Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Disyembre 20, 2012

Bong & Lani


Mula sa pahayagang Police Files

WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO

Bong
HINDI masyadong nagpabongga sina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado sa pa-Christmas party nila para sa entertainment press na ginanap sa Annabelle's-Morato last Tuesday, December 18.

                Kung noon ay hindi matiis ni Sen. Bong na hindi manalo sa raffle ang lahat, na sa tuwing matatapos ang pa-raffle ay gumagawa siya, at ang mga kapamilya niya, ng paraan kapag meron pang hindi nananalo, this time ay humingi siya ng pang-unawa sa press na wala na silang maidadagdag pang datung, hanggang doon na lang talaga ang kaya nila.

                Naiintindihan naman namin yun ng mga colleagues ko in the business., na kailangan nilang magtipid para makapag-abot din sila ng tulong, sa pamamagitan ng kanyang KAP (Kaagapay sa Araw ng Pangangailangan) sa mga kaawa-awa nating kababayan sa Mindanao, lalung-lalo na sa mga maraming bayan sa Davao Oriental at Compostela Valley na naging biktima ng nagdaang super bagyo na si Pablo.

                Tama lang yun na unahin ni Sen. Bong ang mga tunay na nangangailangan kaysa sa nakararaming kasamahan namin sa movie-writing business na bukod sa mga nakaririwasa sa buhay ay napakarami pang biyayang natatanggap kapag sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan.

                Saludo ako sa ‘yo Kap at sa iyong Kapusong si Congw. Lani, mga kapamilya at mga kapatid.  You’re truly amazing!  


***


Congw. Lani
 TULAD ng kanilang nakagawian taun-taon,  Sen. Bong Revilla, Jr. and Bacoor Representative Lani Mercado will spend Christmas the same, old, meaningful way. 

                Ito ay sa pamamagitan ng pagbo-bonding nilang mag-anak, pasasalamat at pagsi-share ng blessings sa kanilang mga constituents at sa mga nangangailangan.

                Sa bahay lang daw sila nagno-noche buena tapos sa araw mismo ng Pasko ay nagtse-check in silang mag-anak sa isang hotel sa metropolis, kasama ang kanilang mga anak at mga apo (Gab, Alexa at Inigo).

                Nakasanayan na raw kasi nilang sa labas sila nagdaraos ng kanilang Christmas, nagsisimba at sabay-sabay na nagdarasal ng pasasalamat sa walang sawang biyayang binibigay sa kanila ng Maykapal.   

                Pagkatapos nun ay sila naman daw ang dumadalaw sa kanilang mga kamag-anak, kuwento pa ni Congw. Lani.

                “We see to it na magkakasama kami tuwing Christmas Day, kasama si Daddy (former Sen. And Public Estate Authority Chairman Ramon Revilla, Sr.), naggi-gift giving kami sa aming mahal na mamamayan ng Bacoor.

                “Madalas pagkatapos nito nasa sinehan naman tayo para kumustahin ang lagay natin sa MMFF (Metro Manila Film Festival),” dagdag pa ni Sen. Bong.


* * *

Rafael-Marian-Glaiza-Dennis

SA KAINITAN ng Christmas party ay ipinasilip ni Sen.  Bong ang ilang magagandang eksena sa kanyang first ever TV series sa GMA 7 na pinamagatang “Indio.”

                Sa ganda ng naturang series ay aakalain mong isa ito sa 8 official entries sa darating na “38th Metro Manila Film Festival,” pero ang totoo ay ginawa ang seryeng ito para sa TV.

                Wow, palakpakan naman natin ang Kapuso network sa paghahain sa ating madlang manonood ng isang maganda at makabuluhang panoorin sa pagpasok ng 2013.

                Enough of the very lousy Tagalog version of “Coffee Prince” na pinagbidahan ng maagang tumamlay na tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, at “Temptation of Wife,” na tinampukan ng walang kabuhay-buhay na pagsasama-sama nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Rafael Rossell.

                Tama na rin muna ang kanilang mga Barbel-Barbelan at Darna-Darnahan na hindi na masyadong kinakagat ng televiewers.

                Nakakahalata na kasi ang madlang pipol na tila tinatamad nang mag-isip, o kundi man ay tila nasagad na ang creative juices ng mga writers ng Kapuso network kaya paulit-ulit na lang ang kuwentong inihahain nila sa publiko.

                Esep-esep mga parekoy.  Tularan ninyo ang ‘think-tank’ ng Kapatid network.  They always come up with fresh ideas na dahil sa maganda at naiiba ay di maiwasang gayahin ng iba, whew!



                  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.