Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Oktubre 15, 2015

WATCHING MACHINE: Kris itutuloy ang pelikula sa Star Cinema!





PAGKATAPOS ng mahaba-haba at mahirap na proseso, tuloy na ulit ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa MMFF 2015 entry ng Star Cinema na All You need is Pag-ibig.


      Ito ang magandang balita na ibinahagi ni Kuya Boy Abunda sa mga manonood ng Tonight With Boy Abunda last Thursday (Oct. 15).


Isa kasi si Kuya Boy sa mga nakipag-meeting kina Ms. Malou Santos of Star Cinema at Kris para plantsahin ang naging gusot sa pagitan ng huli at ng produksyon.
Kris
Ito ay sa kadahilanang nabigo ang produksyon na pagbigyan ang kahilingan ni Kris na muling makatrabaho ang DOP (Director of Photography) ng blockbuster movie niyang Etiquette for Mistresses na si Neil Daza.


With Neil kasi ay nakatitiyak daw si Kris na maaalagaan nito ang kanyang mga eksena sa All You Need Is Pag-ibig tulad ng ginawa nitong pag-aalaga sa mga eksena niya sa Etiquette for Mistresses.                


Sa story raw kasi ng bagong niyang movie sa Star Cinema ay siya yung babaeng laging inaayawan at hindi pinipili, kaya kaya kahit man lang daw sa mga eksena niya sa pelikula ay lumabas naman siyang maganda.


      Yun lang daw yun at walang kinalaman si Mayor Herbert Bautista sa desisyon niyang huwag nang gawin ang pelikula.


     
Mayor Herbert
Feeling niya, kung hindi talaga magtutugma ang sked nila ni Neil, ay senyales na yun na hindi talaga para sa kanya ang nasabing pelikula, kaya mas mabuti pa raw na huwag na lang ipilit. Pero dahil sa magandang usapan at paliwanagan ay nakumbinse rin si Kris ng bumubuo ng produksyon, sa pangunguna ni Ms. Malou Santos, na ituloy ang naturang pelikula.


Nagpasalamat din ang King of Talk kay Ms. Malolu Santos dahil marami raw siyang natutunan dito sa naganap na meeting.  


       Sasagutin sana ni Kuya Boy ang tanong kung kasama pa rin sa pelikula sina Kim Chiu at Xian Lim at kung si Mayor Herbert pa rin ang kapareha ni Kris pero hindi na niya itinuloy dahil may pumigil sa kanya sa istudyo, baka raw ma-preempt ang Star Cinema sa gagawin nitong anunsyo tungkol sa mga pagbabagong magaganap sa official entry nila sa MMFF 2015.


                                                  ***

Bret & Ella
LIVE namang nag-guest sa
Tonight with Boy Abunda ang rumored couple na sina Ella Cruz at Bret Jackson.

Dito ay sinagot ni Bret ang tanong ni Kuya Boy kung totoo ba ang chikang sila na nga ni Ella.  


Aniya, hindi raw totoong sila na pero inamin naman niyang nanliligaw pa lang siya sa dalaga.

Narito ang bahagi ng interview ni Kuya Boy sa dalawa:


“Alam niyo naman Ella, Bret, dito kami’y nagtatanong nang diretsa and we get direct answers. Okay, yes or no, are you guys together?  Is Ella your girlfriend?  Ella, is Bret your boyfriend?


Boy Abunda
“Are you guys officially together?  Mom, sorry I’m asking the question, ha-ha-ha. Bret you have to answer the question,” sunud-sunod na tanong ni Kuya Boy.


“Yes, of course,” bungad ni Bret.

“Are you,” tanong ni Kuya Boy na tila nagulat sa sagot ng young actor.


“The guy should always answer,”dugtong agad ni Bret.

“Akala ko ba naman yes,” natatawa na lang sabi ni Kuya Boy.

“Courting.  I guess the term for here is courting...  I’d like to go to the mom of course, and say can I go out with Ella?   Can we eat out, you know in Starbucks?”

“Sa palagay mo ba may pag-asa ka,” susog ng King of Talk.

Hindi agad nakasagot si Bret, sa halip ay napatingin kay Ella na para bang nagpapatulong sa sagot.

“Ikaw ang tinatanong (laughs),” ani Ella.
Bret & Ella
“I think so,” sagot ni Bret.


“Why do you say that? Why?

“It’s in the air, I guess,” sabi pa ng binata.

“Ella, what do you want to say?  

“Ano po, ha-ha-ha.  Wala akong masabi.”

“Ano ang iyong masasabi na nanliligaw si Bret?”

 “Nagha-hang out naman kami... Kahit pag lumalabas kami kasama ko naman po si mama and…"

“Boyfriend material,” tanong ni Kuya Boy

“Kasi caring, e, Sobrang, sobrang caring niya.  Gusto niya yung kung ano yung best para sa akin.  Hindi lang para sa akin siyempre yung kung ano rin yung maiintindihan ni mama.

“The best thing about Bret?

“Best thing, ano ba?  Ang hirap nun a, bigla akong napaisip.” 

“The best thing about Ella," baling ng TV host kay Bret.


“She has a way of making me like feel like just, just a little happiness…"

“You know your smile, your smile.  You cannot imagine how you look but your smile says it all, di ba? I wish you all the best. Hindi ko na ipi-pressure si Ella. 

Andi & Bret
“Okay, you know but some people have comments sabi nila Ella you have to be very careful because...you know you have to defend yourself Bret sabi nila you are on a rebound…you want to say something about it?”

“I mean if people wanna say that Ella and I've been I guess, talking more and becoming closer.  I knew her before in Star Magic.  

"We were even dance partners like I remember telling Ella it’s the first time we met but… I’m still friend with Andi (Eigenmann).  And I’ll always think of her as a great person, she’s a great person, a great mother.  

"And I told Ella this and she knows that we respect things with each other and I also know that she knows that I’m serious."


“Thank you for being forthright but I’ll go there in a while.  Ella, kung saka-sakali, a… he will be your first boyfriend?”

“A… opo, kung saka-sakali, ha-ha-ha.  Kung saka-sakali, opo!"

“Bret since you mentioned Andi Eigenmann, I have no intent of asking you the question.  But you know, lets talk about it. Number one, are you over? Are you over her?

“A, we’re still friends, and I mean..."  

“No, my question is, are you over?”

“Yeah!”

“Okay, my next question is, did Andi break your heart?

“Yeah (laughs).

“Thank you for being very honest,” pagtatapos ni Kuya Boy.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.