Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Disyembre 27, 2012

38th MMFF Awards Night Winners:

Mula sa pahayang Police Files
Watching Machine
By Gas Gayondato III




Nora Waging-Wagi sa MMFF 2012 Awards Night
Dingdong, Cesar, Wilma panalo!






MATAGUMPAY na idinaos ang "38th Metro Manila Film Festival Awards Night" last Jan. 27 sa Meralco Theater.
          Hindi umubra ang pagta-try ni Angel Locsin na masungkit ang "Best Actress" award para sa pelikulang "One More Try" dahil kay Ms. Nora Aunor ito napunta para naman sa pelikulang "Thy Womb."  
          Dingdong Dantes made it for two consecutive years as the festival's Best Actor, this time for the movie "One More Try."
          Si Cesar Montano naman ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa "El Presidente." 
          Surprise of all surprises ang pagkakahirang kay Wilma Doesnt bilang Best Supporting Actress for the movie "Sisterakas" ng Star Cinema.


Marami ang nagtataka kung bakit itinanghal na Best Picture ang “One More Try” gayung wala naman itong masyadong napanalunang award.  Ang pinakamabigat na award na nakuha nito ay Best Actor lang samantalang ang “Thy Womb” ni Nora, na bukod sa napanalunan ang Best Actress, Best Director, Gatpuno Villegas Cultural Award at Most Gender Sensitive Award ay wagi pa rin ng Best Production Design, Best Cinematographer, at Best Original Story pero hindi man lang nanalo kahit 3rd Best Picture Award.

            Nakakaloka nga kasi ang “Sisterakas” pa ng Star Cinema ang nag-3rd Best Picture samantalang Best Supporting Actress lang ang napanalunan nito.

            I understand na sa MMFF ay may malaking bearing sa pagpili ng Best Picture ang performance sa box-office ng isang pelikula pero hindi ba naisip ng mga kinauukulan na unfair ang ganitong paraan ng pagpili ng Best Picture sa mga pelikulang pinaghirapan at pinag-isipang mabuti ang paggawa para lang mabigyan ang madlang manonood ng isang makabuluhang panoorin?
            Huwag naman sanang ganun.  Kaya nga tayo merong tinatawag na MMFF top grosser, e, para sa pelikulang kumita sa takilya nang bonggang-bongga. 
            So, yung Best Picture ay ibigay naman sana natin sa deserving na manalong Best Picture.  Huwag nating lasunin ang isipan ng publiko sa tunay na kahulugan ng Best Picture.
            Tama ba ako mga bru, whew!?
 
           Eniweys, para sa mga hindi nakapanood ng nasabing awards night ay narito po ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi:

Best Picture: “One More Try” (Star Cinema)

2nd Best Picture: "El Presidente" (Scenema Concept International, 
           Viva Films and CMB Films

3rd Best Picture: "Sisterakas" (Star Cinema)
Gatpuno Villegas Cultural Award "Thy Womb"  
Most Gender Sensitive Award (Mainstream):  "Thy Womb" 
FPJ Memorial Award of Excellence:  "One More Try"
Best Director: Brillante Mendoza for “Thy Womb” (Center Stage

         Productions and the Film Development Council of the 
         Philippines)








Best Actress:  Nora Aunor for “Thy womb”

Best Actor:  Dingdong Dantes for “One More Try”

Best Supporting Actor:  Cesar Montano for “El Presidente”

Best Supporting Actress:  Wilma Doesnt for “Sisterakas”

Best Child Performer:  Miguel Vergara for “One More Try"
Best Visual Effects: "Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion" (Regal
          Films)
Best Production Design: "Thy Womb" 
Best Editing:  Vito Cahilig for “One More Try”
Best Cinematographer:  Odyssey Flores for "Thy Womb"
Best Original Story: Henry Burgos for "Thy Womb"  
Best Screenplay:  "One More Try"

Best Sound:  “El Presidente”
Best Musical Score:  “El Presidente”

Best Theme Song:  “El Presidente”


Best Make Up:  “El Presidente”

Youth Choice Award:  “El Presidente”

Best Festival Float: “El Presidente”


New Wave Best Picture: "The Grave Bandits"
Full length New Wave Best Actress:  Liza Dinno for "In Nomine 
          Matris"  
Full Length New Wave Best Actor: Allan Paule for "Dayak"  
New Wave Special Jury Prize: "Ad Ignoratiam"  
New Wave Best Director:  Tyrone Acierto for "The Grave Bandits"


SPECIAL AWARDS:
Male Star of the Night:  Former Pres. Joseph Estrada
Female Star of the Night:  Nora Aunor
SMDC Five Star Male Celebrity of the Night: Zanjoe Marudo
SMDC Five Star Female Celebrity of the Night: Bianca King

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.