Mga Kabuuang Pageview

Martes, Disyembre 1, 2015

Pemberton: Bakit Guilty of Homicide, di Murder?





 


GUILTY of Homicide beyond reasonable doubt ang naging hatol ni Judge Roline Gines-Jabalde sa akusadong si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng US Marines sa salang pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude noong October 11, 2014.


Ang pagbasa ng sakdal kay Pemberton ay ginanap sa Olongapo City RTC Branch 74 noong ika-1 ng Disyembre, 2015.


Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ng ina ni Jennifer Laude na si Nanay Julita Cabilan, magkapatid na Michelle at Malou Laude sa naging hatol kay Pemberton. 


Masaya si Nanay Julita dahil kahit papano ay nabigyan din ng katarungan ang pagkamatay ng anak.  Malungkot dahil ibinaba sa Homicide ang kasong Murder na isinampa nila laban kay Pemberton. 

Na-appreciate naman ni Nanay Julita ang ginawang paghihimay ng korte sa nasabing kaso para mas maunawaan nila at ng publiko ang lahat ng detalyeng nakapaloob dito.



Ganun din ang sentimyento ng legal counsel ng mga Laude na si Atty. Harry Roque.  Aniya, mas maganda sana kung Murder ang naging hatol kay Pemberton.



Ibinaba sa Homicide ang hatol kay Pemberton dahil nabigo diumano ang prosekusyon na patunayan ang isa man lang sa tatlong elemento ng Murder:  Treachery, Use of Superior Strength at Cruelty.


Hindi raw premeditated o hindi pinagplanuhan ni Pemberton ang pagpatay kay Laude kaya wala raw treachery na naganap.


Bagamat physically ay matipuno si Pemberton, bata pa sa edad na 19, idagdag mo pa ang katotohanang isa siyang skilled boxer, hindi naman daw napatunayan ng prosekusyon na si Laude ay mas mahina kay Pemberton sa kabila ng pagtrato nito sa sarili bilang isang babae.  Therefore, hindi raw masasabing sinamantala ni Pemberton ang kahinaan ni Laude.  So, the use of superior strength is not clear.

Hindi rin daw matatawag na cruelty ang ginawa ni Pemberton kay Laude.  Kumbaga, hindi pa maikukunsidera na cruelty ang pag-armlock, pagkaladkad at paglublob ni Pemberton kay Laude sa loob ng inidoro.


Pero hindi naman tinanggap ng korte ang bagong depensa ni Pemberton na may third party involved sa pagkamatay ng biktima.  

Sabi ng kanyang mga abugado ay may nadiskubre ang United States Naval Criminal Investigative Service na ibang traces ng DNA (deoxyribonucleic acid) sa palibot ng leeg ni Laude na posibleng pag-aari ng ibang tao.



Ang siste, wala naman silang naiprisintang sufficient evidence na pag-aari nga ng ibang tao ang nabanggit na DNA dahil wala namang makapagsabi kung sino pa ang nakapasok sa loob ng kuwarto pagkatapos lumabas ni Pemberton.



Mas binigyang timbang ng korte ang testimonya ng bellboy ng Celzone Lodge na si Elias Gallamos, na wala siyang nakitang ibang taong pumasok sa room no. 1 (na ginamit nina Pemberton at Laude) nung lumabas ng kwarto ang akusado. 



Kaharap lang daw ng kanilang counter ang nasabing kuwarto kaya namo-monitor niya kung sinu-sino ang pumapasok at lumalabas dito dahil hindi rin daw siya umaalis sa kanyang puwesto.



Tungkol naman sa larawang may hawak-hawak na piece of jewelry si Laude na kapwa hindi nila pag-aaari ni Pemberton, at pinalalabas ng lawyers ng huli na pag-aari ng third party involved, ay kinuwestiyon ng korte kung paanong nagawa pa itong agawin ni Laude gayung si Pemberton na mismo ang nagsabing unconscious ito nang kanyang iwan.  Hindi naman daw puwedeng na-regain agad-agad ni Laude ang kanyang consciousness all by himself.



Here are some points to consider:

Ang ginawang pagtakas ni Pemberton sa halip na tulungang i-revive ang walang malay na si Laude ay considered admission of guilt.


Ang akmang pagsampal ni Laude kay Pemberton sa ikalawang pagkakataon ay hindi maituturing na life-threatening, na kanyang ikinakatwiran kaya niya ito nagawag patayin.


Hindi rin katanggap-tanggap na self-defense ang ginawa ni Pemberton kay Laude nang maisip niyang pagtulung-tulungan siya nina Barbie (kaibigan ni Laude na kasama nilang pumasok sa Cellzone Lodge), Elias Gallamos at isa pang empleyado ng naturang lodge. Ayon sa korte ito ay imaginary lamang dahil silang dalawa lang ang nasa kwarto nung mga oras na yun.



Dalawang mitigating circumstances na binanggit ng kampo ni Pembertonang ang kinatigan ng korte. 
 

Una, fraud on the part of Laude dahil itinago nito kay Pemberton ang kanyang tunay na pagkatao.


Pangalawa, intoxication dahil si Pemberton ay nakainom na ng anim na bote ng beer nung napatay niya si Laude.  


Ni-rule out naman ng korte ang claim ng kampo ni Pemberton na Laude committed Acts of Lasciviousness dahil hindi naman siya nito pinilit o tinakot para makipag-sex.



Si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ay hinatulang mabilanggo mula 6 (minimum) hanggang 12 taon (maximum).


Pinagbabayad din siya ng 155,000 (burial expenses), 50,000  (moral damages), 30,000 (exemplary damages), at 4,320,000 (lost earnings), sa kabuuang 4,555,000.



Iniutos din ng korte na ikulong siya pansamantala sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa pero nagkaroon ng standoff nang di pumayag ang kanyang 12 US guards na i-turn over siya sa PNP.


Nag-file sila ng handwritten motion for clarification na dininig naman agad ng korte.


Inutusan ng korte ang Philippine Commission on Visiting Forces na magsumite sa loob ng limang araw mula ngayon ng Memorandum of Agreement na pinasok nila at ng written agreement between duly authorized representatives of the US and the Philippines on the confinement or detention of accused Pemberton after conviction.”



Sa ngayon ay nakabalik na si Pemberton sa Camp Aguinaldo.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.