WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
PARANG eksena sa pelikula ang di inaasahang pagbisita ni Robin
Padilla sa set ng “WowoWillie”noong nakaraang Huwebes ng tanghali.
Napasugod si Robin sa nasabing noontime show ng TV5 para
muling suyuin ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez at ipagtanggol
ang asawa laban sa
mga bashers nito sa ilang social networking sites na may kinalaman sa isyu ng pambabae kuno niya at
pagiging sobrang selosa raw ni Mariel.
“Hindi masama ang magselos. Ibig sabihin lang nun na mahal ako ng asawa ko,”
ani Robin sa harap ng studio audience at sa libu-libong nanonood ng “WowoWillie” nung
tanghaling yun.
“Napakasakit para sa isang lalaki na hindi ko maipagtanggol ang asawa ko,”
himutok pa ng aktor.
Hindi na nito nagawa pang itago ang matinding sama ng loob sa kung sinuman
yung mga taong naninira sa kanila sa mga social networking sites.
Hinamon niya ang mga ito na lumantad na. Dahil kasi sa pangyayaring yun ay
isinoli sa kanya ni Mariel ang singsing at hindi na umuwi sa kanilang bahay.
“Mahal na mahal ko ang asawa ko. Iniibig kita, ” buong ningning pang sabi ni
Robin.
Nakiusap ang aktor na kung pwede ay tulungan siya ni Willie na isuot ang singsing
kay Mariel.
Mangiyak-ngiyak namang tinanggap ni Mariel ang panunuyo ni Robin at muling
isuot ang singsing ng tanda kanilang pagmamahalan.
Bago pa tuluyang nagpaalam sa programa si Robin pinasalamatan niya si Kris
Aquino na siyang kumausap kay M ariel at humimok dito na umuwi na.
Pahabol pa ni Robin, “Hindi na ako magtatagal at baka i-ban ako dun sa kabila
(ABS-CBN.
* * *
PINABULAANAN ni Megastar Sharon Cuneta, sa isang panayam s
TV sa kasal ngpanganay na anak ni Gary Valenciano na si Paolo
Valenciano kamakailan, ang mga
naglalabasang espekulasyon na lalayasan na niya ang TV5at babalik na
siya sa kanyang
original home network, ang ABS-CBN.
Wala raw katotohanan ang mga naglalabasang tsika. While its true raw na
nalulungkot siya sa pagkawala sa ere ng kanyang show sa TV5, ang “Sharon, Kasama Mo
Kapatid,” hindi naman daw yun nangangahulugan na lilipat na siya ng ibang TV network.
Ang totoo raw niyan ay may mga nakalinyang shows sa kanya sa Kapatid network
at kasalukuyang pinag-uusapan pa.
Dinig namin ay isang drama anthology ang niluluto ng TV5 para kay Ate Shawie.
Malabo ring basta na lang lalayasan ni Megastar ang naturang TV network dahil
limang taon ang pinirmahan niyang kontrata dito at sa 2016 pa ito mag-e-expire.
Pero sa totoo lang, isa kami sa nanghihinayang sa pagkawala sa ere ng show ni Ate
Shawie sa TV5.
Nung minsang nakati-katihan kong silipin ang isa sa mga episodes nito ay napako
na ako sa panonood hanggang sa matapos.
Mula noon ay palagi ko na itong inaabangan. Maganda kasi ang format ng naturang
show -- punumpuno ng puso. Minsan Patatawanin ka. Minsan Paiiyakin ka.
Sana lang in the near future, ay gumawa ulit si Ate Shawie ng show na may ganito
ring format – yung makabuluhan at may puso, whew!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento