Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Enero 24, 2013

Marya nakakatakot katrabaho


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO



 ANG management team na mismo na humahawak sa career ni Maricel Soriano ang
nagsasabing kailanganng aktres na sumailalim sa anger management after nitong ma-involved sa isang
‘unfortunate incident’ with Gerald Anderson sa first taping day ng teleserye nilang “Bukas Na Lang Kita
Mamahalin.”
                Hindi naman nag-elaborate ang ABS-CBN kung ano yung unfortunate incident na
kinasangkutan nina Marya at Gerald pero ayon sa mga naglabasang tsika ay sinigawan diumano ng una
ang huli dahil hindi makuha-kuha ng aktor ang tamang acting na hinihingi ng kanilang eksena.
                Dahil sa pangyayaring ito ay parang na-trauma raw si Gerald kaya ayaw na raw nitong mag-
report sa kanilang teyping.
                Mukhang mahirap na raw maayos ang gusot sa pagitan ng dalawa kaya nagdesisyon na lang daw
ang ABS-CBN na tanggalin na lang sa cast si Marya dahil ang nasabing teleserye ay para
talaga kay Gerad at naniniwala silang tatangkilikin ito ng televiewers with or without Maricel Soriano.
                Wala pang opisyal na pahayag ang naturang TV network kung sino ang ipapalit kay Marya pero
ayon sa nasagap naming sitsit ay malamang daw si Dawn Zulueta ang pumalit dito.
                  Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung tuloy pa rin si Marya sa pelikulang gagawin nito sa
movie arm ng Kapammilya Network na Star Cinema dahil malamang nga na sumailalim muna ito sa
anger management para maiwasan ang problema sa susunod na pagsalang nito sa isang proyekto.
                Nakakatakot na kasing katrabaho ang aktres, nahihirapan itong pigilin ang kanyang galit.  Ang
sabi’y dahil daw meron itong pinagdadaanan katulad na lang ng sobrang depresyon dahil sa
pagyao ng kanyang ina.
* * *

MASAYA ako para kay Tiya Pusit na inlababung-inlababu sa kanyang much younger boyfriend na si
Nathaniel (tama ba?).
                Sa laki ng agwat ng edad nila, 64 na si Tiya Pusit while 27 lang si Nathan, itsura ng  
mga bagets kung sila ay maglambingan.
                Ayon sa binatang karelasyon ni Tiya Pusit ay hindi raw isyu ang malaking agwat ng edad nila,
basta ang alam niya raw ay masaya siya kapag magkasama sila.
                Si Tiya Pusit naman, tulad ng mga nauna niyang naging karelasyon, ay umaasang si Nathan na
ang lalaking makakasama niya for life.
                Kaya lang tulad sa intrigang ibinabato sa magkarelasyong Ai-Ai delas Alas at boyfriend nitong si
Jed Salang ay pera lang daw ang habol ng lalaki kay Tiya Pusit.
                Marami pa rin kasi ang nagdududa kung tunay ngang mahal si Ai-Ai at Tiya Pusit ng kani-kanilang
karelasyon dahil nga bukod sa hindi naman sila kagandahan ay ang laki pa ng tanda nila sa mga ito, lalo
na si Tiya Pusit na pwede niya nang maging apo ang kanyang boyfriend.
                How cruel talaga the madlang pipol ‘no para husgahan agad-agad ang mga lalaking
nagpapatibok sa puso nina Ai-Ai at Tiya Pusit.
                Pero ang bottomline naman ng lahat ng ito ay ang happiness na nararamdaman nila at the
moment sa piling ng kani-kanilang partner.
                Handa naman siguro sila sa maaaring maging kahinatnan sa pinasok nilang relasyon -- na
pwedeng panandalian lang o pwede ring maging forever.
                What if maging forever nga, di ba sayang naman kung hindi sila nag-try?

* * *

MAGANDA ang tinatakbo ng story ng “Teen Gen” na napapanood every Sunday after “Party Pilipinas” sa
GMA 7.
                Hindi lang ito basta kuwento ng mga kalokohan ng teenagers ngayon kundi meron ding social
relevance.
                Katulad na lang nung mga unang episodes nito kung saan ibinigay na lang ni Tiago (Jeric
Gonzales) ang bago niyang mamahaling rubber shoes sa isang nakalaro nila sa basketball na
nakatsinelas lang.
                Na-realize kasi ni Tiago na maswerte silang mga anak-mayaman dahil can afford silang bumili ng
mamahaling gamit samantalang yung mga anak-mahirap ay nagtitiis na lang sa kung ano lang ang
kayang ibigay sa kanila ng kanilang mga magulang.
                Nakaka-touch yung eksenang yun.  Ang sarap sana kung lahat ng rich kids ay katulad ni Tiago
 mag-isip ‘no?
                Kuwela rin yung mga moments nina Angelu de Leon at Bobby Andrews na gumaganap na
mommy ng bidang babae at bidang lalake respectively.
Bale extension na kasi ang “Teen Gen” ng characters nila noong mga teenagers pa sila sa “TGIS.”
Now, I’m sure marami sa mga nanay at tatay niyo ang naghihintay na mapanood sa “Teen Gen”
ang ilan pa sa original cast ng “TGIS” tulad nina Onemig Bondoc, Raven Villanueva, Michael Flores at Rica
Peralejo.
                Ang nakikita ko lang setback ng “Teen Gen” ay ang walang kabuhay-buhay na acting ng mga
bida,  parang hindi sila dumaan sa acting workshop bago isinalang sa show. 
                They need to strive harder to improve their acting kung ayaw nilang ma-Maricel Soriano ni Direk
Mark Reyes ‘no!
               
                               
               


Martes, Enero 22, 2013

Ay Palpak! (Actors Edition)

Marian Rivera is a Psychology

                              



Claudine Barretto:  Slip of the Tongue



                            
                            


Barbie Forteza:  Na-Jackielou Blanco


                          



Jon Avila:  nabulol


                          


Ricky Davao, Aljur Abrenica & Kris Bernal Bloopers

                          

Lunes, Enero 21, 2013

Ay Palpak! (Newscasters Edition)

Noli De Castro's TV Patrol Funny Mistake





                            




Mike Enriquez Is Korina!





                             



Karen Davila: Ina ni Aling Dionisia



                              


Korina nabulunan sa hamon



                               



Saksi Blooper: Michael Fajatin




                              

Linggo, Enero 20, 2013

Toni handa nang pakasal kay Direk Paul




Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


NGAYON pa lang ay tila may naamoy na akong kasalang magaganap in the very near future between Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.
                Pwede itong maganap next year o the year after next year o pwede ring bago matapos ang taon.
                It’s all up to Direk Paul to make it happen.  
Kapag hindi siya nag-propose agad-agad kay Toni ay sayang naman ang pagkakataon dahil    kung babagal-bagal pa siya ay baka biglang magbago ang isip ng kanyang girlfriend of seven years.
                Sa tanong kasi kay Toni sa isang interview if ever mag-propose sa kanya ng kasal si Direk Paul ay bonggang-bonggang ‘Yes’ ang sagot nito.
                Opo, hindi na nagpakiyeme-kiyeme pa ang tinaguriang Multi-Media Star coz it’s about time naman talaga na lumagay na sila sa tahimik.
                Twenty nine na si Toni ngayon going thirty next year kaya swak na swak sa target age niya na mag-asawa.
                Besides, sa pitong taong pagiging mag-on nila ni Direk Paul ay wala siyang naging problema dito dahil naging faithful boyfriend naman ito sa kanya.
                Sa palagay ko naman ay natupad na rin ni Toni ang mga gusto niyang mangyari sa kanyang career bilang artista.
                She’s one of the most bankable stars of ABS-CBN and Star Cinema at mahusay na TV host kaya wala na siyang dapat patunayan pa.
* * *
Kuya Germs at Jhake:  The master and his dog

EWAN kung aware si Kuya Germs o wala lang talagang naglalakas-loob na magsabi sa kanya tungkol sa ginagawa niyang pagtrato sa alaga niyang si Jhake Vargas.
                Marami kasi ang nakakapansin na hindi lang basta manager-talent o tatay-tatayan-anak-anakan ang relasyon nila ni Jhake kundi para silang si master at si doggie.
                Kulang na lang daw lagyan ni Kuya Germs si Jhake ng dog collar sa leeg sabay utos ng ‘Sit,’ ‘Up,’ and ‘Roll,’ ha-ha-ha!
                Kung napapanood niyo ang ‘Walang Tulugan’ tuwing Sabado ng gabi, si Kuya Germs ang taga-utos kay Jhake kung ano ang gagawin o sasabihin nito.
                ‘Jhake pasalamatan mo si ganito o si ganyan…  Jake meron kang gustong itanong kay ganito-ganyan…  Jhake halika rito, umupo ka rito...  Jhake batiiin mo si chorva, etc. etc.’
                Ganun palagi ang maririnig kay Kuya Germs sa kanilang show kaya nagmumukha tuloy tanga ang pobreng bata.  Ang pobreng bata raw, o!
Ito naman kasing si Jhake parang hindi pa rin natuto kaya tuloy si Kuya Germs pa ang nagtuturo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin kapag tsikahan portion na.
Madalas pang laging parang lumilipad ang isip ng young actor kaya kapag tinanong na ni Kuya Germs ay bigla na lang itong natutulala o di kaya ay nabibigla, sus!

* * *
 Jodi parang aso kung tratuhin ni Richard

SPEAKING of the dog and the master, naalala ko tuloy sina Sir Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Santamaria) sa kanilang promo ad.
                Parang hindi naman yaya ng mga anak ni Sir Chief si Maya kung tratuhin niya ito kundi parang alaga niyang aso.
                Dun kasi sa kanilang promo ad, after magsalita ni Maya ay natuwa sa kanya si Sir Chief sabay sabing, “Very good, Maya,” na para bang pagkatapos magawa nang bonggang-bongga ng kanyang alagang aso ang trick na kanyang ipinagawa ay pinuri ito sabay bigay ng reward na buto.
Very good, Maya.  Ha-ha-ha!
                 
                 
               

               
               
               
               
                               

Sabado, Enero 19, 2013

'Showtime" aksaya lang ng oras


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO

LATELY ay hindi ko na napapanood sa timeslot nitong 11am (Mon-Fri) ang soap na pinagbibidahan nina Bea Binene at Jhake Vargas, ang “Cielo de Angelina.”
            Bale ito kasi ang ipinantapat ng GMA-7 sa toprater na late morning soap ng ABS-CBN, ang “Be Careful With My Heart” nina Jodi Santamaria and Richard Yap na dati’y nagsisimula ng 10:45 am pero nu’ng pumasok ang “MasterChef: Pinoy Edition” ni Judy Ann Santos ay naurong ng 11:30 am.
          Pero kahit naurong ang oras ng “Be Careful…” ay lalo naman itong namayagpag sa ratings.  Sa katunayan ay ito pa ngayon ang madalas mag-number one sa among the daytime programs.
            Unfortunately, ang “Cielo de Angelina” ng Siyete ay patuloy naman ang pagsadsad sa ratings, milya-milya ang layo sa “Be Careful…” ng Dos.
            Sa totoo lang, hindi naman ang mga bida ng “Cielo…”  ang problema kung bakit hindi ito nag-click sa televiewers.
            Sa title pa lang ng nasabing teleserye ay mukhang hindi na ito papatok sa morning viewers, para kasing wala pa sila sa mood na mag-isip kung anong hiwaga o whatever ang nakapaloob sa kuwento ng “Cielo de Angelina.”
            Parang ayaw pa ng madlang pipol na simulan ang kanilang umaga ng kung anu-anong kadramahan sa buhay.
            Sa true lang, mas bagay ang mga ganitong klase ng teleserye sa hapon o sa gabi.     

 Ang gusto ng madlang pipol na mapanood sa umaga ay yung light lang ang kuwento, hindi masyadong kumplikado.  Yung tipong mangingiti sila, kikiligin, mai-inspire at maiiyak nang konti  pero pagkatapos ay kikiligin ulit at mangingiti just like sa “Be Careful…”
            In short, kasalanan ng mga “think tank” ng Kapuso Network  kung bakit hindi sila nagtagumpay na makuha ang kiliti ng morning viewers.
            Ngayon, I’m still wondering kung tuluyan na bang tsinugi ng GMA 7 ang “Cielo…” dahil kelan lang ay nasilip ko pa ang ilang eksena ng isang episode nito. 
Hindi ko lang alam kung patapos na pala iyong nakita ko.
Pero usually naman kapag may magtatapos na teleserye ang GMA 7, malayo pa ay in-announce na nila -- at least three weeks bago ito tuluyang magbabu sa ere, di ba?
Even the cast nagge-guest sa mga live shows para lang imbitahan ang televiewers na panoorin ang mga huling linggo ng kanilang show.
But not in the case of “Cielo…”  para itong bula na bigla na lang nawala, whew!

* * *
SA PAGSISIMULA ng noontime show ng TV 5 na “WowoWillie” ni Willie Revillame sa January 26 ay tiyak na dalawang shows ng ABS-CBN ang maapektuhan.  Ito ang “Be Careful With My Heart” at “Showtime.”
            Sa ngayon kasi ay wala pang matinding kalaban ang “Be Careful” sa kanyang timeslot dahil ang katapat lang naman nito ay ang “Kusina Master” ni Chef Boy Logro ng GMA 7.
Let’s face it, hindi naman talaga malaki ang audience ng mga cooking shows.  Idadgdag mo pa riyan ang katotohanang marami na rin ngayon ang nagsulputang cooking shows kaya we can afford to miss this one.
So yun, namayagpag tuloy nang husto ang “Be Careful…” Pero dahil magsisimula ang “WowoWillie” ng 11:30 am, ay tiyak na magiging mahigpit na kalaban ng una ang huli.
Pero ang latest, e, may bagong isiningit na game show ang Dos sa umaga bago mag-"Be Careful..." at ito ay ang "Minute To Win It" ni Luis Manzano, na nagsisimula naman alas onse ng umaga hanggang 11;45.
Kaya ang "Be Careful..." nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard yap) ay magsisimul;a na ng 11:45 hanggang 12:30, sapaw sa oras ng "Eat... Bulaga."
Wow, talagang pilit pinapatay ng Dos ang "Eat..." ng Siyete considering the fact na madalas mag-number one, kundi man laging nagna-number one among the daytime programs ang "Be Careful..."
Kaya lang kung hindi rin makakaisip ang ABS-CBN ng magandang pamalit sa “Be Careful..”  once magbabu na ito sa ere ay tiyak na sasadsad na naman sa rating ang timeslot na iiwan nito.
Ang masaklap pa nito, konti na nga ang nanonood ng “Showtime” dahil sa patuloy na pamamayagpag sa ere ng “Eat Bulaga”.  e, tiyak na mababawasan pa ito ng viewers once mag-umpisa na ang WowoWillie.” ng TV5 pm.

May epekto pa rin naman sa rating ng “Eat Bulaga” ang pagpasok ng “WowoWillie” pero hindi naman siguro ganun kalaki ang magiging impact dahil mahihirapan na silang kunin ang loyal viewers nito.
I’m sure marami ang matutuwa sa paglipat ng show ni Willie sa tanghali dahil magkakaroon na ng mas magandang pagpipilian ang mga manonood between “WowoWillie and “Eat Bulaga.”
Ang “Showtime” kasi hindi lang basta nakakabaliw ang kanilang segment na “Baliw-Anne Cinema,” kundi nakakaaksaya pa ng oras ng mga nanonood sa kani-kanilang tahanan.
Yung dance contest naman ng pami-pamilya at comment kuno ng mga judges para nang kalamay na nakakaumay.
 Naku, kung wala nang maisip na magandang segment ang mga writers ng “Showtime” ay baka magsawa na sa inyo ang televiewers at tuluyan na kayong iwan, whew!


Martes, Enero 8, 2013

Angel never magkakaanak



Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO

Ayon sa hula...
Angel hindi mabubuntis at never magkakaanak
 Angelica magkakaroon ng 5 anak na iba-iba ang ama


HINDI raw magkakaanak at never mabubuntis si Angel Locsin, ayon sa controversial psychic kuno na si Robert Daz na siya ring humula last year na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino, na hindi naman nagkatotoo.
                Walang takot at sobrang mapangahas ang nabanggit na psychic kuno.   May-I-name names talaga siya kahit gaano pa ka-nega ang mga hula niya.
                Kahit pumalpak na ang hula niyang mabubuntis ni Coco si Kris noong 2012 ay hindi pa rin siya gumigib-ap sa hula niyang ito.  Makulit pa rin sa di lang makulit ang bru.
                Ang nakakatawa ay humingi pa ito ng extension.  Aniya, ang ibig niya raw sabihin ay mabubuntis  ni Coco si Kris within 24 months.
                So, it means wait pa tayo until matapos ang 2013 at magkakatotoo ang kanyang hula.
                Natawa na lang si Kris sa sobrang kakulitan ng nasabing psyhick kuno nang mag-guest ulit ito sa “Kris TV” kamakailan.  Ipinagpipilitan pa rin nitong mabubuntis siya ni Coco kahit malabo naman talagang mangyari.
                Dahil nga sa palpak naman ang hula ng naturang psychic kuno, e, hindi dapat kabahan si Angel Locsin sa hula nitong hindi siya magkakaanak at never siyang mabubuntis.
                Ang isa pang nakakalokang hula ng Robert Daz na ito ay magkakaroon daw ng limang anak si Angelica Panganiban na iba-iba ang ama.
                O, di ba nakakaloka?  Mukhang matagal pa ang magiging hintayan kung magkakatoo nga ang hula nito kay Angelica o hindi.
                Una, wait muna tayong mabuntis si Angelica sa kanyang first baby.   Mas maganda sana kung mangyayari ito asap.
Kung mangyari yun this year o next year, e, wait naman natin ang pangalawang lalaking makakabuntis sa bru kung meron man. 
So, kailan naman kaya yun?  2014? 2015? 2020?
                Papano kung 50 years old na si Angelica pero wala pa rin yung second baby niya sa ibang lalaki na sinasabi ng manghuhula?
                Baka kapag dumating yung time na yun, e, nakalimutan na natin ang hula ni Mr. Daz kay Angelica na magkakaroon ito ng limang anak sa iba’t ibang lalaki.
                Ewan din kung buhay pa tayo pagdating nung time na yun, ha-ha-ha!
* * *
KASISIMULA pa lang ng taon ay binulaga agad tayo ng mga hulang buntisan.   Imagine, may humulang mabubuntis daw si Judy Ann Santos sa taong ito?
                Wow, what a hula.  Medyo funny lang, he-he-he.  Natural lang namang mabuntis si Juday this year dahil may asawa naman yung tao and besides, tama lang namang sundan na nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo ang panganay nilang si Lucho, di ba?
                Pero ang mas nakakatawa sa hulang ito ay ang hulang mabubuntis si Sarah Geronimo this year.  Of all people ay si Sarah pa ang hinulaang mabubuntis, e, idol na idol niyan si Regine Velasquez na ilang tulog na lang ay menopause na bago nag-asawa at nagkaanak.
                I find it funny, kasi si Sarah hanggang ngayon ay wala pa ring matinong lovelife, e, ang mabuntis pa kaya?
                Kunsabagay, a hula is a hula.   Kaya nga tinawag na hula, e -- pwedeng magkatotoo, pwdeng hindi.
                Malay mo biglang kumerengkeng si Sarah, di yari kang bata ka, he-he-he!
                On second thought, hindi kaya ang Sarah na tinutukoy sa hula ay hindi si Sarah Geronimo kundi si Sarah Lahbati?
                Hindi ko kasi ma-gets ang pagiging matigas ng ulo ni Lahbati.  Bakit ura-uradang nagdesisyon ang bru na bumalik ng Switzerland at doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral gayung alam naman niyang meron pa siyang kontrata sa GMA-7 na dapat tapusin?
                Hindi kaya meron pang mas malalim na dahilan kaysa sa pag-aaral kuno?
                Take note, karamihan ng artistang babaeng biglang nagdesisyon na umalis ng bansa ang katwiran ay doon sa ibang bansa ipagpapatuloy ang pag-aaral pero pagkalipas ng ilang buwan o taon pagbalik dito sa Pinas ay may karay-karay nang baby.
                Ay,  ang kyuttttttt!
               
               
               

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.