Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
AKALA ko noon humahataw nang bonggang-bongga ang relasyong
Heart Evangelista at Sen.
Chiz Escudero pero hindi naman pala dahil nagsalita na ang
mga magulang ni Heart tungkol sa
pagkadisgusto nila sa dakilang senador.
Hindi na
naitago pa ng mother dear at father dear ni Heart ang tunay na nararamdaman
nila sa boyfriend ng kanilang dalaga.
Nagwo-worry ang mga ito sa posibleng mangyari kay Heart kung
ipagpapatuloy pa nito
ang pakikipagrelasyon kay Sen. Chiz.
Hindi raw
kasi maganda ang pagtrato ni Sen. Chiz kay Heart. May mga sitsit pang
sinasaktan daw ng senador ang kanilang anak.
May mga
instances pa raw na parang nababastos sila dahil humaharap daw ito sa kanila
Nang lasing.
Sinubukan
naman ng “Saksi” ng GMA 7 na kunin ang panig ni Sen. Chiz tungkol dito
pero tumanggi itong magbigay ng komento.
Aniya,
hindi niya raw papatulan ang mga ganyang klaseng intriga dahil hindi naman daw
siya showbiz na tao.
It’s
between Heart and her parents daw kaya ayaw niya na raw makisali sa ‘gulo.’
Mukhang
hindi naman apektado si Heart sa hayagang pagtutol ng kanyang mga
magulang relasyon nila ni Sen. Chiz.
Sabi ng
bruha nang ma-interview siya ng “Saksi,” she’s already 28 at may karapatan na
Siyang magdesisyon para sa kanyang sarili.
Dagdag pa
niya, huwag naman daw sanang ilayo sa kanya ang taong mahal niya.
Yun
na! Part 2 na ba ito o part 3 o part 4 ng
istorya ng buhay pag-ibig ni Heart?
Ang alam
ko kasi ang part 1 ay si Jericho Rosales, na kung hindi ako nagkakamali ay
greatest love ni Heart pero dahil sa ayaw na ayaw ng parents
ng dalaga kay Echo dahil mukha
raw itong magsasaka ay nagtagumpay silang paghiwalayin ang
dalawa.
Ang alam
ko namang part 2 ay isang non-showbiz guy.
Hindi ko na alam kung bakit
hindi rin sila nagkatuluyan ni Heart.
Ang part 3
ay si Daniel Matsunaga. Bonggacious ang
chapter na ito ng buhay pag-ibig
ni Heart.
Kung titingnan mo nga ay almost perfect na ang mga katangian
ni Daniel para maging
boyfriend ni Heart – guwapo, matangkad, magandang pumorma,
mabait, edukado, etc., etc.
Ewan ko
nga ba what really went wrong at bigla na lang nagdesisyong maghiwalay ang
dalawa.
Ayon sa
mga sitsit, e, nagmumukha raw kasing ‘sugar mommy’ ni Daniel si Heart dahil
ito naman daw ang mas malaki ang kinikita sa kanilang
dalawa.
Don’t tell
me inayawan din ng parents ni Heart si Daniel dahil mukha naman itong
mangingisda?
And don’t
tell me rin kaya ayaw ng parents ni Heart kay Sen. Chiz ay dahil mukha
naman itong maginoo pero bastos, choz!
* * *
BACK to back win sina Nora Aunor at Eddie Garcia as Best
Actress and Best Actor respectively
sa pos lang na 7th Asian Film Awards na ginanap sa Grand
Hall ng Hong Kong
Convention and Exhibition Center last March 18.
Nanalo si
Nora para sa pelikulang “Thy Womb” na idinirek ni Brillante Mendoza while si
Eddie ay para naman sa pelikulang ”Bwakaw” ni Direk Jun
lana.
Lost kay Ate Guy sina Golshifteh Farahani ng Afghanistan
para sa pelikulang “The
Patience Stone,” HaoLei ng China para sa “Mystery,” Gwei
Lun-mei ng Taiwan para sa “GF-
BF,” at Cho Min-soo ng South Korea para sa “Pieta.”
Ang mga
nakalaban naman ni Kuya Eddie for Best Actor ay sina Joseph Chang ng
Taiwan para sa “GF-BF,” Choi Min-sik ng South Korea para sa
“Nameless Gangster: Rules Of
The Time,” Liu Ye ng China para sa “The Last Supper,” at
Tony Leung ng Hong Kong para sa \
“Cold War,”
Bukod sa
Best Actor award ay wagi rin ang lolo niyo as People’s Choice Best Actor kung
saan ibinase naman ang winner sa paramihan ng boto online.
* * *
TAWA kami nang tawa sa tsika ng isang non-showbiz friend na
nakapanood ng repeat ng
“Foursome” concert nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez,
Martin Nievera at Pops Fernandez na
ginanap sa Arena sa
MOA kamakailan.
Aniya, hindi raw talaga bagay na pagsamahin sa isang concert
sina Regine at Pops dahil
nagmumukha lang daw backup singer ng Songbird ang Concert
Queen.
Kung gaano raw ka-powerful ang boses ni Regine lalo na
pagdating sa biritan, siya
naman daw hina ng voice ni Pops.
Kahit si
Ogie ay hindi niya raw masyadong naramdaman ang presence sa stage.
Mabuti na
lang din daw at nandun si Martin. Ibang
klase raw talaga itong mag-perform,
pang-Concert King daw talaga ang dating, whew!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento