Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
SA MEDIA launch ng Blue
Water Day Spa na ginanap sa Edsa Shangri-la , kung saan isa si Aljur Abrenica
sa mga bagong endorsers nito, ay natanong ang aktor kung sino o sinu-sino ang mga
taong pinatutungkulan nito sa kanyang tweet na tila may halong galit.
Sabi
kasi ni Aljur sa tweet niya, “Nirerespeto
at kinasasaya ko ang lahat ng sumusuporta sa amin ni kris. Pero sana kung wala rin po tayong masasabing
maganda sa ibang tao wag na po tyong magsalita.
“Dahil
hindi natin alam na nakakasakit na po tyo. Respeto lang po sana ang hinihingi
ko.. mas maganda rin po cguro na mas marami tayong kaibigan kesa sa makasakit
tayo sa kapwa.salamat.”
Pero
agad namang humingi ng pasensya si Aljur hinggil dito sa entertainment press at aniya ay tao lang daw siya.
Sey
pa ng aktor, for the longest time nakikita niya raw yung mga comments na tungkol sa girlfriend niyang si Kylie
Padilla na sobrang below the belt na ay pinapalagpas
niya lang daw ang lahat ng yun.
“Siyempre
twitter ‘yan, hindi naman natin mati-trace kung sino ang mga ‘yan. Kahit siguro sino sa atin pwedeng gumawa ng
account,” katwiran pa ng hunk actor.
Hindi naman naniniwala si Aljur na mga fans mismo nila ni Kris Bernal ang nagpo-post ng mga di magagandang comment laban kay Kylie.
Hindi naman naniniwala si Aljur na mga fans mismo nila ni Kris Bernal ang nagpo-post ng mga di magagandang comment laban kay Kylie.
Kilala
raw niya ang mga fans nila ni Kris.
Hindi raw magagawa ng mga ito ang ganun. Rerespetuhin daw ng mga ito kung sino man ang
kani-kanilang karelasyon.
Feeling
ni Aljur ay mga tao lang daw talaga yun na nagti-trip.
With
regards naman kay Kylie, nung una raw ay
nasasabi ng young actress sa kanya na nasasaktan na ito sa kanyang mga bashers.
Sinasabi
na lang daw niya dito na huwag na lang
pansinin ang mga yun. Pero lately raw ay
siya na ang naapektuhan.
MAS cute pala sa personal
ang isa sa mga paborito kong contestants noon sa “ X Factor Philippines,” na
pinagwagihan ni KZ Tandingan at pinagkalokohan ng isang nagnangalang Kedebon.
Yup, ang tinutukoy ko po ay si Michael Pangilinan na isa
na sa mga tinitilian ng mga kababaihan at kabadingan sa “Walang Tulugan With The
Master Showman” ni Kuya Germs at sa “Party Pilipinas” ng GMA 7.
Imagine, nung sina Michael at Kedebon ang pinagpilian
para manatili sa “X Factor” ay ang mukhang sintu-sinto ang pinaboran ng mentor
nilang si Martin Nievera.
Ikinaloka talaga ng madlang pipol ang naging desisyon na
yun ni Martin. Ewan kung for what
reason at yun ang naging desisyon ng Lolo Martin niyo, e samantalang obvious
namang mas may x factor si Michael kaysa sa Kedebon na yun.
Sa 9th
anniversary ng Zirkho na ginanap mismo sa Zirkho-Morato last Sunday ay buong
ningning pang ipinagmalaki at pinasalamatan ni Michael si Martin bilang mentor
at inialay pa dito ang paborito niyang hit song nitong “Kahit Isang Saglit.”
You see, ganyan kabait ang batang ‘yan, ni hindi siya
nagtampo o nagtanim ng sama ng loob kay
Martin sa pagkakatsugi nito sa kanya sa “X Factor Philippines.”
Eniweys, isa pa sa talagang tinilian nang husto ng mga
nanood ng 9th anniversary show ng Zirkho, especially ng mga matrona,
ay si Sam Milby.
Wala pa rin talagang kupas ang appeal ni Sam sa mga lola
niyo. May narinig pa akong matrona na pabulong na
sinabing gusto niyang i-take home si Sam
sa halagang 5 thousand dollars.
Panalo rin sa tsika si Gladys Guevarra na puro foreynger naman ang tinira at
pinagtripan! Nakakalokang talaga, whew!