WHAT’S THE POINT?
Ni Pilar Mateo
HINDI nga gaanong nausisa kay Derek Ramsay ang kanyang girlfriend na si Angelica
Panganiban noong interbyuhin siya ng ilang press sa mga bago niyang
proyektong gagawin sa TV5.
Kami pa nga ang
nagbanggit sa kanya na that night, may press conference naman ito para sa
“Every Breath U Take” nila ni Piolo Pascual para sa Star Cinema. ‘Di naman namin nahalatang ‘di pa ‘ata
nagkakausap ang dalawa that day.
Abala rin naman
kasi si Derek sa ilang interviews niya on cam that day-‘yung isa para sa
interview sa kanya ni Lourd de Veyra for “Wasak.” Na hinintay pa naming
matapos kaya nasaksihan namin ang tilian ng mga girls na naghintay din kay
Derek para magpa-picture dahil nagpakita ito ng abs niya du’n sa nasabing
interview.
Kung bakit naman,
inisip ko lang na biro lang ‘yung sinabi ni Derek na “Ikumusta mo ako kay
Angel!” nung paalis na kami du’n sa Annabel’s.
Na siya namang sinabi ko kay Angel after
ng presscon nila ni Piolo. Na kumusta raw
sabi ni Derek nung palabas na ito ng Dolcelatte.
Smile lang ang Angelica. Sabi ko sa kanya nakita ko that afternoon ang
Papa niya.
Hindi ko na-gets
agad, ha? May something na palang
nagaganap.
Dahil may lumabas na item na linking na
Angelica to John Lloyd Cruz na nagsama sa Vietnam para magtrabaho. Nilagyan ng kulay ang komento ni John Lloyd na
they found so many things in common ng dalaga.
Nang mag-taping ang
dalawa sa Vietnam, that was the time naman pala na nasa Australia si Derek para
um-attend sa birthday ng isang kaibigan kung saan din niya nakalaro ng golf si Zac
Ephron.
Kaya nang tanggapin
na ni Derek ang kanyang Box-Office King title sa Guillermo Mendoza Memorial
Foundation Awards at ‘yun na ang tanungin sa kanya ng press, nakiusap na lang
ang aktor na kung pwede eh, bigyan naman siya ng moment na ma-enjoy ang kanyang
panalo.
Sa isang banda,
naamin nito na meron nga silang pinagdadaanan ng kanyang nobya. Pero, hindi naman daw siya maniniwalang ito
ang klase ng babaeng maglalaro.
Kung saka-sakali naman daw na dumating
ang pagkakataon at ang inaasahan ng marami ang mangyari, na magkalayo sila eh,
hindi naman daw niya bibitawan ang pagiging magkaibigan nila nito.
Nasa cool-off stage
nga ang kanilang inalagaan at iningatang anim na taong relasyon.
Let’s just wish na
maging maayos ang pagsali ni Derek sa Frisbee competition niya in Boracay. Dahil pagdating pa lang daw niya roon eh,
hindi na tumigil ang mga text messages sa kanya at ang sinasabing break up nga
nila ang inaalam.
Kasi nga, sa
presscon naman nina Angelica at Piolo, panay na kilikili ni Piolo ang namutawi
sa labi ng dalaga.
Nakakapanghinayang
naman! Na isa na naming couple ang
naghiwalay. At magiging dalawa pa kung
affected nga uli sina Lloydie at Shaina Magdayao.
Kung nag-a-agree sina Derek at Angelica
na sa ibang pagkakataon na mag-usap-makakatulong din sa isang banda sa mga
kanya-kanya nilang hinaharap na trabaho sa ngayon.
Hindi naman siguro
itatapon ang six years sa walang kuwentang dahilan, na sinabi nga ni Derek na
hindi third party!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento