Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
TAMA ang desisyon ni Willie Revillame na idagdag sina Ethel Booba at Ate Gay bilang co-hosts sa bago
niyang noontime show sa TV5 na “WowoWillie.
With Ethel and Ate Gay sa ”WowoWillie”
ay naging mas masaya at nakakaaliw ang
naturang noontime show.
Originally
ay sina Ava (something), Arci Munoz at Ethel lang sana ang idadagdag na bagong
co-
hosts sa “WowoWillie” pero napag-isisp-isip siguro ni Willie
na uso ang mga beking co-hosts sa
noontime show just like Allan K ng “Eat Bulaga” and Vice
Ganda ng “It’s Showtime,” e, di they might as
well get one also.
Ang
suwerte naman ni Ate Gay na siya ang napili ni Willie as his beking co-host.
Actually,
nakilala at sumikat si Ate Gay dahil sa ginagawa niyang panggagaya sa ating one
and
only Superstar na si Nora Aunor (aka Ate Guy) -- sa
kilos, sa pag-arte, sa itsura, sa pananamit at maging
sa pagsasalita, medyo exaggerated nga lang.
Ginagawa niyang mas katawa-tawa ang version niya ng mga kanta ni Ate Guy.
Matagal niya itong giangawa pero hanggang
ngayon ay bentang-benta pa rin ito sa madlang pipol.
Bukod dito ay naging trademark na rin ni
Ate Gay ang pagkanta ng intro ng isang song pero ibang
kanta na pala ang kasunod.
Paulit-ulit
niya na itong ginagawa pero tila hindi naman ito pinagsasawaan ng kanyang mga
tagahanga.
Obviously, aliw na aliw din si Willie sa brand of comedy
ni Ate Gay. Nagkaroon tuloy siya ng
bagong ‘laruan’ sa
“WowoWillie” sa katauhan ng impersonator ni Ate Guy bukod pa kay Ethel Booba.
Sa
katunayan ay pinuri pa nga ni Willie si Ate Gay. Aniya at least daw nakakatuwa ang talent
nito or something like that, hindi raw katulad ng iba riyan
na nanlalait.
Wow,
very subtle ang patutsada ni Willie.
Sino kaya yung tinutukoy niyang iba
riyan na nanlalait?
Vice Ganda, ikaw ba ‘yan?
* * *
SPEAKING of bagong ‘laruan’, si Kuya Germs meron na ring
bagong laruan sa “Walang Tulugan” at ito ay
ay ang bago niyang discovery na si Boobsie.
Well,
mukhang this time ay magiging successful si Master Showman sa komedyanang ito
bilang
kapalit ni Shalala.
Cute
kasi and dating ng malusog na komedyana, hindi katulad ng iba riyan na
nakakairita
magpatawa.
Basta
ipagpatuloy lang ni Boobsie ang pagiging naturally cute niya, I’m sure malayo
ang
lanyang mararating sa larangan ng comedy.
* * *
AFTER ng teleserye na pinagbidahan ng
isang young actor ay hindi na ito napagkikita sa mga TV shows ng isang giant
network.
Kahit ang
mag-guest man lamang in any of its shows ay hindi mo masisilayan ang naturang
aktor. Sayang, bukod sa guwapo at may ibubuga sa
acting si aktor ay may talent din ito sa pagkanta.
Mukhang totoo nga
ang tsikang tinaggal na ang young actor sa lahat ng shows na dapat sana ay
sasalangan nito sa nasabing network dahil sa diumano’y pagkalulong nito sa ipinagbabawal
na gamot.
Banned na raw ang
young actor sa giant network. Ewan lang
kung for life na itong banned o may pag-asa pa itong makabalik once na tumigil
na ito sa pagdodroga at tahakin na nito ang matuwid na landas.
Ang siste,
karamihan, kung hindi man lahat, ng mga artistang na-involved sa masamang bisyo
ay hindi na nakakabalik o di kaya’y hirap nang makabalik sa limelight.
Take the case of
Jiro Manio. Sa murang edad ay marami-rami na rin siyang
napatunayan sa larangan ng pag-arte pero nasayang lang ang lahat ng yun nang
dahil sa droga.
Pero sa
pagbabagong buhay niya ngayon, nabigyan pa ba siya ng second chance ng kanyang
mother network?
Mukhang hindi na,
di ba?
Matulad din kaya
kay Jiro ang kapalaran ng pinag-uusapan nating young actor?
Well…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento