Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Marso 26, 2016

Chizbitz: Hunk Actor 600 Thou ang Presyo?




ni Ikabod Grin

Nora Aunor
HAPPY Easter everyone!  At dahil diyan ay hindi na tayo magpapapaliguy-ligoy pa para pagtsismisan ang mga katulad ni Val na walang malay, ha-ha-ha!  Tuloy ang ligaya mga mars.  First on the list is no other than the Superstar Nora Aunor.
Usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz ang di man lang daw pagsilip ni Mama Guy sa burol ng kanyang Mamay Belen bilang pagbibigay respeto sa taong ito na naging malaking bahagi ng kanyang tagumpay noong nagsisimula pa lamang siya bilang isang contestant sa Tawag ng Tanghalan hanggang sa sumikat siya at bansagang Superstar.

Ang chikabels, wala raw utang na loob si Mama Guy at kung anik-anik pang masasakit na salita ang ibinato dito. 
Ipinalalagay ng ilang intrigero hanggang ngayon ay meron pa raw problema sina Mama Guy at Mamay Belen dahil sa lupang kinamkam ng partido ng huli sa una.

Feeling naman ng mga hindi masyadong intrigero baka nagkasakit lang daw ang Superstar kaya no show itetch sa wake ng kanyang tita.
Sabad naman ng mga walang magawa, baka raw hindi natanggap ni Mama Guy yung imbitasyon ng pinsan niyang si Lala Aunor, anak ni Mamay Belen.  Mahirap na raw maakushang gatecrasher.  Me ganun?
                                                   * * *

Janice De Belen
SPEAKING pa rin of wake, nagkita raw sina John Estrada at Aga Muhlach sa lamay ng dearly beloved mom ni Janice De Belen na si Mommy Susan De Belen.
Wala naman daw untoward incident na nangyari kaya napag-uusapan ang tungkol sa bagay na ito except for the fact na medyo naging awkward daw ang situwasyon dahil parehong “ex” ni Janice sina John at Aga. Well…
Sus, papano namang magiging awkward ang situwasyon, e, pareho na namang ex ni Janice ang dalawang itetch.  Mas awkward siguro kung meron nang bagong asawa o boyfriend si Janice tapos sabay na dumating sina John at Aga.
Medyo awkward lang pero hindi talaga awkward.  Medyo awkward, hindi talaga awkward?  Ambot sa imo!
                                      
                                                    * * *
 
Jennylyn Mercado
 HINDI raw totoong buntis si Jennylyn Mercado.  Kaya lang daw madalas itong maduwal sa shooting ng movie nila ni Jericho Rosales ay dahil sa sakit nitong anxiety attack. Talaga lang, ha?
Ang totoo raw buntis ay si Nadine Samonte.  Mga two months preggy na raw ito.  Well, hindi naman nakapagtataka na mabuntis si Nadine dahil may asawang tao ito ‘no.  Maloka tayo kung nabuntis si Nadine tapos dalaga pa siya.   Ibig sabihin nun ay may milagrong ginagawa ang bruha, huh!

                                                    * * *
 
Sinetch itetch?
SINETCH ang hunk actor na itetch na usap-usapan ngayon sa umpukan ng mga beki na tumataginting na 600 thou ang presyo for a one night performance.  Hindi malinaw kung anong klaseng performance ang tinutukoy dito.  Performance sa isang show o performance for a one-night of loving-loving?

Pero ang malinaw ay ang mahal naman daw magpresyo ng naturang hunk actor mapa-show man yan o mapa-sex.  Six hundred thousand peso-pesoses?  Bongga siya, ha.

Ang siste, hindi naman daw bongga ang kargada ni hunk actor.  Dyutay lang daw itetch.  At bukod sa dyutay na, e, ang dumi pa raw nitetch sa katawan.  Hindi raw talaga worth it ang 600 thou na TF na ibinayad dito ng isang mhin (o pa-mhin?) na pulitiko from the South.

Gets niyo na kung sinetch ang hunk actor na itetch?  Clue: May kapangalan siyang young actor na kaapelyido ang isang hunk actor din na sumikat from the 60’s up to the early 80’s.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.