Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
ANG management team na mismo na humahawak sa career ni
Maricel Soriano ang
nagsasabing kailanganng aktres na sumailalim sa anger
management after nitong ma-involved sa isang
‘unfortunate incident’ with Gerald Anderson sa first taping
day ng teleserye nilang “Bukas Na Lang Kita
Mamahalin.”
Hindi
naman nag-elaborate ang ABS-CBN kung ano yung unfortunate incident na
kinasangkutan nina Marya at Gerald pero ayon sa mga naglabasang
tsika ay sinigawan diumano ng una
ang huli dahil hindi makuha-kuha ng aktor ang tamang acting
na hinihingi ng kanilang eksena.
Dahil
sa pangyayaring ito ay parang na-trauma raw si Gerald kaya ayaw na raw nitong
mag-
report sa kanilang teyping.
Mukhang
mahirap na raw maayos ang gusot sa pagitan ng dalawa kaya nagdesisyon na lang
daw
ang ABS-CBN na tanggalin na lang sa cast si Marya dahil ang
nasabing teleserye ay para
talaga kay Gerad at naniniwala silang tatangkilikin ito ng
televiewers with or without Maricel Soriano.
Wala
pang opisyal na pahayag ang naturang TV network kung sino ang ipapalit kay
Marya pero
ayon sa nasagap naming sitsit ay malamang daw si Dawn
Zulueta ang pumalit dito.
Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung tuloy
pa rin si Marya sa pelikulang gagawin nito sa
movie arm ng Kapammilya Network na Star Cinema dahil
malamang nga na sumailalim muna ito sa
anger management para maiwasan ang problema sa susunod na
pagsalang nito sa isang proyekto.
Nakakatakot
na kasing katrabaho ang aktres, nahihirapan itong pigilin ang kanyang
galit. Ang
sabi’y dahil daw meron itong pinagdadaanan katulad na lang
ng sobrang depresyon dahil sa
pagyao ng kanyang ina.
* *
*
MASAYA ako para kay Tiya Pusit na inlababung-inlababu sa
kanyang much younger boyfriend na si
Nathaniel (tama ba?).
Sa laki
ng agwat ng edad nila, 64 na si Tiya Pusit while 27 lang si Nathan, itsura ng
mga bagets kung sila ay maglambingan.
Ayon sa
binatang karelasyon ni Tiya Pusit ay hindi raw isyu ang malaking agwat ng edad
nila,
basta ang alam niya raw ay masaya siya kapag magkasama sila.
Si Tiya
Pusit naman, tulad ng mga nauna niyang naging karelasyon, ay umaasang si Nathan
na
ang lalaking makakasama niya for life.
Kaya
lang tulad sa intrigang ibinabato sa magkarelasyong Ai-Ai delas Alas at
boyfriend nitong si
Jed Salang ay pera lang daw ang habol ng lalaki kay Tiya
Pusit.
Marami
pa rin kasi ang nagdududa kung tunay ngang mahal si Ai-Ai at Tiya Pusit ng
kani-kanilang
karelasyon dahil nga bukod sa hindi naman sila kagandahan ay
ang laki pa ng tanda nila sa mga ito, lalo
na si Tiya Pusit na pwede niya nang maging apo ang kanyang
boyfriend.
How
cruel talaga the madlang pipol ‘no para husgahan agad-agad ang mga lalaking
nagpapatibok sa puso nina Ai-Ai at Tiya Pusit.
Pero
ang bottomline naman ng lahat ng ito ay ang happiness na nararamdaman nila at
the
moment sa piling ng kani-kanilang partner.
Handa
naman siguro sila sa maaaring maging kahinatnan sa pinasok nilang relasyon --
na
pwedeng panandalian lang o pwede ring maging forever.
What if
maging forever nga, di ba sayang naman kung hindi sila nag-try?
* *
*
MAGANDA ang tinatakbo ng story ng “Teen Gen” na napapanood
every Sunday after “Party Pilipinas” sa
GMA 7.
Hindi
lang ito basta kuwento ng mga kalokohan ng teenagers ngayon kundi meron ding
social
relevance.
Katulad
na lang nung mga unang episodes nito kung saan ibinigay na lang ni Tiago (Jeric
Gonzales) ang bago niyang mamahaling rubber shoes sa isang
nakalaro nila sa basketball na
nakatsinelas lang.
Na-realize
kasi ni Tiago na maswerte silang mga anak-mayaman dahil can afford silang
bumili ng
mamahaling gamit samantalang yung mga anak-mahirap ay
nagtitiis na lang sa kung ano lang ang
kayang ibigay sa kanila ng kanilang mga magulang.
Nakaka-touch
yung eksenang yun. Ang sarap sana kung
lahat ng rich kids ay katulad ni Tiago
mag-isip ‘no?
Kuwela
rin yung mga moments nina Angelu de Leon at Bobby Andrews na gumaganap na
mommy ng bidang babae at bidang lalake respectively.
Bale extension na kasi ang “Teen
Gen” ng characters nila noong mga teenagers pa sila sa “TGIS.”
Now, I’m sure marami sa mga nanay
at tatay niyo ang naghihintay na mapanood sa “Teen Gen”
ang ilan pa sa original cast ng “TGIS” tulad nina Onemig
Bondoc, Raven Villanueva, Michael Flores at Rica
Peralejo.
Ang
nakikita ko lang setback ng “Teen Gen” ay ang walang kabuhay-buhay na acting ng
mga
bida, parang hindi
sila dumaan sa acting workshop bago isinalang sa show.
They
need to strive harder to improve their acting kung ayaw nilang ma-Maricel
Soriano ni Direk
Mark Reyes ‘no!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento