Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
NGAYON pa lang ay tila may naamoy
na akong kasalang magaganap in the very near future between Toni Gonzaga at
Direk Paul Soriano.
Pwede
itong maganap next year o the year after next year o pwede ring bago matapos
ang taon.
It’s
all up to Direk Paul to make it happen.
Kapag hindi siya
nag-propose agad-agad kay Toni ay sayang naman ang pagkakataon dahil kung babagal-bagal pa siya ay baka biglang
magbago ang isip ng kanyang girlfriend of seven years.
Sa
tanong kasi kay Toni sa isang interview if ever mag-propose sa kanya ng kasal
si Direk Paul ay bonggang-bonggang ‘Yes’ ang sagot nito.
Opo,
hindi na nagpakiyeme-kiyeme pa ang tinaguriang Multi-Media Star coz it’s about
time naman talaga na lumagay na sila sa tahimik.
Twenty
nine na si Toni ngayon going thirty next year kaya swak na swak sa target age
niya na mag-asawa.
Besides,
sa pitong taong pagiging mag-on nila ni Direk Paul ay wala siyang naging problema
dito dahil naging faithful boyfriend naman ito sa kanya.
Sa
palagay ko naman ay natupad na rin ni Toni ang mga gusto niyang mangyari sa
kanyang career bilang artista.
She’s
one of the most bankable stars of ABS-CBN and Star Cinema at mahusay na TV host
kaya wala na siyang dapat patunayan pa.
* * *
Kuya Germs at Jhake: The master and his dog
EWAN kung aware si Kuya Germs o
wala lang talagang naglalakas-loob na magsabi sa kanya tungkol sa ginagawa
niyang pagtrato sa alaga niyang si Jhake Vargas.
Marami
kasi ang nakakapansin na hindi lang basta manager-talent o
tatay-tatayan-anak-anakan ang relasyon nila ni Jhake kundi para silang si
master at si doggie.
Kulang
na lang daw lagyan ni Kuya Germs si Jhake ng dog collar sa leeg sabay utos ng ‘Sit,’
‘Up,’ and ‘Roll,’ ha-ha-ha!
Kung
napapanood niyo ang ‘Walang Tulugan’ tuwing Sabado ng gabi, si Kuya Germs ang
taga-utos kay Jhake kung ano ang gagawin o sasabihin nito.
‘Jhake
pasalamatan mo si ganito o si ganyan…
Jake meron kang gustong itanong kay ganito-ganyan… Jhake halika rito, umupo ka rito... Jhake batiiin mo si chorva, etc. etc.’
Ganun
palagi ang maririnig kay Kuya Germs sa kanilang show kaya nagmumukha tuloy
tanga ang pobreng bata. Ang pobreng bata
raw, o!
Ito naman kasing
si Jhake parang hindi pa rin natuto kaya tuloy si Kuya Germs pa ang nagtuturo
sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin kapag tsikahan portion na.
Madalas pang laging
parang lumilipad ang isip ng young actor kaya kapag tinanong na ni Kuya Germs
ay bigla na lang itong natutulala o di kaya ay nabibigla, sus!
* * *
Jodi parang aso kung tratuhin ni Richard
SPEAKING of the dog
and the master, naalala ko tuloy sina Sir Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi
Santamaria) sa kanilang promo ad.
Parang hindi naman yaya ng mga anak
ni Sir Chief si Maya kung tratuhin niya ito kundi parang alaga niyang aso.
Dun kasi sa kanilang promo ad, after
magsalita ni Maya ay natuwa sa kanya si Sir Chief sabay sabing, “Very good,
Maya,” na para bang pagkatapos magawa nang bonggang-bongga ng kanyang alagang
aso ang trick na kanyang ipinagawa ay pinuri ito sabay bigay ng reward na buto.
Very
good, Maya. Ha-ha-ha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento