Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
SA IKALAWANG pagkakataon ay muling nasungkit ni
Angel Locsin ang Best Actress trophy
para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang
“One More Try” ng Star Cinema, at ito’y sa
katatapos lang na “61st FAMAS Awards” na
ginanap sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon
City, last April 21.
Sobrang
happy siyempre si Angel dahil maaga nga namang birthday gift ito para sa
kanya. She
celebrated her 28th birthday last April 23.
Matatandaang unang
nanalo si Angel as Movie Actress Of The Year sa nakaraang “29th
Star Awards for Movies” na ginanap din sa AFP
Theater noong March 10.
Tulad
ni Angel, sa ika-2 pagkakataon ay wagi rin as Best Actor si Laguna Gov. ER
Ejercito para sa Pelikulang “El Presidente” na
muling humakot ng awards sa “61st FAMAS
Awards.”
Gov.
ER was first adjudged as Movie Actor of the Year sa “29th Star
Awards for
Movies.”
Si Cesar Montano ang
nanalong Best Supporting Actor for the movie “El Presidente” at si Jaclyn Jose naman ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang “ A Secret
Affair.”
* * *
“IT’S easy to forgive… makahulugang sagot ni Kim
Chiu sa tanong sa kanya ni Boy Abunda sa
“The Buzz” kung napatawad na ba niya ang dating
kaibigang si Maja Salvador.
“It’s hard to forget,”
dugtong ni Kuya Boy.
“Siyempre madaling
magpatawad, pero mahirap kalimutan yung ginawa nila,”
naluluhang sabi ni Kim referring to Maja and her
ex-bf na si Gerald Anderson.
Alam
naman siguro nating lahat na nag-ugat ang alitan sa pagitan ng mag-best friend
(Maja and Kim) nang maugnay si Maja sa ex-bf ni Kim
si Gerald.
Pero
ang tanong ni Kuya Boy, papano nagagawa ni Kim na makasama si Maja sa mga
eksena nila sa teleserye nilang “Ina, Kapatid, Anak”
sa kabila ng mga nangyari sa kanila?
“Professionalism
siguro, number one. And sa pagmamahal ko
sa trabaho ko, kaya
ganoon.”
Sa kabila ng lahat,
nangangarap pa rin ba si Kim na magiging maayos ang lahat sa pagitan nila nina Gerald at Maja?
Aniya, “Oo
naman, wala namang nangangarap ng hindi magandang buhay.
"Time
will tell and, siguro, hindi pa ngayon.”
Natawa
naman si Kim nang biglang i-segue ni Kuya Boy kung sila ba ni Xian Lim ay
officially together na.
“Hindi ko masagot ‘yan,
pero masaya ako na nandiyan siya.”
Pahabol pa
ni Kuya Boy, “Is that another way of saying, ‘Yes, Tito?’”
“Basta
ano, thankful ako na nandiyan siya for me,” sabi lang ni Kim.
Well, that
was “The Buzz’s” special interview sa birthday girl na si Kim Chiu who just
celebrated her 23rd
birthday last April 19.
Ayon
sa isang panayam, isang promise ring at isang pares ng hikaw ang birthday gift
ni
Xian Lim sa dalaga.
Kung
ano ang promise sa promise ring, e, secret daw sabi ni Kim.
* * *
ISA ang Regal matriarch na si Mother
Lily Monteverde sa masugid na sumusuporta kay Grace
Poe (one and only daughter ng King
and Queen of Philippine Movies na sina Fernando Poe Jr. at
Susan Roces at dating MTRCB chairman),
na tumatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng Team
PNoy.
Kaya
naman para mas mailapit pa si Grace sa entertainment press at sa masa ay
binigyan siya ni Mother Lily ng
isang malaking get-together chorva na ginanap sa Imperial
Palace Suites,Timog Ave., Quezon
City last April 20.
Dumalo sa
nasabing pagtitipon ang ilang TV and movie personalities tulad ng mag-
asawang Albert at Liezl Martinez,
Direk Maryo J. de los Reyes at Joel Lamangan.
Dito ay nabanggit
ni Grace ang kanyang slogan na, “Ang inumpisahan ng tatay
ko, tatapusin ko.”
"Sabi
nga nila, ‘Ano ba ang naumpisahan ng tatay mo na puwede mong ipagpatuloy, e,
hindi naman siya naka-entry sa
politics?’
“Pero para
sa inyo na nakakakilala sa kanya, ang naumpisahan ng tatay ko ay pagtulong
sa mga taong nangangailangan…
Aniya pa, sa lahat ng gusto niyang gawin, sana
maramdaman sa pinakababa. Para ka
raw tigang na kailangan diligang
mabuti. Pero kailangan munang bungkalin
at tanggalin ang
mga bato para makarating sa
pinaka-ibaba.
“Gusto
kong magkaroon ng standardized feeding program sa lahat ng pampublikong
paaralan.
“Sapagkat dinidinig
ngayon ang K-12 program sa Kongreso, bakit hindi tayo maglagay
ng probisyon para magkaroon ng
pananghalian sa paaralan?”
Bukod dito
ay gusto ring matulungan ni Grace ang sektor ng agrikultura para raw hindi
na tumaas pa ang irrigated land.
“Sa dalawa po na yun ako concentrated.
"At
bagamat hindi ko nababanggit palagi, pero nasa puso ko ang ating industriya.
“Makakaasa po ang film and TV
industry sa akin.
“Gusto
kong dagdagan sana ang budget ng FDCP, MTRCB, lahat ng lugar na may
kinalaman sa industriya.
"At
kapag sinasabi nilang, ‘Ano ba ang ipinagyayabang mo, e, MTRCB lang naman
‘yan? Ano bang klaseng department
‘yan?’
“Totoo,
maliit lang ang budget ng MTRCB, pero bawat bata nanonood ng telebisyon, 21
hours a week ang nire-regulate ng
MTRCB at ang influence ng media ay nakakaapekto sa
kamalayan ng ating mga anak.
“Kailangan
nating bigyan ng suporta ang film and TV industry.”
Nilinaw
rin ni Grace na wala talagang tampuhan sa pagitan nilang magkapatid na si Lovi
Poe.
Hindi
raw totoong ayaw niyang tanggapin ang alok ni Lovi na tumulong sa kampanya.
“Ay
naku, wala talaga. Kasi, ako pa nga ang nagpapasalamat kay Lovi dahil
umpisa pa
lang, sinabi na niya na,
‘I’m there to support my Ate,’ that’s why I’m very touched.
“Kaya
lang, hindi pa siya lumalabas dahil naghahanap naman tayo ng tamang okasyon.
Naikuwento
rin ni Grace na, “Sa sobrang dobleng-edad ko kay Lovi, hindi naman kami
lumaking close.
"Kapag
nagkikita kami, she’s very warm to me and I am to her also.
"At
hindi ko binalak na isama siya sa kampanya na baka sabihin, ginagamit ko naman
siya.
“Hanggang Twitter lang kami nagsasagutan pero
sa totoo lang, noon pa, nagtatanong na
siya on how can she go around with
me.
"Pero
sabi ko, sa bandang huli siguro.”
“At may
isa pang kuwento riyan kay Lovi. One
time, meron akong staff na nasa
Rockwell. Tapos nakasalubong niya si
Lovi at sabi ni Lovi, ‘Where can we get that baller band?’
Nakalagay Grace Poe.
“Tapos
sabi ng staff ko, ‘I have it in my van.’
"Sabi
ni Lovi, ‘Can I have some?’ So, pagkabigay kay Lovi, si Lovi, isinuot agad at
tinweet.
“So, para
sa akin, she said that she’s ready any time, I just want to find a right
position,
Ayoko namang ipilit,” sey pa ni
Grace.