Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
HULING
teleserye na raw ni Kris Aquino ang “Kailangan Ko’y Ikaw” na pinagtatambalan
nila ni
Robin Padilla. One season lang daw
talaga ang tatakbuhin nito dahil magiging abala
na ang
tinaguriang Queen Of All Media sa iba pa nitong shows sa Kapamilya network.
Well, dapat lang na itigil na ni
Kristeta ang ilusyon niya na maging isang aktres dahil wala talaga
siyang talent sa acting department.
Hindi ko talaga siya maramdaman sa madadramang
tagpo niya sa nasabing teleserye.
Hindi mo maintindihan kung tinutubol lang siya or what sa mga
eksenang
naglulungkut-lungkutan
siya o gusto niyang maiyak.
Kahit lukutin niya ang mukha niya para
magmukha siyang kawawa, e,
ipinagkakanulo
naman siya ng kanyang mga mata. Hindi
ko Makita ang sinseridad niya
sa pag-arte.
Pero kung hosting ang pag-uusapan,
e, hats off talaga ako kay Kristeta.
Deserving
siyang
tawaging Queen of talk coz she really has the gift of gab.
When it comes to acting hanggang
comedy o suspense horror lang talaga pasado si
Kristeta,
kaya lahat ng pelikulang ginawa niya na may ganitong genre ay tumabo nang
husto sa takilya.
Going back to her teleserye na
“Kailangan Ko’y Ikaw,” kung mataas lang sana ang
rating nito
ay hindi nila ito basta-basta titigbakin.
Hindi katwiran na good for one
season lang ito dahil pwede namang itong i-extend
nang i-extend nang i-extend hanggat patuloy na
umaarangkada sa rating.
Dapat nga magre-rate ito nang
bonggang-bongga considering the fact na
pinagsama-sama
dito ang pinakamalalaking artista ng local showbiz, di ba?
Nariyan ang Queen Of All Media na si
Kristeta, ang Box-office Queen na si Anne
Curtis, at
ang Idol ng Masa na si Robin Padilla pero bakit inilalampaso ito sa rating ng
katapat na
teleserye ng Kapuso network na “Tempatation of Wife.”
Ang layo rin ng rating ng seryeng
ito nina Kristeta, Anne at Robin sa mga
namamayagpag
na teleserye ng ABS-CBN na “Ina, Kapatid, Anak” at Juan dela Cruz.”
Kaya nga nang pumasok ang
pinakabagong teleserye ng Dos na “Apoy sa Dagat” ay
inilagay sa
dulo ang timeslot ng “Kailangan…” bago ang last newscast nilang “Bandila.”
So, ngayon lalo pa itong nangulelat
sa rating. Tinalo pa ito ng kaeere lang
na “Apoy
sa Dagat.”
Kahit nga ang “Kahit Konting
Pagtingin” ni Angeline Quinto ay tinatalo pa sa rating
ang
“Kailangan…” gayung si Angeline lang naman ang bida dun kasama sina Sam Milby
at
Paulo
Avelino.
Sabi ko na nga ba, e, mauulit ang
kapalaran ng “Kailangan…” sa maagang
pagkakatigbak
sa ere ng “A Beautiful Affair” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo because of
poor rating.
* * *
Napansin ko kasi ang pagiging biased
ng mga judges sa mga singers. Obvious na obvious na
ang laki ng bilib nina Ai Ai delas Alas. Mr. Freddie Garcia, at lalung-lalo na ni Kris Aquino
sa mga contestants na kumakanta.
Resulta, lahat ng grand winners ng
“Pilipinas Got Talent” ay pawang mga singers.
Look at, tingnan niyo, sa Pilipinas
Got Talent Season I ang grand winner ay si JovitBaldivino,
na sinundan ni Marcelito Pomoy sa “Pilipinas Got Talent Season 2” at ng
Maasinhon
Trio” ng “Pilipinas Got Talent Season 3.”
Ang ikinaloka siguro nang husto ng
ABS-CBN management sa “Pilipinas” ay ang
pagkapanalo
ng Maasinhon Trio dahil hindi naman nila ito napakinabangan.
O ngayon, mas may career pa si
Khalil Ramos sa singing trio na runner-up lang ng
mga ito,
whew!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento