Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Nobyembre 29, 2015

Love triangle motibo sa pamamaslang sa ina ni Pastillas Girl...


Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl






Mommy Teresa Hernandez & Angelica Jane Yap

KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng ina ni Pastillas Girl Angelica Jane Yap (sumikat sa segment ng It’s Showtime na Nasaan Ka, Mr. Pastillas?) na si Mommy Teresa Santos Hernandez nang barilin ito sa ulo ng isang di pa nakikilalang salarin.  Naisugod pa sa ito sa Chinese General Hospital pero binawian din ito ng buhay.



Kakain daw sana ang biktima, kasama ang isang anak na babae at isang pamangkin, sa isang carenderia sa may Tagaytay at Cabanatuan Streets sa Caloocan City bago nangyari ang pamamaslang.



Ayon naman sa DZMM reporter na si Dennis Datu, love triangle diumano ang tinitingnang motibo sa pamamaslang. Hiwalay na si Teresa sa kanyang asawa at may boyfriend ito sa kasalukuyan pero gusto na raw nitong makipaghiwalay sa lalaki.  Bukod dito ay marami pa raw itong manliligaw.



Labis-labis naman ang pagdadalamhati ng mga kaanak ng pinaslang na ina ni Pastillas Girl, lalung-lalo na ng kapatid nitong si Mean at inang si Nanay Corazon.  Hindi sila makapaniwala sa malagim na sinapit ni Teresa.  Matinding galit ang kanilang nararamdaman sa salarin dahil sabog daw ang utak nito nang kanilang makita.     




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.