MANHUNT INTERNATIONAL 2012
Mga Kabuuang Pageview
Sabado, Disyembre 29, 2012
Huwebes, Disyembre 27, 2012
Jeron Teng: Hardcourt Heartthrob
38th MMFF Awards Night Winners:
Watching Machine
By Gas Gayondato III
Nora Waging-Wagi sa MMFF 2012 Awards Night
Dingdong, Cesar, Wilma panalo!
MATAGUMPAY na idinaos ang "38th Metro Manila Film Festival Awards Night" last Jan. 27 sa Meralco Theater.
Hindi umubra ang pagta-try ni Angel Locsin na masungkit ang "Best Actress" award para sa pelikulang "One More Try" dahil kay Ms. Nora Aunor ito napunta para naman sa pelikulang "Thy Womb."
Dingdong Dantes made it for two consecutive years as the festival's Best Actor, this time for the movie "One More Try."
Si Cesar Montano naman ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa "El Presidente."
Surprise of all surprises ang pagkakahirang kay Wilma Doesnt bilang Best Supporting Actress for the movie "Sisterakas" ng Star Cinema.
Hindi umubra ang pagta-try ni Angel Locsin na masungkit ang "Best Actress" award para sa pelikulang "One More Try" dahil kay Ms. Nora Aunor ito napunta para naman sa pelikulang "Thy Womb."
Dingdong Dantes made it for two consecutive years as the festival's Best Actor, this time for the movie "One More Try."
Si Cesar Montano naman ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa "El Presidente."
Surprise of all surprises ang pagkakahirang kay Wilma Doesnt bilang Best Supporting Actress for the movie "Sisterakas" ng Star Cinema.
Marami ang nagtataka kung bakit
itinanghal na Best Picture ang “One More Try” gayung wala naman itong masyadong
napanalunang award. Ang pinakamabigat na
award na nakuha nito ay Best Actor lang samantalang ang “Thy Womb” ni Nora, na
bukod sa napanalunan ang Best Actress, Best Director, Gatpuno Villegas Cultural
Award at Most Gender Sensitive Award ay wagi pa rin ng Best Production Design, Best
Cinematographer, at Best Original Story pero hindi man lang nanalo kahit 3rd
Best Picture Award.
Nakakaloka
nga kasi ang “Sisterakas” pa ng Star Cinema ang nag-3rd Best Picture
samantalang Best Supporting Actress lang ang napanalunan nito.
I
understand na sa MMFF ay may malaking bearing sa pagpili ng Best Picture ang
performance sa box-office ng isang pelikula pero hindi ba naisip ng mga
kinauukulan na unfair ang ganitong paraan ng pagpili ng Best Picture sa mga
pelikulang pinaghirapan at pinag-isipang mabuti ang paggawa para lang mabigyan
ang madlang manonood ng isang makabuluhang panoorin?
Huwag
naman sanang ganun. Kaya nga tayo merong
tinatawag na MMFF top grosser, e, para sa pelikulang kumita sa takilya nang
bonggang-bongga.
So,
yung Best Picture ay ibigay naman sana natin sa deserving na manalong Best
Picture. Huwag nating lasunin ang isipan
ng publiko sa tunay na kahulugan ng Best Picture.
Tama
ba ako mga bru, whew!?
Eniweys, para sa mga hindi nakapanood ng nasabing awards night ay narito po ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi:
Best Picture: “One More Try” (Star Cinema)
2nd Best Picture:
"El Presidente" (Scenema
Concept International,
Viva Films and CMB Films
Viva Films and CMB Films
3rd Best Picture: "Sisterakas" (Star Cinema)
Gatpuno Villegas Cultural Award: "Thy Womb" Most Gender Sensitive Award (Mainstream): "Thy Womb" FPJ Memorial Award of Excellence: "One More Try" Best Director: Brillante Mendoza for “Thy Womb” (Center Stage Productions and the Film Development Council of the Philippines) |
|||||
Best Actress: Nora Aunor for “Thy womb”
Best Actor: Dingdong Dantes
for “One More Try”
Best Supporting Actor: Cesar Montano for “El Presidente”
Best Supporting Actress: Wilma Doesnt for “Sisterakas”
Best Child Performer: Miguel Vergara for “One More
Try"
Best Visual Effects: "Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion" (Regal
Films)
Best Production Design: "Thy Womb"
Best Editing: Vito Cahilig for “One More Try”
Best Cinematographer: Odyssey Flores for "Thy Womb"
Best Original Story: Henry Burgos for "Thy Womb"
Best Screenplay: "One More Try"
Best Visual Effects: "Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion" (Regal
Films)
Best Production Design: "Thy Womb"
Best Editing: Vito Cahilig for “One More Try”
Best Cinematographer: Odyssey Flores for "Thy Womb"
Best Original Story: Henry Burgos for "Thy Womb"
Best Screenplay: "One More Try"
Best Sound: “El Presidente”
Best Musical Score: “El Presidente”
Best Musical Score: “El Presidente”
Best Theme Song: “El Presidente”
Best Make Up: “El Presidente”
Youth Choice Award: “El Presidente”
Best
Festival Float: “El Presidente”
New Wave Best Picture: "The Grave Bandits"
Full length New Wave Best Actress: Liza Dinno for "In Nomine
Matris"
Full Length New Wave Best Actor: Allan Paule for "Dayak"
New Wave Special Jury Prize: "Ad Ignoratiam"
New Wave Best Director: Tyrone Acierto for "The Grave Bandits"
SPECIAL AWARDS:
Male Star of the Night: Former Pres. Joseph Estrada
Female Star of the Night: Nora Aunor
SMDC Five Star Male Celebrity of the Night: Zanjoe Marudo
SMDC Five Star Female Celebrity of the Night: Bianca King
Miyerkules, Disyembre 26, 2012
SEXY & YUMMY JERIC GONZALES
JERIC GONZALES: PROTEGE 2: THE BIG ARTISTA BREAK GRAND WINNER
Sexy photos from Hot Men in the Philippines
Sexy photos from Hot Men in the Philippines
Si Daniel dapat ang hinulaang makakabuntis kay Kris
Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
SIGURO
kung yung humula na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino this year ay si
Daniel Matsunaga ang hinulaang makakabuntis kay Kris, kahit malabo na sa
ngayong mangyaari, eh, meron pa ring konting kredibilidad na matitira sa kanya
dahil kahit papaano ay malapit naman sa katotohanan ang kanyang hula.
Imagine, ilang araw na lang ay
bagong taon na pero wala pa ring nabubuong romansa sa pagitan nina Kris at
Coco. Close friends lang daw ang dalawa
at hanggang doon na lang daw yun, say ni Coco noon.
Sa
umpisa pa lang ay hindi nga sila nagpakita ng senyales na type nilang maka-date
ang isa’t isa, e, ang magkabuntisan pa kaya?
Sa true lang, si Kris kahit hindi
niya aminin o kahit todo iwas pa siya kapag tinutukso siya nina Vice Ganda at
Ai Ai delas Alas kay Daniel, ay ipinagkakanulo naman siya ng kakaibang kislap
ng kanyang mga mata sa tuwing nababanggit ang pangalan ng guwapong Brapanese
(half Brazillian-half Japanese) na model-turned actor na kasama rin sa pelikula
nilang “Sisterakas.”
Tila iba ang sinasabi ng kanyang
bibig sa binubulong ng kanyang dibdib, huh!
Super nakakaaliw ang guesting nina
Kris at Ai-Ai sa “Gandang Gabi Vice” last Sunday. Sumentro kasi ang usapan about
relationship, partikular na ang pagkaka-link nina Kris at Daniel sa isa’t isa.
Botong-boto
kasi sina Vice at Ai-Ai kay Daniel para kay Kris dahil bukod sa extremely
goodlooking na, e, mukhang mabait pa raw.
Sa gitna ng tuksuhan ay binuking
nina Vice at Ai-Ai na magge-guest ulit si Daniel sa”Kris TV.” Sabi naman ni Kris, hindi lang basta guest si
Daniel sa kanyang show kundi regular co-host niya na raw ito kapalit ni Jason
Francisco na ka-tandem ni Melai Cantiveros.
Yes, si Melai na kiyeme-kiyemeng nirereto ni Kris kay Daniel pero ang totoo,
pambubuking nila Vice, ay si Kris daw talaga ang may gusto.
Natawa pa nga si Kris na dahil kay
Daniel ay nawalan ng trabaho si Jason.
At dahil natuwa si Kris kay Daniel
ay in-announce niya agad-agad sa show ni Vice na magkakaroon din ito ng role si
sa bagong teleserye nila nina Robin Padilla at Anne Curtis.
Well...
* * *
SINAGOT ni
PAO Chief and 26th Star Awards for TV 2012 Best Public Service Program Host, na si Atty. Persida Acosta, ang tanong ng isang
colleague kung pabor ba siya sa pagkakapasa ng RH Bill sa Kongreso at sa
Senado.
Oo naman, aniya. Kailangan lang daw maipaliwanag nang mabuti
sa madlang pipol kung ano talaga ang advantage ng Reproductive Health Bill, o
mas kilala sa tawag na RH Bill, kapag
ito ay naisabatas na.
Sa RH Bill ay malaya naman daw
makakapamili ang mga mag-asawa kung anong paraan ng family planning ang gusto
nilang gamitin at isa na nga raw riyan ang natural birth control na pinapaboran
ng Simbahang Katoliko.
At katulad ng Simbahang Katoliko ay
tinututulan din ng RH Bill ang abortion.
Sa true lang ay hindi lang naman
tungkol sa Reproductive Health ang nabanggit na bill. Tungkol din ito sa Responsible Parenthood, Maternal
& Child Care, Sex Education and Population and Development.
Gusto ko sanang itanong kay PAO
Chief kung bakit kailangan pang gawing batas ang naturang bill gayung malaya
naman palang makakapamili ang mga mag-asawa ng paraan ng pagkokontrol ng
pamilya, pero nasagot niya agad ito bago pa ako nakapagtanong.
Aniya, mahalagang maging isang ganap na batas ang RH
Bill para hindi na mahirapan ang gobyerno pagdating sa funding (ng family
planning devices katulad ng condoms,
birth control pills at IUD’s) pati na ang pagde-dessiminate ng information ng
gamit ng mga ito sa lahat ng health care centers.
After magpaliwanag ni PAO Chief
Persida Acosta tungkol sa RH Bill ay inalayan naman siya ng mga miyembro ng
PMPC ng ilang awiting Pamasko kung saan pati siya ay nakikanta na rin.
Bago natapos ang naturang Christmas Party
ay pinasalamatan ni Manay Ethel Ramos (tinaguriang Dean ng entertainment press)
si PAO Chief sa pagiging supportive at magiliw nito sa nasabing samahan ng
entertainment press.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Disclaimer
Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.