Last Saturday, sa ginanap na Kapamilya Day ng “It’s Showtime”
ng ABS-CBN ay hinalikan ni Vice Ganda si Karylle sa lips bilang part diumano ng
pagpapakilig ng dalawa sa kanilang mga fans.
Umani ng sari-saring batikos mula sa mga netizens ang ginawang
ito ng dalawa. Pero wala raw pakiaalam si Vice sa kanilang mga bashers, basta
ang mahalaga ay napasaya at napakilig daw nila ang kanilang mga fans.
Kung ako ang tatanungin, hindi po maganda ang ginawa nila
kahit sabihin pang pang-fans lang ito. In the first place, may asawa nang tao si
Karylle - respeto na lang sana sa mister ng singer-actress.
Pangalawa, tanghaling tapat, magtutukaan kayo sa harap ng
telebisyon kung saan napakaraming bata at mga menor de edad ang nanonood,
nasaan naman ang sense of responsibility nila sa kanilang mga audience?
Pangatlo, inilagay naman sana ni Vice sa lugar kung totoo
mang type niya si Karylle. Hindi niya na
ito kailangan pang patunayan sa publiko na kahit bakla siya ay puwede rin
siyang maging macho by kissing her on the lips.
Sa totoo lang, wala
pa akong napanood na kahit sinong aktor na gumawa ng ganung klaseng mapangahas
na eksena sa isang live show, si Vice lang talaga na certified beki pa.
Kaya para sa akin ang ginawang ito nina Vice Ganda at
Karylle ay tila outside the box at hindi katanggap-tanggap para sa nakararaming
Pilipino. So, for me it’s really
nakakasuka!
Kayo po, ano sa palagay niyo?