Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
SIGURO
kung yung humula na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino this year ay si
Daniel Matsunaga ang hinulaang makakabuntis kay Kris, kahit malabo na sa
ngayong mangyaari, eh, meron pa ring konting kredibilidad na matitira sa kanya
dahil kahit papaano ay malapit naman sa katotohanan ang kanyang hula.
Imagine, ilang araw na lang ay
bagong taon na pero wala pa ring nabubuong romansa sa pagitan nina Kris at
Coco. Close friends lang daw ang dalawa
at hanggang doon na lang daw yun, say ni Coco noon.
Sa
umpisa pa lang ay hindi nga sila nagpakita ng senyales na type nilang maka-date
ang isa’t isa, e, ang magkabuntisan pa kaya?
Sa true lang, si Kris kahit hindi
niya aminin o kahit todo iwas pa siya kapag tinutukso siya nina Vice Ganda at
Ai Ai delas Alas kay Daniel, ay ipinagkakanulo naman siya ng kakaibang kislap
ng kanyang mga mata sa tuwing nababanggit ang pangalan ng guwapong Brapanese
(half Brazillian-half Japanese) na model-turned actor na kasama rin sa pelikula
nilang “Sisterakas.”
Tila iba ang sinasabi ng kanyang
bibig sa binubulong ng kanyang dibdib, huh!
Super nakakaaliw ang guesting nina
Kris at Ai-Ai sa “Gandang Gabi Vice” last Sunday. Sumentro kasi ang usapan about
relationship, partikular na ang pagkaka-link nina Kris at Daniel sa isa’t isa.
Botong-boto
kasi sina Vice at Ai-Ai kay Daniel para kay Kris dahil bukod sa extremely
goodlooking na, e, mukhang mabait pa raw.
Sa gitna ng tuksuhan ay binuking
nina Vice at Ai-Ai na magge-guest ulit si Daniel sa”Kris TV.” Sabi naman ni Kris, hindi lang basta guest si
Daniel sa kanyang show kundi regular co-host niya na raw ito kapalit ni Jason
Francisco na ka-tandem ni Melai Cantiveros.
Yes, si Melai na kiyeme-kiyemeng nirereto ni Kris kay Daniel pero ang totoo,
pambubuking nila Vice, ay si Kris daw talaga ang may gusto.
Natawa pa nga si Kris na dahil kay
Daniel ay nawalan ng trabaho si Jason.
At dahil natuwa si Kris kay Daniel
ay in-announce niya agad-agad sa show ni Vice na magkakaroon din ito ng role si
sa bagong teleserye nila nina Robin Padilla at Anne Curtis.
Well...
* * *
SINAGOT ni
PAO Chief and 26th Star Awards for TV 2012 Best Public Service Program Host, na si Atty. Persida Acosta, ang tanong ng isang
colleague kung pabor ba siya sa pagkakapasa ng RH Bill sa Kongreso at sa
Senado.
Oo naman, aniya. Kailangan lang daw maipaliwanag nang mabuti
sa madlang pipol kung ano talaga ang advantage ng Reproductive Health Bill, o
mas kilala sa tawag na RH Bill, kapag
ito ay naisabatas na.
Sa RH Bill ay malaya naman daw
makakapamili ang mga mag-asawa kung anong paraan ng family planning ang gusto
nilang gamitin at isa na nga raw riyan ang natural birth control na pinapaboran
ng Simbahang Katoliko.
At katulad ng Simbahang Katoliko ay
tinututulan din ng RH Bill ang abortion.
Sa true lang ay hindi lang naman
tungkol sa Reproductive Health ang nabanggit na bill. Tungkol din ito sa Responsible Parenthood, Maternal
& Child Care, Sex Education and Population and Development.
Gusto ko sanang itanong kay PAO
Chief kung bakit kailangan pang gawing batas ang naturang bill gayung malaya
naman palang makakapamili ang mga mag-asawa ng paraan ng pagkokontrol ng
pamilya, pero nasagot niya agad ito bago pa ako nakapagtanong.
Aniya, mahalagang maging isang ganap na batas ang RH
Bill para hindi na mahirapan ang gobyerno pagdating sa funding (ng family
planning devices katulad ng condoms,
birth control pills at IUD’s) pati na ang pagde-dessiminate ng information ng
gamit ng mga ito sa lahat ng health care centers.
After magpaliwanag ni PAO Chief
Persida Acosta tungkol sa RH Bill ay inalayan naman siya ng mga miyembro ng
PMPC ng ilang awiting Pamasko kung saan pati siya ay nakikanta na rin.
Bago natapos ang naturang Christmas Party
ay pinasalamatan ni Manay Ethel Ramos (tinaguriang Dean ng entertainment press)
si PAO Chief sa pagiging supportive at magiliw nito sa nasabing samahan ng
entertainment press.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento