Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Disyembre 16, 2012


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ms. Thess Gubi
 DAHIL sa imbitasyon ni Ms. Thess Gubi of Star Magic, sa pamamagitan ni Ate Emma Guevarra, para sa Christmas party ng Star Magic ay napaaga tuloy ang aking pagbabalik-showbiz na dapat sana ay next year pa.
                That’s why very thankful talaga ako kay Ms. Thess for inviting me sa said xmas party dahil nagkaroon din ako ng magandang rason para makitang muli ang aking mga colleagues from the business.
                Of course, kung hindi rin dahil sa pagbibigay sa inyong lingkod ng espasyo sa pahayagang ito ng ating beloved editor na si Ate Blessie Cirera ay wala po ako ngayon dito, kaya maraming-maraming salamat talaga, Ate Bless.
                Eniweys, habang nagbabakasyon ako sa Olongapo City ay updated pa rin naman ako sa mga kaganapan sa showbiz dahil sa panonood ng TV most especially sa mga shows ng ABS-CBN dahil mas malakas ang signal nila doon kaysa sa GMA 7 at TV 5.
                Kahit outdoor antenna lang ang gamit namin ay malinaw na malinaw naming napapanood ang mga palabas ng Kapamilya network.
Ito ay dahil na rin siguro meron silang local station doon.
                Hindi gaanong malinaw ang reception doon ng mga shows ng Ch. 7 kaya tuloy karamihan ng kabahayan sa Olongapo ay sa mga palabas ng Kapamilya network nakatutok.
                Pinaka-worst ang reception doon ay ang TV5, para ka na lang nanonood ng mga aninong gumagalaw, grabe!
* * *

Martin Del Rosario sa 'MMK'
A-AGREE ako kapag napasama sa listahan ng mga nominado for Best Actor In A Single Performance ng Star Awards for TV  next year si Martin del Rosario para sa kanyang mahusay na pagganap bilang anak na inabandona na nga ng kanyang ina, e, labis pang inapi ng kanyang lola.
                Equally deserving na magkaroon ng acting nomination next year sa Star Awards for TV si Ms. Tessie Tomas na gumanap bilang mapang-aping lola ni Martin.
                Mamumuhi ka talaga kay Ms. Tomas sa mga pinagagagawa niya kay Martin.
                Siguro nga kaya nagningning sa acting si Martin ay dahil na rin sa pagiging effective ni Ms. Tomas sa kanyang role.
                Even that particular episode of “MMK” na pinamagatang “Papag” ay worthy of nomination as Best Drama Anthology (episode) dahil sa ganda ng tema ng istorya which is all about repentance, hatred and forgiveness.
                It’s a real tearjerker I tell you – well-acted and well-done.

* * *

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
GOING back to Star Magic, marami sa kanilang mga artists ay may pelikulang kalahok sa 38th Metro
Manla Film Festival gaya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
                Masuwerte ang dalawa dahil kasama lang naman sila sa pinakamalaking pelikula ng Star Cinema sa taong ito kung saan pinagsama-sama ang tatlong reyna ng takilya:  Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda, ang “Sisterakas.”
                Bale ang pelikula ring ito ang magiging basehan ng mga bossing ng Kapamilya network kung gaano na kalawak ang following ng kanilang loveteam.
                But let’s face it, dahil sa siguradong marami ang manonood ng “Sisterakas” ay tiyak na makakatulong ito para madagdagan pa ang mga tagahanga nina Kathryn at Daniel.
                Posibleng mag-number one sa takilya ang pelikulang ito nina Kris, Ai-Ai at Vice.  Posible lang naman dahil sa ngayon ay llamado pa rin ang pelikula nina Vic Sotto, Bong Revilla at Judy Anne Santos.
                Title pa lang kasi ng movie nila ay bentang-benta na.  
May pruweba na sa takilya ang mga characters nina Vic at Bong na sina Enteng at Agimat respectively na ilang beses nang napatunayan ang pagiging top grosser sa Metro Manila Film Festival kumpara sa characters nina Ai-Ai, Kris at Vice, na bagamat mga box-office giants, ay ngayon pa lang masusubukan kung magugustuhan din ng madlang manonood.
But who knows, di ba?  Malay natin kung ang pagsasama-sama pala sa pelikula nina Vice, Kris at Ai-Ai ang magpapataob kina Bossing Vic at Sen. Bong.
Malay din natin na ang pagkakasama sa pelikulang “Sisterakas” ng tambalang Kathryn-Daniel ay maging isa sa mga dahilan para mag-top grosser ito sa darating ng MMFF, di ba?
Eniweys, dalawa pang Star Magic babies ang kasama sa nasabing pelikula, ang bibung-bibong child star na si Xyriel Manabat at Thou Reyes.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.