Para sa pahayagang Police Files Tonight
WATCHING MACHINE
BY
GAS GAYONDATO
HINDI pa nga natatapos
ang isang buwan nang isailalim ng MTRCB (Movie Television Review and
Classification Board) ang “Party Pilipinas” ng GMA-7 sa six-month probation, at pinag-public apology pa dahil sa anila’y
sexually-charged scene na sexy dance number nina Lovie Poe at Rocco Nacino na
inere last January 27, ay ang staff naman ngayon ng Sunday musical-variety show
ng ABS-CBN ang kanilang ipinatatawag
dahil naman sa diumano’y provocative number ni Anne Curtis sa “ASAP 18” noong
nakaraang Linggo, February 24.
Dahil
sa pangyayaring ito ay magsasagawa raw ang MTRCB ng gender-sensitivity
investigation hinggil sa provocative number
kuno ni Anne kung saan nakasuot siya ng black
strapless dress na sobrang taas ng slit habang
kinakanta ang latest hit song ni Rihanna na
“Diamonds.”
In fairness sa MTRCB,
sumobra talaga ang taas ng slit ng skirt ni Anne na
magkamali lang ito ng galaw ay pwede mo nang
masilip ang hindi dapat masilip.
Idagdag mo pa riyan ang provocative
performance ni Anne with matching ulan kaya
tuloy literally
and figuratively ay nabasa ang ate (Anne) niyo.
Ewan ko ba naman sa “Party Pilipinas”
at “ASAP 18” kung bakit ang hilig-hilig nilang
maglagay ng mga
pampalibog na production number sa kanilang show gayung alam naman
nilang buong pamilya ang kanilang audience kasi
it’s Sunday at noon time pa -- family
bonding baga.
The other Sunday rin napanood ko si
Cristine Reyes na sobrang provocative rin ang dance number, mabuti na lang hindi
masyadong sexy ang suot niya, kung hindi ay maraming malilibog na boys ang
talagang magwa-water-water.
But just the same, pampaelya talaga
ang dance number ni Cristine with matching giling-giling and steps na tila
nang-aakit ng kalalakihan.
Sabi ko nga, e, ano ba naman ang
staff ng “ASAP 18” at ng “Party Pilipinas,” bakit
parang gustung-gusto
nilang sini-seduce ang male televiewers sa tanghaling tapat. Feeling yata ng mga itey, e, walang mga bata
at mga manang na nanonood sa mga oras na yun, huh!
Puro na lang male audience ang
pinapasaya nila, nakakasuya na kayo.
Tama na, sobra na! Pwede ba, puro
lalaki naman ang bigyan ninyo ng provocative production number, chos!
* * *
WALANG duda na malakas
na talaga ang hatak ni Xian Lim sa mga fans, most especially sa kababaihan at
kabadingan.
It was very evident nang mag-show siya kasama sina Jose
at Wally sa Zirkho-Morato last Saturday.
Panalung-panalo ang nabanggit na show, punumpuno ng tao
ang nasabing venue.
Kahit pinakahuling isinalang si Papa Xian ay hindi agad
nag-uwian ang madlang pipol. Hinintay
talaga nilang matapos ang performance ng guwapong aktor kahit hindi naman
kagandahan ang singing voice nito.
Kahit tapos na ang show ay nagtiyaga pa rin ang mga
kababaihan at kabadingan sa paghihintay kay Papa Xian sa labas ng Zirkho.
Pero sa totoo lang, bago pa isinalang si Xian ay nagkaroon
kami ng ilang colleagues ko na makatsikahan ito sa VIP room.
For arts sake ever ang pinag-uusapan ni Xian at ng isang
may katarayang reporter nang isiningit ko ang tanong kung sariling idea ba ng
aktor ang pagpapapunta kay Kim Chiu sa yate (Subic Yacht Club) sa Subic, Zambales
noong Valentines Day na ikinasorpresa nito.
Bale ito na ang pangatlong beses na sinorpresa ni Xian si Kim. Una nu’ng haranahin niya ang dalaga sa set ng
dating teleserye nilang “Binondo Girl” at pangalawa nung bigyan niya ito ng
tree of roses.
Maikli lang ang sagot ni Xian. Idea niya raw yun and para
happy lang. Yun lang at tila umiwas nang
maungkat pa ang tungkol dito kasi nga naman matagal nang tapos ang Valentine’s Day.
Sus!
*
* *
MAY BAGO na naman
palang boyfriend si Katherine Luna.
Hindi na binanggit sa akin ng aking very reliable source ang name ng
bagong papey ni Katherine pero bagets-bagets pa raw ito.
So, ibig sabihin nito ay hiwalay na naman ang sexy
actress sa kanyang guwapong jowa na taga-Frisco. Bale pang-anim na raw ni Kat ang bago niyang boyfriend.
Pero ang maganda nito, kahit bata pa ang newfound love ng
seksing aktresa ay graduate naman daw ito ng kolehiyo at may bonggang trabaho.
Take note, chef lang naman daw si lalake sa isang class
na Italian restaurant.
Pero ang tanong, hanggang kailan naman kaya tatagal ang
relasyon ng dalawa knowing Kat na kung magpalit ng boyfriend ay para lang
nagpapalit ng damit, whew!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento