Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
BAGO pa man nagpalabas ng press statement ang ABS-CBN last
April 17, sa pamamagitan
ng Integrated Corporate
Communications head
na si Bong R. Osorio, hinggil sa sinabi ni Kris Aquino last March 21
na si Bong R. Osorio, hinggil sa sinabi ni Kris Aquino last March 21
namagre-resign na siya in all her shows sa naturang TV network
para magampanan niya nang mas bonggang-bongga ang kanyang pagiging ina sa mga anak na sina
Josh at Bimby ay alam na ng marami kung ano ang magiging kahihinatnan ng pahayag niyang ito.
Marami
ang naniwalang walang resignation na magaganap. Ten out of ten people na tinanong ko tungkol
dito ang nagsasabing hindi puwedeng mag-resign si Kris nang ganun-ganun na lang
dahil meron siyang kontrata sa ABS na dapat tuparin.
Besides, hindi na
bago ang isyu ng pagre-resign sa actress-TV host.
Ilang
ulit na siyang nag-resign with matching crocodile tears pa pero kamukat-mukat
mo ay namamayagpag na naman ito sa ere.
Ang
nakakaloka pa nito, masyado namang hin-highlight ang pagkakasabi niya na
magre-resign siya in all her shows.
Anong
in all her shows? Ginagawa naman tayong
tanga ni Kris, e. Papano mo sasabihing
magre-resign ka in all your shows samantalang yung teleserye mong “Kailangan
Ko’y Ikaw,” ay panay na ang anunsyo sa TV na ilang lingo na lang at magtatapos
na.
So,
papano ka magre-resign sa isang show na tinapos mo na ang taping nang
bonggang-bongga?
Ang
isa pa niyang show na “Pilipinas Got Talent.”
I believe nung time na in-announce niya sa TV ang kanyang pagre- resign
chorva, e, tapos na rin ang taping part nito.
Bale susunod na dito yung live presentation nila.
So,
how can you leave your show out of your whim na inumpisahan mo’t halos ilang
linggo na lang ay matatapos na rin?
The
only show na posible talaga siyang mag-resign ay ang “Kris TV” dahil araw-araw
ay iba-iba naman ang tinatalakay dito kaya walang masisirang continuity kahit
pa bigla na lang itong hindi umere dahil sa pabigla-biglang desisyon ni
Kristeta.
Now,
going back to the press statement of ABS-CBN, walang resignation na
magaganap. Ang tanging solusyon na nakita
nila sa padalus-dalos na desisyon ni Kris na mag-resign para mas magampanang
mabuti ang kanyang pagiging ina sa dalawang anak na lalaki ay mag-leave na lang
muna pansamantala.
Narito
po ang ilang bahagi ng nasabing press statement:
“Kaya matapos ang masusing
pag-uusap, sumang-ayon si Kris na pansamantala na munang mag-leave upang
magkaroon siya ng panahon sa kanyang anak na si Bimby ngayong Hunyo habang
ito’y nakabakasyon sa eskwela, at para madala na rin niya si Josh sa
ibang bansa upang maisulong ang kanyang developmental progress.
“Pagkatapos ng
kanyang leave haharaping muli ni Kris ang mga responsibilidad niya sa ating mga
Kapamilyang patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanya, at tutuparin ang
kanyang contractual commitments sa ABS-CBN nang hindi naaapektuhan ang kanyang
mahalagang tungkulin bilang isang ina."
* * *
DAHIL sa patuloy
na pamamayagpag sa ere ng “Be Careful with My Heart” nina Jodi Sta. Maria at
Richard Yap ay ilang ulit na rin itong na-extend.
Nung una ko itong pinanood sa pilot week
mismo (July 9, 2012) ay na-excite na agad ako sa mga eksena nina Jodi at
Richard plus sa gumaganap na teenagers na anak ng huli na sina Jerome Ponce at
Janella Salvador, and of course ng iba pang characters sa story.
Nasabi ko sa sarili ko mukhang tatagal
ang kuwento nito, puwedeng abutin ng isang taon.
True enough nag-announce sila ng
extension until February of 2013 pa raw tatakbo ang istorya dahil nga patuloy
ang paghataw nito sa rating.
Then nagkaroon ulit ito ng extension,
from February 2013 ay naging June 2013 na.
Pero si Ser Chief, este, Richard Yap,
nang makatsikahan namin noon sa presscon ng Amigo Segurado Macaroni and
Spaghetti, ang sabi ay baka hindi lang June 2013, baka more than that pa.
Yun nga, ang latest chika ay nagdesisyon
daw ang ABS-CBN na i-extend pa until December 2013 ang “Be Careful.”
Tanong ng isang colleague, baka raw sa
kae-extend ng “Be Careful” ay ma-stretch nang husto ang kuwento nito at hindi
na maging maganda ang resulta.
Sabi naman ni Richard, hindi naman daw
siya ii-stretch to the point na masisira na yung original concept ng serye.
The other characters daw kasi are also
growing and becoming interesting. Parang
its our day-to-day lives na pinapanood natin sila araw-araw. Ganun daw ang dating ng “Be Careful…”
Korek ka dyan, Ser Chief. Mukhang nakuha nga ng naturang morning serye
ang formula ng mga soaps noong araw na taon ang binilang bago tuluyang nagbabu
sa ere tulad ng “Gulong ng Palad,” “Anna Liza” at “Flor de Luna.”
* * *
HINDI ko talaga
mapigilan ang mapahagikhik sa tuwing naalala ko ang tsika ng isang malditang
reporter tungkol sa isang aktres noong kabataan pa nito.
Parang hindi ako makapaniwala na ewan na
meron palang taong ganun ka-weird.
Saan ka naman nakakita ng taong
nagtu-toothbrush, e, nakahiga sa kanyang bed tapos sa planganita lang, na hawak
ng kanyang yaya, ibinubuga ang tubig na ginamit niya sa pagtu-toothbrush.
Yuck!
Daig pa ng aktresang ito si Juan Tamad sa katamaran, ha-ha-ha!
Mabuti sana kung may sakit puwede na
nating i-tolerate yung ganung gawi, kaso wala namang sakit ang aktresa. Malakas pa siya sa kalabaw ‘no!
Hindi lang din yun basta katamaran,
attitude rin talaga!
In fairness mabait naman ang aktresa,
masyado lang sigurong in-spoil ng kanyang mother dear noong kabataan niya dahil
siya naman ang kumakayod para sa pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento