Mula sa pahayagang Police Files Tonight
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
DEADMA lang daw si Anne Curtis sa mga negatibong komento
tungkol sa kontrobersyal na
outfit na sinuot niya during her “wet birthday”
production number sa “ASAP 18” last February
24.
Para sa mga hindi nakapanood, she was wearing a strapless black gown with
nakakaintrigang very high slit which made us all wonder
kung meron ba o walang suot na panty
ang bruha.
Kung tutuusin more than
reavealing ang naturang outfit dahil cleavage kung cleavage din
ang drama nito.
Sabi raw ni Anne sa isang interview, natatawa na lang daw siya na pinag-uusapan
ng
madlang pipol ang kanyang outfit at okey lang daw yun sa
kanya.
Ang mahalaga ay umipekto raw ang ginawa nilang ilusyon na wala siyang suot na
underwear or whatever, dahil ang totoo raw niyan ay meron
siyang suot na hidden tan na
swimsuit.
Para kay Anne ay okey ang suot niya pero hindi niya isinaalang-alang ang kanyang
audience in general.
Ang tanong, bakit naman niya kailangang bigyan ng ilusyon ang televiewers na
wala
siyang suot na panty considering the fact na maraming
nanonood na kababaihan at kalalakihan
na pawang mga menor de edad sa Sunday musical-variety
show ng Kapamilya network na
“ASAP 18?”
Yun ang dahilan kung bakit ipinatawag ng MTRCB ang management ng “ASAP
18”
para sa isasagawa nilang ‘gender-sensitivity
investigation.’
Nangako naman daw ang “ASAP” na magpapadala sila ng representatives para dumalo
sa
meeting na itinakda ng MTRCB sa March 5 para talakayin
ang nasabing issue.
Going back to Anne, hindi naman yata maganda ang pagiging deadma niya hinggil
sa
issue ng pananamit whether its going out of bounds or
not.
Sana ay matuto rin si Anne, o ang iba pang artista riyan, na ilagay sa lugar
ang pagpili ng
outfit na kanilang isusuot.
Sana ay maging sensitibo rin
sila sa sasabihin ng publiko dahil sila ay mga public figures
na hinahangaan at tinutularan ng marami.
Para sabihin ni Anne na deadma siya sa mga negatibong komento ng madlang pipol
about
her outfit ay para niya na rin sinabing she’s an
insensitive and irresponsibe individual, whew!
* * *
OUT of desperation na makitang muli ang anak ay biglang
nabuhay ang nananahimik na
controversial sexy star na si Rajah Montero.
Eight months na mula nang mawalay kay Rajah ang two years old na anak na si
Josephine Claire.
Kinidnap daw ito ng sariling ama na si JC o Juan Carlos Cheng, 26 years old.
Kahit hiwalay na raw sila ni JC ay malaya naman daw itong nakakapunta sa
kanilang
bahay para makita ang anak.
Ang siste, nung minsang dalawin nito ang anak nila ay wala raw silang
kamalay-malay
na itinakasna nito ang bata.
Nung una’y nanahimik lang daw muna si Rajah. Pilit niyang itinago sa
press ang tungkol
sa bagay na ito. Instead ay hiningi niya ang tulong
ni Tulfo at ng DSWD pero wala rin daw
nangyari.
Ang lalong ikinawindang ni Rajah ay nang sabihin daw ni JC na huwag na silang
hanapin
ng anak niya dahil magpapalit na itong sim card at
pupunta na sila ng Hong Kong.
Ano ba ang ikinawindang ni Rajah, dahil ba hindi siya isinama sa Hong Kong,
charing!
Nag-file na siya ng mga kasong child custody at kidnapping pero hindi naman daw
uma-
attend ng hearing si JC, na kasalukuyang merong warrant
of arrest.
Ang masaklap pa nito ay kinukuwestiyon pa rin ang kakayahan niyang magpalaki ng
anak bilang isang ina, kung kaya niya raw bang bigyan ng
magandang kinabukasan ang anak nila
ni JC at kung hindi na raw siya babalik sa pagbo-bold sa
kanyang mga pelikula.
Hindi naman ikinakaila ni Rajah na nagpakita siya ng laman sa pelikula pero
trabaho lang
daw yun at hindi nangangahulugang isa siyang masamang
babae.
Pakiusap niya sa pamilya ni JC na mababa ang tingin sa mga katulad niyang bold
star,
pati na rin sa publiko, na huwag naman daw siyang
husgahan dahil ang ginawa niyang pagbo-
bold sa pelikula ay bahagi lamang ng kanyang trabaho.
Ang tanging hiling ni Rajah sa ngayon basta maibalik lang ang kanyang anak ay
ititigil na niya ang kaso.
Gusto na rin ng bruha na mawala ang kanyang sexy image. Kung gagawa raw
siya ng
pelikula ay babawasan niya na ang pagpapa-sexy.
Kung dati ay dalawang boobs ang ipinapakita niya, this time ay isa na lang,
chos!
Actually meron daw siyang gagawing pelikula with Marian Rivera na ang title ay
“Batang Lagalag.”
Very ‘unMarian’ ang title ng pelikulang ito na ito kaya marami ang di
makapaniwala
pero malay din natin matuloy ang proyekto, di ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento