HEADLINE sa ilang
pahayagan: Willie Revillame ordered arrested for child abuse case. Kung hindi ka pamilyar sa naging isyu noon ni
Willie sa batang si Janjan na nagsayaw as macho dancer sa now defunct variety
show niya sa TV 5 na Willing Willie
ay iisipin mong may seryoso na naman siyang kaso ng child abuse ngayon.
Pero ang totoo niyan, ang nasabing arrest order na ipinag-utos
ng Court of Appeals laban kay Willie ay may kinalaman pa rin sa kasong isinampa
ng DSWD laban sa kanya last May, 2013, dahil diumano sa paglabag nito sa
Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.
Willie |
Ayon sa Court of Appeals, meron daw probable cause for the
petitioner’s commission of a crime, his arrest and arraignment should now ensue
so that this case may properly proceed to trial where the merits of both
parties’ evidence and allegations may be weighed.
Nilinaw naman ni Nards De
Vera, legal counsel ni Willie, na hindi na kailangan pang arestuhin ang kanyang kliyente
dahil nag-post na ito ng bail para sa akusasyong child abuse at child
exploitation bago pa nagdesisyon ang Court of Appeals na maglabas ng warrant of
arrest laban dito.
Sabi pa ni De Vera sa GMA News Online, "We want to
correct that misimpression that the court of appeals has ordered his arrest.
What the CA said that it is okay for the RTC to issue a warrant of arrest so
that Willie could be arraigned."
Naniniwala ang kampo ni Willie na walang matibay na
ebidensya na magdidiin sa kanya ng pang-aabuso at child exploitation sa batang
si Jan Jan, kaya nararapat lamang na matuloy na ang kanilang arraignment para
maibigay na ang kanyang panig nang sa gayo’y malinis na ang kanyang pangalan.
AKO personally ay
napanood nang buong-buo ang naturang episode ng Willing Willie, at tulad din ng maraming nakapanood nito ay
masasabi kong wala akong nakikitang child abuse at exploitation na naganap.
Maaaring may ilang televiewers o yung mga nakapanood sa You Tube na hindi nagustuhan ang ginawang pagsasayaw ng batang si
Jan Jan doing the macho dance |
Ganun naman talaga sa mga palabas sa telebisyon di ba, may
mga napapanood tayo na para sa atin ay hindi nakakaaliw pero para sa iba it’s
highly entertaining kahit pa sabihin mong it’s nothing but rubbish.
Kaya doon sa mga nagsasabing may child abuse at exploitation
na naganap, I agree to disagree. Let’s just
respect each others opinion.
Huwag niyo na kaming basahan ng kung anu-anong Republic Act
tienes diyan. Just stop making a
mountain out of a molehill dahil wala naman talagang seryosong paglabag sa
sinasabi niyong batas na ‘yan.
Willie |
The way I look at it, it’s either matagal na kayong
nabubuwisit kay Willie or you have an axe to grind against him. Yun lang
yun. Believe you me.
Dalawa lang ‘yan na puro extremes. Yung mga nagmamahal kay Willie na kulang na
lang ay himurin ang kanyang puwet o yung mga namumuhi kay Willie na kung
nakamamatay lang ang pagmumura ay palagay ko ay ilang beses niyo na siyang
pinatay.
Pero sa totoo lang may isa pang issue na paulit-ulit
nating nababanggit pero hindi talaga napag-uusapan at ito ay ang sayaw na macho
dancing.
The question is, bakit ganun na lang makapag-react ang ilan
sa sayaw ni Jan Jan na ala-macho dancer?
Ganun ba talaga kasama ang tingin natin sa mga macho dancers? Ganun ba talaga ka-despicable ang sayaw na
macho dancing?
Willie and Jan jan |
Hindi ba’t maraming pulitikong magnanakaw, at ang perang
ninanakaw nila ay perang pinaghirapan ng taong bayan? Hindi lang libu-libo,
hindi lang milyun-milyon kundi bilyun-bilyon pa?
Ngayon, sabihin niyo sa akin, dapat ba nating husgahan pag
macho dancer o sumasayaw ng macho dancing ay nakakasuka, nakakadiri at
nakakarimarim?
Bakit masyado tayong mapanghusga? Ayan si Lea Salonga at ilang katribu niya agad
nag-react by saying may child abuse raw na naganap.
Lea Salonga |
Ano bang alam ni Miss Lea sa child abuse, e, lumaki siya sa
isang maayos na pamilya. Nagdalaga siya
at nagkaasawa na maganda ang nakikita niya sa kanyang kapaligiran – from OB
Montessori to Ateneo de Manila University to Repertory Philippines to Broadway
Centrum to Viva Films to Miss Saigon to Broadway to Disney, pa-Ingles-Ingles with
matching accent pa.
So, bakit niya
nasabing pag nag-macho dancing ang isang bata ay child abuse na agad-agad?
Ang mga katulad ni Lea na lumaki sa isang nakaririwasang
pamilya ay karaniwang tinuturuan ng kanilang mga magulang ng mga talentong
pang-sosyal din gaya ng ballet o pagkanta ala-Repertory Philippines pero ang
isang ordinaryong batang Pinoy, lalo pa’t lumaki sa hirap kadalasan ay tinuturuan
ng kanilang mga magulang ng talentong tanging alam nila na karaniwan ay pang-jologs
tulad na lang ng sayaw na macho dancing.
Macho dancing per se is not bad or immoral. It’s an art, pang-jologs nga lang. Masisisi ba natin ang mga magulang ni Jan jan
kung yun lang ang alam nilang talent na pwedeng ituro sa bata? Bakit sa school ay hindi naman isyu ang
pagsasayaw ng bata ng macho dancing.
Pagdating sa TV isyu na agad?
Mabuti pa nga ang batang macho dancing ang talent wala kang
mararamdamang malisya kumpara sa isang may edad na, medyo masagwa na ang
dating, di ba?
Willie |
Yung sinasabi ng ilan na hindi raw gusto ng bata ang kanyang ginagawa kaya ito umiiyak, sus, yun ang interpretasyon nila dun.
Halata namang dumadrama lang ang bata para mapansin dahil nasa harap siya ng kamera. Yung tipong nagpapa-discover. Sabihin niyo sa aking mali ako. totoo naman, di ba?
Its either tinuruan ng parents na umiiyak kunwari habang nagsasayaw dahil ang drama is hindi niya gusto ang kanyang ginagawa at napipilitan lang siya o kaya talagang marunong lang itong dumiskarte sa buhay.
Ganyan ang labanan sa mundo ng telebisyon kung gusto mong mapansin, ang magpapansin. I should know.
Willie |
Pero eto
pa rin ako at patuloy na ipinaglalaban kung ano ang sa palagay ko ay tama.
At
patuloy pa rin akong sumusubaybay sa kanyang programa mula pa sa Wowowee sa ABS-CBN hanggang sa Willing-Willie sa TV 5 hanggang sa Wowowin sa GMA 7. dahil naniniwala ako sa
format ng show at sa kakayahan ni Willie bilang isang magaling at nakakaaliw na
TV host.
Yun lang yun.
GMA News Online
http://www.gmanetwork.com/news/
http://www.gmanetwork.com/news/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento