Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Oktubre 12, 2015

Watching Machine: Aktres-aktresan Pinagbabato ng BF ng Bote ng Beer




Ella Cruz
Naaksidente si Ella Cruz last October 9 habang nagre-rehearse ng kanyang stunt para sa COC (Clash Of Celebrities) segment ng It’s Showtime, kung saan isa siya grand finalists. 

Hindi naman malubhang nasaktan ang young actress pero nagtamo siya ng injury sa katawan.

Gustuhin man daw niyang makasali sa grand finals ng COC ay hindi talaga puwede dahil hindi siya raw makagalaw nang maayos at kailangan niyang magpahinga nang hanggang 3 araw sabi ng duktor.


“At akala ko po yun na yung katapusan ko or katapusan ng career ko. Pero nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan Niya pa ako ng pagkakataon para mabuhay pa at iniligtas Niya ako.  

“Good thing walang nabale or what. I just have to take medicines,” sabi pa ni Ella.

                                                  ***

Jessy Mendiola
Sa isang taped interview sa Kapamilya star na si Jessy Mendiola sa Tonight With Boy Abunda ay mariin niyang itinanggi ang tsismis na buntis siya at ang ex-bf niyang si JM De Guzman ang ama.

Clueless si Jessy kung bakit may ganitong lumabas na balita.  Mabuti pa raw ang ibang tao mas una pang  nalaman na buntis siya kaysa sa sarili niya.

Feeling daw ni Jessy kaya siya natsitsismis na buntis ay dahil sa malaman siya.
                                                                             
                                                 ***

Sino naman itong aktres-aktresan na napabalitang pinagbabato ng bote ng beer ng boyfriend niya?  

Nag-umpisa ang lahat sa inuman kung saan nagkapikunan ang magkarelasyon dahil sa pagseselos ni aktres-aktresan.

Sobrang KSP (Kulang sa pansin) kasi si aktres-aktresan kaya panay ang papansin niya sa kanyang boyfriend na deadma lang sa pinaggagawa niya hanggang sa hindi na ito nakapagpigil at pinagbabato ng bote ng beer ang selosang aktres-aktresan.

Mabuti na lang hindi napuruhan si aktres-aktresan at ang isa sa mga lalaking umawat, na kainuman din nila, ang bahagyang nasugatan.

Grabe ang away ng magsyota na halos isumpa ang isat isa pero after how many months ay nagkabalikang muli ang dalawa, and take note, inilibre pa ng aktres-aktresan ng pamasahe papuntang Japan ang boyfriend niyang aniya ay di naman guwapo pero mahal na mahal niya.


Hindi doon natatapos ang pagloloka-lokahan ng aktres-aktresan dahil ang original girlfriend at ka-live in pa man din kanyang boyfriend ang araw-araw naman niyang binubuwisit sa text.

Sino ang aktres-aktresan na ito? Hindi na siya active sa pagta-trying hard na magka-pelikula dahil kumikita na naman ang negosyong naipundar niya pero maya’t maya ay nagpaparamdam pa rin na gusto niyang mag-comeback sa showbiz.

Dakilang TH siya noong 90’s at kapangalan niya yung dating Seiko baby na hindi na rin ngayon active sa telebisyon at pelikula. 


 

starcinema.abs-cbn.com





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.