Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
NANG muling humarap sa entertainment press si Gov.
ER Ejercito ay hindi naiwasang mulingMaungkat ang nakaraang MMFF 2012 kung saan sa
ikalawang pagkakataon ay natalo siya niDingdong Dantes sa pagka-Best Actor, siya para sa
pelikula niyang “El Presidente” at siDingdong for “One More Try.”
Naiintindihan
ko ang naging sentimyento ni Gov. ER about this pero wala akongmaikokomento tungkol dito dahil parehong hindi ko naman napanood ang
kani-kanilangpelikula.
Naniniwala
akong both are competent actors kaya mahirap mag-judge kung hindi namantayo judge.
It’s just a matter of choice and all we have to do is respect the
judges’decision.
Pero
para ibigay ng mga hurado ng MMFF Awards chorva ang FPJ Memorial Award sa“One More Try” ay hindi talaga katanggap-tanggap
dahil may maliwanag namang criteria nasinusunod.
Sabi nga ni Gov. ER, “Medyo na-disappoint ako doon sa FPJ Memorial Award dahil
ang
Linaw e, binasa pa (yung criteria),
narinig pa ni Tita Susan Roces at ni Grace Poe.
“Ang FPJ
Memorial Award, ang sabi doon historical film that inspires national
patrimony, tapos hindi naibigay sa El
Presidente. Doon ako nasaktan.”
You
see, hindi pwedeng magsinungaling ang criteria, kitang-kita ang ebidensya ng
kapalpakan ng mga naggawad ng FPJ Memorial
Award sa “One More Try.”
Well,
para maiba naman ay kinumusta ng entertainment press ang sex life ni Gov.
ER. kung
active pa rin ito hanggang ngayon.
Malalaki
na kasi ang apat na anak ng dakilang gobernador ng Laguna na ang panganay
ay 26 years old samantalang ang bunso ay 10 years
old na.
Anim
raw sana lahat ang mga anak nila kung hindi lang daw dalawang beses nakunan
ang misis niya, una noong 204 at pangalawa nung
2010.
Ang
tanong, wala na raw ba silang balak ng kanyang kabiyak na si Mayor Maita
Sanchez
na bumuo ng isa pa?
Ani
Gov. ER gusto pa raw nilang dagdagan ang mga anak nila. Ang problema lang ay
masyado silang stressed sa dami ng trabaho. Halos jingle na lang daw ang kanilang
pahinga.
“Nagpa-sperm
test ako okey pa, e. Pwede akong maging
sperm donor,” dagdag pa ni
Gov. ER.
Nga pala, mag-uumpisa na sa March 8
at magtatapos sa March 17 ang ikatlong La Laguna
Festival, na tinagurian
ding
Festival of Life.
Buong ningning na ipinagmalaki ni
Gov. ER na magiging mas malaki at star-studded ang pagdiriwang ng La Laguna
Festival sa taong ito
“Well, La Laguna is celebrated for
ten long days with seventy two events.
“Kaya’t La Laguna the Festival of
Life, ito’y pagbibigay pugay sa ating pinakamalaking lawa sa buong Pilipinas,
ang Laguna Lake.
“Kaya itong La Laguna, ang ibig
sabihin po niyan the lake or the lagoon and sa Tagalog naman ang ibig sabihin
niyan ‘lalago na’ o ang pag-usbong ng bagong Laguna, una sa lahat ng bagay.
“Kaya star-studded po ito, marami
tayong mga artista, singers, performers and entertainers na inanyayahan para
i-grace ang ating ten-day occasion na celebration ng La Laguna Festival: The
Festival of Life—pinakamalaki, pinakamakulay, pinaka-exciting, pinakamagastos
na festival sa buong Pilipinas.
“Pinarangalan ito ng Department of
Tourism (DOT) at ng Association of Toursim Officers of the Philippines (ATOP)
bilang Outstanding Festival at Best Tourism Event for the years 2011 and 2012.”
Ilan sa 72 events ng nasabing
festival ay ang Street Dancing, Paralympics, Trade Fair, Dragon Boat Race,
Talentadong Lagueno, Ginoo and Binibining Laguna Beauty Pageants, Miss Gay
Laguna, Cook Fests, Motor Bike Show, Modern Dance Showdown, Fireworks
Competition, Fluvial and Land Float Parades, Brass Band Competition at marami
pang iba.
* *
*
HANGGANG ngayon ay wala pa rin palang kamalay-malay
ang mga magulang ng isang young actor na meron na pala silang apo sa kanilang
binata.
Pumutok
na a few years ago ang tsismis na nakabuntis ang young actor pero nung
kumprontahin siya ng kanyang mother dear tungkol dito ay agad naman niya itong
itinanggi.
Dahil
may tiwala si madir sa kanyang pinakamamahal na binata ay pinaniwalaan niya
ito. Ang siste ay nagmumukhang tanga ang pamilya ng young actor.
Ang
pagkakaalam nila ay girlfriend lang talaga nito ang laging kasa-kasama kapag
merong pagtitipon sa kanilang pamilya pero ang totoo ay ito ang ina ng kanilang
di pa nakikilalang apo.
Ang
tanong, hanggang kailan kaya itatago ng young actor at ng kanyang non-showbiz
gf ang tungkol sa bagay na ito?
Pagputi ng uwak, pag-itim ng
tagak?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento