Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
Snooky ayaw na sa lalaki
“I’m not interested in men. Ayoko na sa lalaki. I’m used to be alone,” mabilis na sagot ni Snooky Serna sa tanong ng isang kasamahan sa panulat
kung may bago ba itong manliligaw nang makorner namin after niyang mag-cut ng ribbon
sa grand opening ng Shimmian Manila
Surgi Center sa SM Pampanga.
At
47 (Kabi-birthday lang ni Kukay last April 4), hindi na raw siya naghahanap ng
lalaki sa buhay niya.
Masaya na raw siya sa piling ng kanyang two lovely daughters (Sam, 20,
and Saachi, 16).
Pero
hindi naman daw siya nasi-zero kung suitors din lang ang pag-uusapan. Kahit papano meron pa rin naman daw siyang manliligaw,
kaya nga lang ay hindi na raw talaga siya interesado sa mga lalaki.
She’s
very proud of Sam na 4th year college na sa La Salle taking up
European Studies.
Happy siya na hindi man siya nakapagtapos ng
pag-aaral ay mukhang ang mga anak naman niya
ang tutupad sa pangarap niyang ito.
Pareho
raw kasing walang hilig mag-artista sina Sam at Saachi, sa studies lang talaga
naka-focus ang mga ito.
Sa
totoo lang gustung-gusto ni Kukay na magsulat.
She’s been asking around nga
kung saan pwedeng magsulat ang mga katulad niyang
artista.
Wala
lang. Gusto niya lang daw ilabas what’s
in her mind.
Nagkaroon
na nga raw noon ng pag-uusap tungkol dito para sa isang daily newspaper
pero for whatever reason ay hindi ito natuloy.
Happy
rin siya sa fact na hindi pinababayaan ng ex-husband niyang si Ricardo Cepeda
ang dalawa nilang anak.
Sinusustentuhan
naman daw nito sina Sam at Saachi. Bale
siya naman daw ay self-
supporting ang beauty kaya tuluy-tuloy sa pagkayod
to the max.
So,
are they in good terms now ni Ricardo kahit may bago na itong labs sa katauhan
ng
noo’y top
ramp model and part-time actress na si Marina Benipayo?
“We’re
not friends but we’re civil,” sabi lang ni Kukay na kahit medyo tumaba ay tila
mas nagmukhang fresh na fresh at younger looking.
Totoo
yun, walang etching.
Inaamin
naman ng bruha na utang niya ang bago niyang angking kabataan sa Shimmian
Manila Surgi Center nina Drs. Levi at Anna Marie
Lansangan kung saan sumailalim siya sa
nauuso ngayong stem cell procedure.
Eniweys,
bisi-bisihan ang drama ng Lola Kukay niyo ngayon dahil pagkatapos ng ”Kahit
Konting Pagtingin” ay papasok ang character niya sa
“Apoy sa Dagat” and then sa nagbabalik na
“Anna Liza.”
Sana
nga tuluy-tuloy na ang pagsisipag ni Kukay coz she’s not getting any younger,
di ba?
*
* *
SA
PRESSCON proper ng Amigo Segurado Spaghetti and Macaroni ay tinanong ang mga
endorsers
nito na sina Richard Yap at Daniel Padilla kung may pressure ba on their part
para panatilihin
ang kanilang wholesome image sa publiko dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit
sila napiling
endorsers ng nasabing produkto.
Dahil sa tanong na yun ay nagkaroon
tuloy si Daniel ng pagkakataon na maglabas ng sama
ng loob laban sa mga naninira sa kanyang ina na si Karla Estrada at sa kanyang
ka-love
team na si Kathryn Benardo.
“Hindi lang sa akin, tungkol sa pamilya, iba-iba. Pero, ang sa
akin naman, kung minsan,
mukha naman ako
masyadong mayabang…”
“Nanay
ko na yung binabastos, e. Kumbaga, kaya
mong pumatay para sa nanay mo, e.
Lahat kaya mong gawin
para sa nanay mo, kahit sino sa pamilya mo.
“Kaya
siguro ang tingin nila sa akin medyo maangas, mayabang, ganyan. Pero may sari-
sarili naman tayong
personalidad, di ba?”
Hindi ko masyadong na-gets ang sagot
ni Daniel. Parang may issue or
something, na
Pinagdadaanan ang
bagets.
Kaya
after ng question and answer portion para sa Amigo Segurado Spaghetti and
Macaroni ay sinamantala
ko, at iba pang entertainment writers, ang pagkakataon
na makatsikahan si Daniel
to elaborate on this.
Tinanong
ng isang colleague ang bagets kung anu-ano ba ang sinasabi ng mga tumitira sa
nanay niya at kay
Kathryn?
“Basta
foul, sobrang foul yung sinabi sa ermats ko.
“Sa
Twitter…alam nyo namang dun lang puwede.
Hindi naman nila kayang
sabihin sa harap
namin, di ba?”
“Mali, e! E di naman siguro… Hindi naman ako yung
masama, e. Hindi
naman ako yung
nagkakaro’n ng kahit anong kasalanan. Sila din yung nagiging
napakabastos ng ugali,
di ba?
“Sobrang
bastos lang kasi. Isipin nyo, ilang taon ka lang, binabastos na yung
magulang ng isang tao.
“Basta pati magulang ko binabastos, pati si
Kathryn. Ano ba namang
klaseng tao ka?”
Papano ba nagsimula ito? Alam ba niya ang dahilan kung bakit may mga
taong nagsasalita ng hindi maganda laban kay Kathryn at sa kanyang ina?
“Wala nagpapapansin lang! Pang-bad trip lang,” sabi
lang ng young actor.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento