Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 26, 2013

Angel, ER wagi sa "61st FAMAS Awards"




Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


 SA IKALAWANG pagkakataon ay muling nasungkit ni Angel Locsin ang Best Actress trophy
para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “One More Try” ng Star Cinema, at ito’y sa
katatapos lang na “61st FAMAS Awards” na ginanap sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon
City, last April 21.
            Sobrang happy siyempre si Angel dahil maaga nga namang birthday gift ito para sa
kanya.  She celebrated her 28th birthday last April 23.
Matatandaang unang nanalo si Angel as Movie Actress Of The Year sa nakaraang “29th
Star Awards for Movies” na ginanap din sa AFP Theater noong March 10.
            Tulad ni Angel, sa ika-2 pagkakataon ay wagi rin as Best Actor si Laguna Gov. ER
Ejercito para sa Pelikulang “El Presidente” na muling humakot ng awards sa “61st FAMAS
Awards.”
            Gov. ER was first adjudged as Movie Actor of the Year sa “29th Star Awards for
Movies.”
            Si Cesar Montano ang nanalong Best Supporting Actor for the movie “El Presidente”
at si Jaclyn Jose naman ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang “ A Secret
Affair.”
* * *

“IT’S easy to forgive… makahulugang sagot ni Kim Chiu sa tanong sa kanya ni Boy Abunda sa
“The Buzz” kung napatawad na ba niya ang dating kaibigang si Maja Salvador.
“It’s hard to forget,” dugtong ni Kuya Boy.
“Siyempre madaling magpatawad, pero mahirap kalimutan yung ginawa nila,” 
naluluhang sabi ni Kim referring to Maja and her ex-bf na si Gerald Anderson.
            Alam naman siguro nating lahat na nag-ugat ang alitan sa pagitan ng mag-best friend
(Maja and Kim) nang maugnay si Maja sa ex-bf ni Kim si Gerald.
            Pero ang tanong ni Kuya Boy, papano nagagawa ni Kim na makasama si Maja sa mga
eksena nila sa teleserye nilang “Ina, Kapatid, Anak” sa kabila ng mga nangyari sa kanila?
            “Professionalism siguro, number one.  And sa pagmamahal ko sa trabaho ko, kaya
ganoon.”
            Sa kabila ng lahat, nangangarap pa rin ba si Kim na magiging maayos ang lahat sa
pagitan nila nina Gerald at Maja?
Aniya, “Oo naman, wala namang nangangarap ng hindi magandang buhay.
"Time will tell and, siguro, hindi pa ngayon.”
Natawa naman si Kim nang biglang i-segue ni Kuya Boy kung sila ba ni Xian Lim ay
officially together na.
            “Hindi ko masagot ‘yan, pero masaya ako na nandiyan siya.”
Pahabol pa ni Kuya Boy, “Is that another way of saying, ‘Yes, Tito?’”
“Basta ano, thankful ako na nandiyan siya for me,” sabi lang ni Kim.
Well, that was “The Buzz’s” special interview sa birthday girl na si Kim Chiu who just
celebrated her 23rd birthday last April 19.
            Ayon sa isang panayam, isang promise ring at isang pares ng hikaw ang birthday gift ni
Xian Lim sa dalaga.
            Kung ano ang promise sa promise ring, e, secret daw sabi ni Kim.

* * *

ISA ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sa masugid na sumusuporta kay Grace
Poe (one and only daughter ng King and Queen of Philippine Movies na sina Fernando Poe Jr. at
Susan Roces at dating MTRCB chairman), na tumatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng Team
PNoy.
            Kaya naman para mas mailapit pa si Grace sa entertainment press at sa masa ay
binigyan siya ni Mother Lily ng isang malaking get-together chorva na ginanap sa Imperial
Palace Suites,Timog Ave., Quezon City last April 20.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang ilang TV and movie personalities tulad ng mag-
asawang Albert at Liezl Martinez, Direk Maryo J. de los Reyes at Joel Lamangan.
Dito ay nabanggit ni Grace ang kanyang slogan na, “Ang inumpisahan ng tatay
ko, tatapusin ko.”
"Sabi nga nila, ‘Ano ba ang naumpisahan ng tatay mo na puwede mong ipagpatuloy, e,
hindi naman siya naka-entry sa politics?’
“Pero para sa inyo na nakakakilala sa kanya, ang naumpisahan ng tatay ko ay pagtulong
sa mga taong nangangailangan…
 Aniya pa, sa lahat ng gusto niyang gawin, sana maramdaman sa pinakababa.  Para ka
raw tigang na kailangan diligang mabuti.  Pero kailangan munang bungkalin at tanggalin ang
mga bato para makarating sa pinaka-ibaba.
“Gusto kong magkaroon ng standardized feeding program sa lahat ng pampublikong
paaralan.
“Sapagkat dinidinig ngayon ang K-12 program sa Kongreso, bakit hindi tayo maglagay
ng probisyon para magkaroon ng pananghalian sa paaralan?”
Bukod dito ay gusto ring matulungan ni Grace ang sektor ng agrikultura para raw hindi
na tumaas pa ang irrigated land.
 “Sa dalawa po na yun ako concentrated.
"At bagamat hindi ko nababanggit palagi, pero nasa puso ko ang ating industriya.
“Makakaasa po ang film and TV industry sa akin.
“Gusto kong dagdagan sana ang budget ng FDCP, MTRCB, lahat ng lugar na may
kinalaman sa industriya. 
"At kapag sinasabi nilang, ‘Ano ba ang ipinagyayabang mo, e, MTRCB lang naman
‘yan? Ano bang klaseng department ‘yan?’
“Totoo, maliit lang ang budget ng MTRCB, pero bawat bata nanonood ng telebisyon, 21
hours a week ang nire-regulate ng MTRCB at ang influence ng media ay nakakaapekto sa
kamalayan ng ating mga anak.
“Kailangan nating bigyan ng suporta ang film and TV industry.”
Nilinaw rin ni Grace na wala talagang tampuhan sa pagitan nilang magkapatid na si Lovi
Poe.
Hindi raw totoong ayaw niyang tanggapin ang alok ni Lovi na tumulong sa kampanya.
“Ay naku, wala talaga.  Kasi, ako pa nga ang nagpapasalamat kay Lovi dahil umpisa pa
lang, sinabi na niya na, ‘I’m there to support my Ate,’ that’s why I’m very touched.
“Kaya lang, hindi pa siya lumalabas dahil naghahanap naman tayo ng tamang okasyon.
Naikuwento rin ni Grace na, “Sa sobrang dobleng-edad ko kay Lovi, hindi naman kami
lumaking close. 
"Kapag nagkikita kami, she’s very warm to me and I am to her also.
"At hindi ko binalak na isama siya sa kampanya na baka sabihin, ginagamit ko naman
siya.
 “Hanggang Twitter lang kami nagsasagutan pero sa totoo lang, noon pa, nagtatanong na
siya on how can she go around with me. 
"Pero sabi ko, sa bandang huli siguro.”
“At may isa pang kuwento riyan kay Lovi.  One time, meron akong staff na nasa
Rockwell. Tapos nakasalubong niya si Lovi at sabi ni Lovi, ‘Where can we get that baller band?’
Nakalagay Grace Poe.
“Tapos sabi ng staff ko, ‘I have it in my van.’ 
"Sabi ni Lovi, ‘Can I have some?’ So, pagkabigay kay Lovi, si Lovi, isinuot agad at
tinweet.
“So, para sa akin, she said that she’s ready any time, I just want to find a right position,
Ayoko namang ipilit,” sey pa ni Grace.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.