Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Enero 19, 2013

'Showtime" aksaya lang ng oras


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO

LATELY ay hindi ko na napapanood sa timeslot nitong 11am (Mon-Fri) ang soap na pinagbibidahan nina Bea Binene at Jhake Vargas, ang “Cielo de Angelina.”
            Bale ito kasi ang ipinantapat ng GMA-7 sa toprater na late morning soap ng ABS-CBN, ang “Be Careful With My Heart” nina Jodi Santamaria and Richard Yap na dati’y nagsisimula ng 10:45 am pero nu’ng pumasok ang “MasterChef: Pinoy Edition” ni Judy Ann Santos ay naurong ng 11:30 am.
          Pero kahit naurong ang oras ng “Be Careful…” ay lalo naman itong namayagpag sa ratings.  Sa katunayan ay ito pa ngayon ang madalas mag-number one sa among the daytime programs.
            Unfortunately, ang “Cielo de Angelina” ng Siyete ay patuloy naman ang pagsadsad sa ratings, milya-milya ang layo sa “Be Careful…” ng Dos.
            Sa totoo lang, hindi naman ang mga bida ng “Cielo…”  ang problema kung bakit hindi ito nag-click sa televiewers.
            Sa title pa lang ng nasabing teleserye ay mukhang hindi na ito papatok sa morning viewers, para kasing wala pa sila sa mood na mag-isip kung anong hiwaga o whatever ang nakapaloob sa kuwento ng “Cielo de Angelina.”
            Parang ayaw pa ng madlang pipol na simulan ang kanilang umaga ng kung anu-anong kadramahan sa buhay.
            Sa true lang, mas bagay ang mga ganitong klase ng teleserye sa hapon o sa gabi.     

 Ang gusto ng madlang pipol na mapanood sa umaga ay yung light lang ang kuwento, hindi masyadong kumplikado.  Yung tipong mangingiti sila, kikiligin, mai-inspire at maiiyak nang konti  pero pagkatapos ay kikiligin ulit at mangingiti just like sa “Be Careful…”
            In short, kasalanan ng mga “think tank” ng Kapuso Network  kung bakit hindi sila nagtagumpay na makuha ang kiliti ng morning viewers.
            Ngayon, I’m still wondering kung tuluyan na bang tsinugi ng GMA 7 ang “Cielo…” dahil kelan lang ay nasilip ko pa ang ilang eksena ng isang episode nito. 
Hindi ko lang alam kung patapos na pala iyong nakita ko.
Pero usually naman kapag may magtatapos na teleserye ang GMA 7, malayo pa ay in-announce na nila -- at least three weeks bago ito tuluyang magbabu sa ere, di ba?
Even the cast nagge-guest sa mga live shows para lang imbitahan ang televiewers na panoorin ang mga huling linggo ng kanilang show.
But not in the case of “Cielo…”  para itong bula na bigla na lang nawala, whew!

* * *
SA PAGSISIMULA ng noontime show ng TV 5 na “WowoWillie” ni Willie Revillame sa January 26 ay tiyak na dalawang shows ng ABS-CBN ang maapektuhan.  Ito ang “Be Careful With My Heart” at “Showtime.”
            Sa ngayon kasi ay wala pang matinding kalaban ang “Be Careful” sa kanyang timeslot dahil ang katapat lang naman nito ay ang “Kusina Master” ni Chef Boy Logro ng GMA 7.
Let’s face it, hindi naman talaga malaki ang audience ng mga cooking shows.  Idadgdag mo pa riyan ang katotohanang marami na rin ngayon ang nagsulputang cooking shows kaya we can afford to miss this one.
So yun, namayagpag tuloy nang husto ang “Be Careful…” Pero dahil magsisimula ang “WowoWillie” ng 11:30 am, ay tiyak na magiging mahigpit na kalaban ng una ang huli.
Pero ang latest, e, may bagong isiningit na game show ang Dos sa umaga bago mag-"Be Careful..." at ito ay ang "Minute To Win It" ni Luis Manzano, na nagsisimula naman alas onse ng umaga hanggang 11;45.
Kaya ang "Be Careful..." nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard yap) ay magsisimul;a na ng 11:45 hanggang 12:30, sapaw sa oras ng "Eat... Bulaga."
Wow, talagang pilit pinapatay ng Dos ang "Eat..." ng Siyete considering the fact na madalas mag-number one, kundi man laging nagna-number one among the daytime programs ang "Be Careful..."
Kaya lang kung hindi rin makakaisip ang ABS-CBN ng magandang pamalit sa “Be Careful..”  once magbabu na ito sa ere ay tiyak na sasadsad na naman sa rating ang timeslot na iiwan nito.
Ang masaklap pa nito, konti na nga ang nanonood ng “Showtime” dahil sa patuloy na pamamayagpag sa ere ng “Eat Bulaga”.  e, tiyak na mababawasan pa ito ng viewers once mag-umpisa na ang WowoWillie.” ng TV5 pm.

May epekto pa rin naman sa rating ng “Eat Bulaga” ang pagpasok ng “WowoWillie” pero hindi naman siguro ganun kalaki ang magiging impact dahil mahihirapan na silang kunin ang loyal viewers nito.
I’m sure marami ang matutuwa sa paglipat ng show ni Willie sa tanghali dahil magkakaroon na ng mas magandang pagpipilian ang mga manonood between “WowoWillie and “Eat Bulaga.”
Ang “Showtime” kasi hindi lang basta nakakabaliw ang kanilang segment na “Baliw-Anne Cinema,” kundi nakakaaksaya pa ng oras ng mga nanonood sa kani-kanilang tahanan.
Yung dance contest naman ng pami-pamilya at comment kuno ng mga judges para nang kalamay na nakakaumay.
 Naku, kung wala nang maisip na magandang segment ang mga writers ng “Showtime” ay baka magsawa na sa inyo ang televiewers at tuluyan na kayong iwan, whew!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.