manalong Teen Big Winner dahil bukod sa talented ay mararamdaman mo ang kanyang determinasyon na manalo upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya at mabigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan.

Kahit ang karamihan sa mga co-housemates niya na na-evict na ay siya rin ang bet para maging big winner.   

PBB 737 Teen 1st Placer:  Yllona Garcia
Deserving din naman si Yllona na maging 2nd Teen Big Placer. Sa murang edad na 13 ay naipakita naman ni Yllona ang kanyang determinasyon na maipamalas sa madlang pipol ang kanyang angking talento sa pag-awit.

Bago pa in-announce ni Toni Gonzaga ang winner ay binigyan niya sina Jimboy at Yllona ng isa pang pagsubok. Pinag-rap niya si Jimboy tungkol sa nararamdaman nito nung mga oras na yun nang impromptu at ni-request naman si Yllona ihayag ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng pagkanta.

PBB 737 Teen Big Winner:  Franco Rodriguez

Hindi naman binigo ng dalawa si Toni at ang kanilang mga tagasuporta dahil they both did what they are suppose to do with flying colors.

PBB 737 Teen Big Winner:  Bailey May Thomas




Nauna nang pinangalan ang PBB 737 Teen 3rd Big Placer at 4th Big Placer na sina Franco Rodriguez, ang Totoy Smiley ng Albay at Bailey May Thomas, ang Global Gwapito ng UK, respectively noong Sabado, November 7.
 

















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.