Ngayong na-evict na si Manolo Pedrosa sa Bahay ni Kuya ay
hindi na rin ako ganun kainteresado sa panonood ng PBB All In araw-araw,
gabi-gabi. Sa totoo lang kung meron mang
isa sa mga karapat-dapat na mapabilang sa Big 4 ng PBB All In, yun ay walang
iba kundi si Manolo.
Personality
pa lang ay panalung-panalo na si Manolo.
Positibung-positibo ang dating, charming and refreshing. Mga katangiang hinahanap ng mga advertising
companies para mag-indorso ng kanilang mga produkto. Yan ang lamang ni Manolo sa iba pang
housemates. I’m sure ngayon pa lang ay
marami na ang interesadong kunin ang kanyang serbisyo.
Kahanga-hanga
ang pagiging isport ni Manolo. Kahit
na-evict na siya sa Bahay ni Kuya ay wala kang makikitang bitterness sa kanyang
mukha kaya lalo lang akong humanga sa kanya.
Pero in
defense of Manolo and the other evicted housemates, may mga puna lang ako sa
naging patakaran ni Big Brother right from the start. Para lang ang gandang pakinggan na PBB All In
dahil pinagsama-sama ang regular housemates,
teen housemates at celebrity housemates.
Pero sa totoo lang unfair sa regular at teen housemates ang pagkakasama
ng celebrity housemates sa kanila.
Bakit
kamo unfair? Dahil bahagi ng labanan ang
boto ng televiewers tuwing may nano-nominate na housemate, natural may edge na
agad ang celebrity housemates dahil kilala na sila ng madlang pipol at may
sarili na silang hukbo ng mga tagahanga.
Lets
take the case of Jane Oineza. Napansin
niyo ba na sa tuwing nano-nominate siya ay naglalaro sa 40-49% ang nakukuha
niyang boto mula sa madlang pipol? Ang
pinakamalapit lang palagi sa kanya ay si Loisa na nakaka- more than 30% lang. Kaya
nung nagkatapat sila ni Manolo ay nanlumo ako.
Sabi ko siguradong ilalampaso ni Jane si Manolo. Nagkatotoo nga ang kutob ko. Jane got more than 68% while Manolo has only
something like 32%. Ang bongga naman ni
Jane. Hindi ko alam ang dami niya palang
fans. Sana paglabas ni Jane ng Bahay ni
Kuya ay maramdaman ko na marami nga siyang fans.
Isa pang
napaka-unfair ng ginawa ng PBB ay ang isama ang celebrity housemates sa regular
at teen housemates at ang nagdudumilat na katotohanang ang PBB at Star Magic
kumbaga sa tao ay magkamag-anak. Ang
winners ng PBB ay automatic na magiging talent ng Star Magic. Jane Oineza is already a Star Magic Talent,
so bakit kailangan pang isama siya sa kumpetisyon?
Unfair
din ang pagpasok ni Daniel Matsunaga sa halos kalagitnaan ng kumpetisyon. Imagine, ilang housemates na ang na-evict
saka pa lang pumasok si Daniel?
Nung
sina Vicky, Jane, Manolo at Daniel ay nanganib na ma-evict in-announce ni Toni
Gonzaga na dalawa sa kanila ang lalabas ng Bahay ni Kuya. Maliwanag yun kahit i-replay pa nila ang
episode na yun ng PBB All In. Hindi nila
nilinaw na sa unang challenge ay isa ang maliligtas at makakabalik sa Bahay ni
Kuya at pagkatapos nun ay may isa pa uling challenge. So, we were made to understand na ang
dalawang nominated housemates na may pinakamataas na score sa challenge na
ibibigay ni Big Brother ang siyang makakabalik sa Bahay ni Kuya at ang dalawang
may pinakamababang score ay yun ang lalabas ng Bahay ni Kuya. Kaya nagtaka ako kung bakit biglang-bigla ay
nagbago ang kundisyon ni Kuya nang si Manolo ang pumangalawa kay Daniel sa dami
ng napatay na kandila, Daniel got 87 while
Manolo had 82. Biglang meron nang
second challenge. So, okay lang dahil
baka kako yung mananalo sa second challenge ay ang pangalawang ligtas at
makakabalik sa bahay ni Kuya. Unfortunately, si Vicky na ipinakita nilang
walang natatamaang standee sa practice ay siya pang nagwagi with three points. Si Manolo na ipinakita nilang maraming
natamaan during practice ay naka-one point lang. Si Jane ang lowest with zero point. So, second na naman si Manolo kaya si Vicky
ang naligtas. So feeling ko wala na talagang chance si Manolo na
makabalik ng bahay ni Kuya dahil malinaw na sinabi ni Toni na dalawa ang
lalabas sa Bahay ni Kuya sa linggong yun.
Pero
biglang-bigla in-announce nila na maglalaban pa sina Manolo at Jane para
makabalik ang isa sa kanila sa PBB House.
But this time ay idadaaan na sa boto ng madlang pipol. Ano ba yun, akala ko ba sabi nila dalawa ang
lalabas ng Bahay ni Kuya pero bakit all of a sudden ay isa na lang? Parang hindi talaga sila titigil hanggat hindi nakakabalik si Jane sa PBB House.
Patay kako, hindi pa man nag-uumpisa ang
botohan tiyak na panalo na si Jane. Kawawang Manolo, feeling ko biktima ng scam. Ayan, happy na si Kuya dahil pasok na naman
ang obviously manok nilang si Jane.
Tanong
ko lang, bakit pag bumuboto ako for Manolo hindi tinatanggap ng server? May load naman ako. Tama naman ang keywords na pinasok ko pati
numbers na pinadlahan ko sa Globe at sa Smart, Na-experience din ba ng ibang
bumuboto kay Manolo ang na-experience ko?
Pero
okay lang kung hindi napasama sa Big 4 si Manolo. Sinu-sino lang ba ang talagang sumikat na
napasama sa Big 4, hindi ba’t sina Kim Chiu at Gerald Anderson lang naman? Nasaan na ngayon sina Keana Reeves, Nene Tamayo,
Myrtle Something at kung sinu-sino pang PBB Big Winners na hindi ko na maalala.
Ang
importante si Manolo ay isang mabuting anak na may masayang pamilya. He is true
to his words na pag-aaral ang priority at hindi ang panliligaw sa loob ng Bahay
ni Kuya. Pero ngayong na-evict na si
bagets, sino pa kayang teen housemate ang puwedeng maging huwaran ng kabataan?
Si
Mariz? Ayaw ko sa kanya kasi wala siyang
paninindigan. Hindi niya ipinaglaban ang
boto niya against Joshua dahil sa huli ay
pinili niyang mapalayas sa PBB house si Daniel na little sister pa naman
ang turing sa kanya. Iyakin pa.
Si
Loisa? Ayaw ko na rin sa kanya kasi
hindi siya nagpapakatotoo. Kunwari hindi
siya apektado sa pagbaling ng feelings ni Joshua kay Jane pero iba ang sinasabi
niya sa ginagawa niya.
Si
Joshua? Ayaw ko na sa kanya kasi bukod
sa pagiging tamad ay walang ginawa kundi manligaw sa loob ng bahay ni
Kuya. Hindi siya magandang ehemplo para
sa mga kabataan. Ilang beses na siyang
binigyan ng pagkakataon para magbago pero paulit-ulit niya pa rin siyang
nagtatamad-tamaran. Kung kailan tatatlo
na lang silang natira sa PBB house saka lang siya nagpakitang gilas
Si
Jane? Ayaw ko sa kanya dahil ang plastic
niya. Nagtataka lang ako kung bakit
biglang-bigla ay umarte siyang parang na-shock or nagpa-virgin effect after
ipagtapat ni Joshua na mahal siya nito gayung before that ay panay na ang
holding hands nila at sa tuwing magkasama sila ay parang sila lang ang mga tao
sa mundong kanilang ginagalawan.
About
Vicky naman ayaw ko rin siyang mapabilang sa Big 4 kasi makakadagdag lang siya
sa humahabang listahan ng PBB winners na walang nangyari sa career.
Si
Daniel okay lang sana kaya lang gaya ng nasabi ko na unfair ang pagpasok niya
sa PBB house at unfair din na ihalo ang celebrity housemates sa regular at teen
housemates. Sa totoo lang, hindi
nakakatuwa ang pautot niyong yan, Kuya.
Okay lang na magkaroon ng guest celebrity housemate just like Alex
Gonzaga pero yung sabihin mong kasali sila sa competition it’s so unfair.