Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Hunyo 22, 2016

Shine to Timothy: No forgiveness for what you did, No annulment for you!



Chizbitz:
ni Ikabod Grin



Sunshine, Timothy and Clarisma


MUKHANG malalim ang pinaghuhugutan ni Sunshine Dizon sa hiwalayan blues nila ng kanyang mister na si Timothy Tan. Bukod kasi sa isyu ng infidelity on her husband’s part, may mga pinu-post si Shine sa kanyang Instagram account na medyo matalinhaga pero reading between the lines ay magi-gets mo kung anik-anik ang kanyang pinagdaanan sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama.

Isa na riyan yung sinasabi niyang para siyang na-trick ng isang evil magician, nawalang lahat ang kanyang pinagtrabahuhan at na-realize na lang niya one day na ang horror ay hindi lang pala sa pelikula nangyayari kundi maging sa totong buhay din.

Siguro naman na-gets niyo na kung bakit lately ay panay na ang tanggap ni Shine ng trabaho sa kanyang mother studio, ang GMA7, para kumita lang ng datung.

Sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay pag-ibig ni Shine ay narito ang ilang makahulugang post niya sa kanyang Instagram account:

“Hindi po madali ang pinagdadaanan ko at ng mga anak ko ngayon. I'm trying my best to keep everything away from from the public. Please bear with me in this difficult situation as I'm preparing for
battle. 

Hindi ko po ipagkakait sa inyo ang mga mangyayari sa buhay ko at sa pinaglalaban ko legally as your overwhelming support inspires me to fight not only for my self  but also for those out there in the same sitution like me.

As a wife and mother who uncovered lies hindi po tama siguro na ako ay manahimik lamang and I assure everyone that I will finish this legal battle until the end.
Makakaasa po kayo na magsasalita po ako ng katotohanan lamang sa tamang panahon.  

And again I would like to thank everyone sa lahat ng suporta at pagmamahal na pinaramdaman ninyo sa nakin kasama ng mga anak ko.”

Ang isang bagay na lalong ikinaloloka ni Shine tungkol sa pambababae ng kanyang labs ay ang katotohnang kapitbahay lang pala niya ang other woman nitetch.  Korek, they live in the same building, exactly 3 floors up kung saan sila nakatira ng kanyang dalawang jonakis.   

Ang namesung daw ng kulukadidang ng kanyang mister ay Clarisma Soriano Sison, nagwo-work daw itetch sa St. Luke’s Medical Center bilang isang Patient Experience Office.

Pinost din ni Shine ang piktyuraka ng sweet note ng isang nagngangalang Clang (Clarisma)  para sa kanyang hubby
at ang sabi'y, ”When I tell you I love you I don’t say it out of habit. I say to remind you that you’re one of the best things that ever happened… ( ‘to me’ siguro ang karugtong kasi putol na ang piktyuraka).

Anong sey ninyo, ang sweet, di ba?

By the way, itetch ang isa pang Instagram post ni Shine:

#CLARISMASORIANOSISON #PATIENTEXPERIENCOFFICER #patientexperience Oh and by the way, how was it like to live so near me? Exactly 3 floors up in the same building were my children and i live. And did you also enjoyed your U.S trip recently? So excited to hear all about it, im pretty sure your husband will be so happy also. I do hope its all worth it. 😊
#clarismasorianosison #stlukeshospitalqc @clang_sison #claris #clang
#cla @tantim99



Shine and her babies Doreen and Anton

Narito naman ang latest post ng aktrselya sa kanyang Instagram account:
“Mahirap mahiwalay sa mga bata sa mga ganitong panahon. Salamat sa Mama ko at andyan siya pag kailangan ko mag trabaho at sa dalawa kong angels elona at naneth. Mahirap maging ina pero kailangan natin lumaban at itaguyod ang ating mga anak. 

Saludo ako sa lahat ng mga nanay na di sumusuko at kinakaya ang lahat. Napaka swerte ko pa din at may dalawa akong anghel. Maswerte pa din ako at kahit na bagsak kaya pa din bumangon at mag simula mag isa dahil may trabaho kahit papaano. 

This fight is for my babies Doreen and Anton. Mama will always love and protect you. I will give my all and best to give you the best life possible. I miss you my loves.” #chinadollandtonyboy

Sa ginawang itetch kay Shine ng mister niyang si Timothy Tan at ng kabitsina nitetch na nagngangalang Clarisma Soriano Sison ay itetch ang itaga ninyo sa bato, “No forgiveness for what you did. No annulment for you!”

“I will seek justice. I will see you both in court,” chikapost pa ni Shine sa Instagram. Tarayyy…





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.