WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
KAPATID versus kapatid. Ina versus anak. Anak versus ina. Ina, kapatid, anak. Aba parang
teleserye --- as the story goes the plot thickens.
Sino
pa nga ba ang bida sa much-talked-about teleserye of the hour kundi ang
Barretto
family starring the Barretto sisters: Gretchen, Marjorie and Claudine.
Also
starring is the Barretto matriarch Mommy Inday Barretto, Joaquin ‘Jay-Jay’
Barretto
and Gia Barretto-Reyes. With the special participation of Ms Tania Montenegro.
Nagsimula
lang ang lahat sa masasakit na salitang binitiwan nina Gretchen at Marjorie sa
isang instagram user called “btchjuliaisbitch” na
obvious naman daw na si Claudine, na
nagbantang sisirain si Julia Barretto (anak ni
Marjorie kay Dennis Padilla) kapag pumasok ito sa
Star Magic.
Dahil dito ay hindi na nakapagpigil si Mommy
Inday kaya last April 24 ay lumabas sa
Funfare column ni Ricky Lo sa Philippine Star ang
kanyang letter kung saan sinagot niya punto
por punto ang lahat ng patutsada ni Gretchen kay
Claudine which she unwittingly opened a can
of worms.
She
revealed her (Gretchen) violent ways na nagbabato ng expensive plates. She even
called her a liar.
Pati ang paghihiwalay nina Raymart Santiago at Claudine ay nabunyag.
Apparently,
malalim ang pinaghuhugutan ng mga sama ng loob ng Barretto matriarch sa
kanyang ika-5 anak (Gretchen).
Pero sa totoo lang marami ang naiyak
towards the end of her letter saying, “Gretchen,
I am not a wimp, never been one, but lahat may "hangganan." I
have protected you all these
years without exposing to the world the real you. But you have pushed
many of us to the wall.
There’s no other way but for us to defend our names! I have always
loved you as one of my own,
and always will, but love of my family belongs to the heart and not in
the garbage can!
I am letting go of a child now who never wanted me in order to save one
who has always been
there for all, and with all of her love…Claudine!”
* * *
WITH that ay marami
ang nag-abang sa susunod na kabanata.
Pumasok ang isang bagong
character – si Joaquin
“Jay-Jay” Barretto, ang ika-3 anak nina Mommy Inday at Daddy Miguel
Barretto.
Pinabulaanan niya ang lahat ng
sinabi ng kanyang ina laban kay Gretchen.
Aniya, si
Claudine ang problema
at hindi si Gretchen.
Kung noong December daw sana of last
year ay pumayag na silang ipagamot si Claudine
sa psychiatrist ay
wala raw sanang ganitong problema ngayon.
For the longest time raw ay
pinu-provoke ni Claudine si Gretchen.
He pictured Gretch as the ulirang anak
and kapatid who sacrificed schooling at the age of
12 para magtrabaho at
mabigyan sila ng maginhawang buhay.
Kumbaga si Gretchen ang nagsilbing
breadwinner ng pamilya nung mga panahong yun.
Oops, another character enters frame
– si Gia Barretto-Reyes, ang ika-4 na anak nina
Mommy Inday at Daddy Miguel
na kasalukuyang nasa Boston, Massachusetts.
Kung si Jay Jay ay kay Gretch, si
Gia ay naman ay para kay Claudine.
Pinasinungalingan
niya ang mga sinabi ni
Jay Jay sa pamamagitan ng kanyang letter na lumabas sa Funfare
column ni Ricky Lo sa
The Philippine Star last April 26.
Ani Gia, si Claudine raw ang
tumulong sa kanila sa panahon ng kagipitan at hindi si
Gretchen.
Hindi raw nila pinuwersa na
mag-showbiz si Gretchen kundi ito raw ang nagpumilit.
At sa kakarampot nitong
kita, makakaya raw ba nitong bigyan sila ng maginhawang buhay tulad
na nai-provide ng
kanilang ama?
Sey
pa ni Gia, “1.
We live in big beautiful houses 2. Slept in carpeted, air-conditioned
rooms,
3. Food galore. 4. Put in an exclusive school. 5. Members of exclusive country
clubs. 6.
We
each have our own yayas, yours even a midwife. 7. Driven by chauffeurs.”
Marami pang binitiwang maaanghang na
salita si Gia laban kay Gretchen at sa ending ay
ito na lang ang pakiusap niya sa kapatid, "Please stop hounding us like
an attack dog. We willadmit defeat if you just leave us in peace.
“Just totally disappear from our lives without
leaving a trail of vile and misery. Please.
"Enough is enough! Leave us alone. Leave my family alone.”Then came Tania Montenegro, Gretchen’s best friend. Sa mga binitiwan niyang pahayag
ay inilarawan naman niya ang kawawang si Gretchen nung nag-aaral pa sila sa Colegio de San
Agustin.
Madalas daw napapalabas ito ng room pag exam kasi hindi pa nababayaran ang tuition.
Madalas din daw pag-recess kulang ang baon nito o di kaya ay di ito umuorder sa canteen
samantalang ang ibang mga kapatid ay nagre-recess, nagla-lunch.
Aba teka muna, enter frame ulit si Mommy Inday. Aniya about Tania sa latest interview
sa kanya ng PEP, “Who is she and where did she come from? She’s not even a part of my
family!
“She’s away-bati, away-bati with Gretchen. They are the ones who used to malign
her…"
“She (Gretchen) paid this Tania Montenegro! I don’t know for how much! Walang
naniniwala.
“I don’t want to turn that bad. I cannot answer
that in all conscience dahil ikasisira…
"Masyado na siyang magmumukhang masama sa pamilya at mundo ni Tony (Tonyboy
Cojuangco).”
Dito ay nilinaw rin ni Mommy Inday ang isyu ng pagiging breadwinner kuno ni Gretchen
ng pamilya, ayon kay Jay Jay, and I believe naman she has a point.
Yung sinasabing 12 years old pa lang si Gretchen ay naging model ito ng isang
clothing line. So hindi pa raw talaga ito nagwo-work.
Nagsimulang gumawa ng pelikula si Gretchen at the
age of 14. Ito yung “14
Going Steady.” ng Regal Films.Nasundan pa ito ng dalawang, ani Mommy Inday, unforgettable films.
Korek yun. So, papano nga naman masasabing naging breadwinner si Greatchen
ng pamilya gayung maliit pa lang naman ang kinikita nito at wala pa itong masyadong
ginagawang pelikula nung mga panahong yun?
Madalas abonado pa nga raw si Mommy Inday sa gastos nito.
When Gretchen reached 18, wala na raw ito sa poder nila at hindi na raw si
Mommy Inday ang nagha-handle ng pera ng bruha dahil nakipag-live in na raw ito kay Joey
Loyzaga while sila naman ay nasa Iloilo na.
Yun lang and ayaw ko nang makisawsaw kasi it’s purely family matter.
Marami pang revelations ang mabubunyag sa mga darating na araw pero natitiyak kong sa
bandang huli ay magkakakayos din silang lahat.
Kung kailan, yun ang hindi ko alam.
Ang punto ko lang, sana kung problema o alitang pampamilya, e, huwag nang daanin sa
instagram, facebook, tweeter at kung saan-saan o anu-anong social networking sites dahil ang
pangit tingnan washing your dirty linen in public, unless gusto niyo talagang magpapansin.
Sa case ni Mommy Inday, its understandable na isinapubliko niya ang kanyang letter for
Gretchen para malaman din ng publiko what’s the real story or her side of the story behind all
those maaanghang na patutsada nina Gretchen and Marjorie against kay Claudine.