Mula sa pahayagang Police Files Tonite
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
PAGKATAPOS ng GMA 7 at ABS-CBN 2 ay ang pamunuan
naman ng TV 5 at “Wowowillie”
ang ipinatatawag ng MTRCB para sa meeting regarding
gender sensitivity and decorum.
Ang pulong ay gaganapin sa
March 13 kung saan pag-uusapan ang Feb. 28 episode ng “Wowowillie” at over-all decorum and depiction of women in the show.
Gusto
raw mapakinggan ng MTRCB ang panig ng lahat ng sangkot sa nabanggit na
episode ng nasabing programa kung saan inilabas ng
main host nitong si Willie Revillame ang
kanyang galit at sama ng loob sa mga co-hosts niyang
sina Ethel Booba at Ate Gay matapos
kuno siyang masigawan ng mga ito dahil sa pagkatalo
sa segment ng kanilang show na “Mini
Concierto.”
Again,
tulad ng provocative number and outfit ni Anne Curtis sa Feb. 24 episode ng
“ASAP 18, sa pamamagitan din ng social media ay
pinutakti rin daw kasi ng mga reklamo ang
MTRCB dahil sa paglabag ng noontime show ng TV 5 sa
GMRC o Good Moral and Right
Conduct.
* * *
MATINDI ang naging impact sa mga miyembro ng ENPRESS
ng ginawang pagbibiro kuno ni
Paulo Avelino sa stage mismo ng Teatrino kung saan
ginanap ang 2013 Golden Screen TV
noong Biyernes ng gabi, March 1.
Kahit nagbigay na ng
statement ang manager ni Paulo na si Leo Dominguez na humihingi ng paumanhin hinggil sa nasabing biro ng kanyang alaga ay mahihirapan na silang pakalmahin
ang damdamin ng mga na-offend na miyembro ng ENPRESS.
Tama lang ang naging agarang aksyon ni Paulo at ng kanyang manager but what he
(Paulo) has done is something that cannot be repaired in one day, one week,
one year or even ten years.
Maraming-maraming taon ang bibilangin bago tuluyang makalimutan ng mga taga-
ENPRESS ang ginawang yun ni Paulo.
Now he has to face the consequences of his action.
As of press time ay hindi pa nagmi-meeting ang
naturang samahan ng entertainment
press. Sa meeting na ito kasi
tatalakayin kung anong aksyon ang gagawin nila sa di nakakatuwang biro ni Paulo na ikina-offend ng marmai sa kanila.
Pero according to a very reliable source ay malamang na bawiin ng ENPRESS ang Best
Supporting Actor na ipinagkaloob nila kay Paulo.
Tsk! Tsk! Tsk! Medyo mabigat ang parusang ito para sa young actor pero nararapat lang
ito para maturuan ito ng leksyon at masampulan na rin ang ibang artista diyan na mahilig
magbiro nang wala sa lugar.
Sabihin ba namang, “Mahirap magtrabaho kung napilitan ka lang,” bago siya nag-
present ng award dahil pinakiusapan lang siya ng ENPRESS, e, sino ba naman ang hindi mao-
offend, to think na nanalo pa siya ng award.
Ang kapal mo rin ‘no, Papa Pau!
* * *
ang dalagita nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Julia Barretto nang ipakilala sila
(ni Julia) at sampung iba pa as members of Star Magic Circle 2013 sa entertainment press
kamakailan.
Sa totoo lang, first time niya raw naging vocal sa babae. Tutal malalaman din naman
daw ni Julia ang totoo kaya inamin niya na din.
First time pala silang nagkakilala ni Julia sa Star Magic Ball last year. Nagkatsikahan
lang daw sila hanggang sa naging magkaibigan na.
Bukod kay Khalil ay tila may gusto rin kay Julia ang binata ni Sen. Jinggoy Estrada na si
Julian Estrada na ka-batch din nila sa Star Magic Circle 2013.
And take note, mukhang super close rin sina Julian at Julia. Duda nga ng ibang intrigera
ay may “something” nang namamagitan sa dalawa.
Ang tanong, hindi ba siya nagseselos?
“Hindi naman po.
“Wala pa naman dun sa level na pagseselosan ko.
“I just like her.”
Tama yun.
Huwag munang magseryoso sa tawag ng pag-ibig, huh!
Gawin niyo
lang inspirasyon ang mga crush ninyo dahil ang babata pa ninyo. Love can
wait at the back seat naman, e, di ba?Eniweys, bukod kina Khalil, Julia at Julian ay kasama rin sa Star Magic Circle 2013 sina
Jerome Ponce ng “Be Careful with My Heart,” na aminadong maraming nagsasabing kahawig
daw siya ni Thai Superstar Mario Maurer: Janella Salvador na anak nina Jenine Desiderio at
Juan Miguel Salvador; Kit Thompson ng “PBB Teen Edition:” Michelle Vito na gumanap na
kontrabida sa”Aryana,” Liza Soberano, na ka-love triangle nina Kahtryn Bernardo at Daniel
Padilla sa peliklang ”Must Be Love,” Alex Diaz, Ingrid Dela Paz, Jane Oineza at Jon Lucas.