Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
Ayon sa hula...
Angel hindi mabubuntis at never magkakaanak
Angelica magkakaroon ng 5 anak na iba-iba ang ama
HINDI raw magkakaanak at never
mabubuntis si Angel Locsin, ayon sa controversial psychic kuno na si Robert Daz
na siya ring humula last year na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino, na
hindi naman nagkatotoo.
Walang
takot at sobrang mapangahas ang nabanggit na psychic kuno. May-I-name names talaga siya kahit gaano pa
ka-nega ang mga hula niya.
Kahit
pumalpak na ang hula niyang mabubuntis ni Coco si Kris noong 2012 ay hindi pa
rin siya gumigib-ap sa hula niyang ito.
Makulit pa rin sa di lang makulit ang bru.
Ang
nakakatawa ay humingi pa ito ng extension.
Aniya, ang ibig niya raw sabihin ay mabubuntis ni Coco si Kris within 24 months.
So,
it means wait pa tayo until matapos ang 2013 at magkakatotoo ang kanyang hula.
Natawa
na lang si Kris sa sobrang kakulitan ng nasabing psyhick kuno nang mag-guest ulit
ito sa “Kris TV” kamakailan.
Ipinagpipilitan pa rin nitong mabubuntis siya ni Coco kahit malabo naman
talagang mangyari.
Dahil
nga sa palpak naman ang hula ng naturang psychic kuno, e, hindi dapat kabahan
si Angel Locsin sa hula nitong hindi siya magkakaanak at never siyang
mabubuntis.
Ang
isa pang nakakalokang hula ng Robert Daz na ito ay magkakaroon daw ng limang
anak si Angelica Panganiban na iba-iba ang ama.
O,
di ba nakakaloka? Mukhang matagal pa ang
magiging hintayan kung magkakatoo nga ang hula nito kay Angelica o hindi.
Una,
wait muna tayong mabuntis si Angelica sa kanyang first baby. Mas
maganda sana kung mangyayari ito asap.
Kung mangyari yun
this year o next year, e, wait naman natin ang pangalawang lalaking
makakabuntis sa bru kung meron man.
So, kailan naman
kaya yun? 2014? 2015? 2020?
Papano
kung 50 years old na si Angelica pero wala pa rin yung second baby niya sa
ibang lalaki na sinasabi ng manghuhula?
Baka
kapag dumating yung time na yun, e, nakalimutan na natin ang hula ni Mr. Daz
kay Angelica na magkakaroon ito ng limang anak sa iba’t ibang lalaki.
Ewan
din kung buhay pa tayo pagdating nung time na yun, ha-ha-ha!
* * *
KASISIMULA pa lang ng taon ay
binulaga agad tayo ng mga hulang buntisan.
Imagine, may humulang mabubuntis daw si Judy Ann Santos sa taong ito?
Wow,
what a hula. Medyo funny lang,
he-he-he. Natural lang namang mabuntis si
Juday this year dahil may asawa naman yung tao and besides, tama lang namang
sundan na nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo ang panganay nilang si Lucho,
di ba?
Pero
ang mas nakakatawa sa hulang ito ay ang hulang mabubuntis si Sarah Geronimo
this year. Of all people ay si Sarah pa
ang hinulaang mabubuntis, e, idol na idol niyan si Regine Velasquez na ilang
tulog na lang ay menopause na bago nag-asawa at nagkaanak.
I
find it funny, kasi si Sarah hanggang ngayon ay wala pa ring matinong lovelife,
e, ang mabuntis pa kaya?
Kunsabagay,
a hula is a hula. Kaya nga tinawag na
hula, e -- pwedeng magkatotoo, pwdeng hindi.
Malay
mo biglang kumerengkeng si Sarah, di yari kang bata ka, he-he-he!
On
second thought, hindi kaya ang Sarah na tinutukoy sa hula ay hindi si Sarah
Geronimo kundi si Sarah Lahbati?
Hindi
ko kasi ma-gets ang pagiging matigas ng ulo ni Lahbati. Bakit ura-uradang nagdesisyon ang bru na
bumalik ng Switzerland at doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral gayung alam
naman niyang meron pa siyang kontrata sa GMA-7 na dapat tapusin?
Hindi
kaya meron pang mas malalim na dahilan kaysa sa pag-aaral kuno?
Take
note, karamihan ng artistang babaeng biglang nagdesisyon na umalis ng bansa ang
katwiran ay doon sa ibang bansa ipagpapatuloy ang pag-aaral pero pagkalipas ng
ilang buwan o taon pagbalik dito sa Pinas ay may karay-karay nang baby.
Ay, ang kyuttttttt!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento