NAG-UMPISA na ang filing ng COC o Certificate of Candidacy
last October 12, na magtatapos sa Oct. 16. Napag-alaman namin through various
sources ang pagtakbo o muling pagtakbo ng mga kilalang showbiz personalities sa
darating na 2016 elections.
Let’s start with those who’ll try for reelection:
Sen. Vicente Tito Sotto of the famous comedy trio Tito,
Vic and Joey hopes to be re-elected in the Senate.
Reelection din
ang drama nina Mayor Joseph Estrada para sa city of Manila at Mayor Herbert Bautista para naman sa lungsod ng Quezon City.
Sina Roderick Paulate at Charee Pineda ay tatakbong muli bilang
mga konsehal ng Quezon City at Valenzuela City respectively.
Lucy Torres-Gomez and Alfred Vargas will run again for
another term in Congress. Si Lucy para
sa 4th district of Leyte, while si Alfred para sa 2nd district ng Quezon City.
Among actors/politicians naman na tatakbo sa iba o mas
mataas na posisyon ay nariyan sina Paranaque City Councilor Alma Moreno na
tatakbong senador sa ilalim ng UNA ni Vice-President Jejomar Binay; Manila
Vice-Mayor Isko Moreno na tatakbo sa pagka-senador under UNA pa rin at Rep.
Lani Mercado of the 2nd District of Cavite, na target namang maging
susunod na mayor ng Bacoor City.
Kung si Cong. Manny Pacquiao ay gustong pasukin ang senado, Sen.
Lito Lapid naman is eyeing the mayoralty of Angeles City.
Popular actor-TV host and erstwhile vice-mayor of Makati
City Edu Manzano will also run for the Senate.
Former Pampanga governor Mark Lapid, now chairman of the
Tourism Infrastructure and Economic Zone Authority will try his luck in the
senatorial race.
Susubukan naman ni E.R. Ejercito na muling maluklok as
governor of Laguna after mapatalsik sa puwesto dahil sa isyu ng overspending.
Councilor Yul Servo will run for the position of Congressman
in Manila.
Mula sa pagiging board member ng lalawigan ng Laguna ay
tatangkain naman ni Angelica Jones na maluklok bilang Laguna vice governor under
the Liberal Party.
Sa mga ngayon pa lang sasabak sa pulitika ay nariyan sina
Ronnie Rickets, dating chairman ng OMB (Optical Media Board), na ang kongreso ang
puntirya; Vandolph Quizon for councilor ng Paranaque City; Andrea Del Rosario
na tatakbong vice-mayor ng Calatagan, Batangas; at Jhong Hilario na type namang maging konsehal ng Makati City.
Hindi na bago sa pulitika si Richard Gomez dahil makailang beses na rin niyang sinubukang
tumakbo pero ang siste ay hindi pa siya nananalo.
Tumakbo siya for senator in
2007 but lost.
Noong 2010 ay tumakbo si Goma as congressman of Leyte but
he was disqualified dahil sa isyu ng
residency.
Taong 2013 ay sinubukan naman niyang makuha ang puwesto ng
mayor ng Ormoc pero hindi pa rin siya pinalad.
Ngayon 2016 elections ay muli niyang susubukang masungkit
ang matamis na oo ng mga Ormocanons.
Sa mga singers naman ay nariyan sina Ms. Imelda Papin na
balak raw wakasan ang paghahari-harian ng mga Fuentebella ng Camarines Sur by running as congresswoman
sa ilalim ng Liberal Party; tatakbo naman si Lance Raymundo as councilor of San
Juan; at ang singer na si Roselle Nava
ay hihirit ng isa pang term bilang 1st district councilor ng Paranaque.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento