Watching Machine
ni Gas Gayondato III
OKAY na sana ang pinakabagong teleserye ng GMA-7 na Poor Senorita dahil kahit papano, e, natatawa naman ako paminsan-minsan. Ang problema lang masyadong pilit ang pagpatawa nila, lalung-lalo na ni Regine Velasquez.
If there's one thing na nakakapag-engganyo sa akin para ituluy-ruloy ang panonood sa nasabing serye ay ang pagiging scheming ni Snooky Serna nilang malayong tiyahin ni Regine. Isama na rin natin si Valeen Montenegro na gumaganap naman bilang anak ni Snooky.. Tawang-tawa talaga ako sa pagiging kontrabida ng dalawa.
Napansin ko rin na mukhang may problema sila sa script.. I have the feeling na it was originally intended for a younger actress, mga thirty something lang at hindi forty something tulad ng Songbird.
Yes, yung tipong medyo bata-bata pang aktres at sexy at hindi kasing tanda at kasing taba ni Regine.
Sa istorya kasi mapapagkamalan ni Regine na si Mikael Daez ang ka-blind date niya dahil sa kulay ng suot nito and vice-versa.
Ang nakakaloka, hindi man lang nagtaka si Mikael kung bakit mukha nang matrona ang
ka-blind date niya gayung ang original date niya ay sexy at bata pa na ipinakita rin
after nilang pumasok ni Regine ng hotel.
Mas nakakatawa sana ang eksenang yun kung ipinakitang takang-taka si Mikael kung bakit ang ka-blind date niya ay majonda na at parang lumba-lumba o mala-aparador ang katawan.
Tutal comedy naman ang Poor Senorita, e, di sana ikinomedi na rin nila ang kajondaan at kajobaan ni Regine.
Please lang, wag nila tayong paniwalain na magka-sing age lang sina Regine at Mikael dahil lalong nakakawala ng kilig.
Mas may kilig siyempre if they'll stick to reality. Majondang girl meets mas batang boylet. O, di ba ma panalo sa humor?
Sana rin ay mabanggit man lang sa istorya na hindi nagkakakalayo ang edad ng characters nina Regine at Snooky para hindi naman nakakarindi every time tinatawag ng una ang huli na tita. Sa totoo lang kasi halos magkasing-age lang ang dalawa.
Kunsabagay nag-uumpisa pa lang naman ang naturang serye kaya there's still more room for improvement.
Mga Kabuuang Pageview
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Disclaimer
Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento