Feeling ko tuloy ang swerte-swerte naman ng Miss Colombia kasi back-to-back win din sila tulad ng Philippines sa Miss Earth dahil pareho nating nakuha ang korona for Miss Earth 2014 and Miss Earth 2015.
Sa loob-loob ng mga kababayan natin, e, talaga yatang forever runner-up na lang tayo sa Miss U. Nakapanlulumo. Pero maya-maya ay bumalik sa stage ang host ng Miss U na si Steve Harvey na nagso-sorry sa audience at sa milyun-milyong televiewers around the globe na siya ay nagkamali dahil ang totoo raw nanalong Miss Universe 2015 ay si Miss Philippines.
Nagulat si Pia. Natulala naman si Miss Colombia. Halos hindi na siya makagalaw at makangiti sa sobrang pagkapahiya. Naguluhan ang audience. Nabuhayan naman ng loob ang mga Pinoy na personal na nanood sa Planet Hollywood sa Las Vegas kung saan ginanap ang prestihiyosong beuaty pageant.
Sa puntong yun ay panay naman ang sorry ng nagkamaling host. Aniya, yun daw talaga ang nakalagay sa card na binasa niya, si Miss Colombia ang 1st runner-up at si Miss Philippines ang Miss Universe 2015. Sabi pa niya, 'Please dont blame the ladies. I'll take full responsibility for my mistake,' or something to that effect.
Sa totoo lang, tuwing ipinapakita sa TV screen ang scores ng mga candidates for each round competition like sa swimsuit (Top 15), evening gown (Top 10) at question and answer portion (Top 5) ay palaging nangunguna ang Philippines sa Online votes at palagi namang pumapangalaawa sa kanya ang Miss Colombia. So, parang ang online votes ay sumasalamin sa boto ng limang judges dahil sa huli ay silang dalawa pa rin (Miss Philippines and Miss Colombia) ang naging mahigpit na magkalaban.
Miss Universe 2015: Miss Philippines - Pia Wurztbach
1st Runner-Up- Miss Colombia - Ariadna Gutierrez
2nd Runner-Up- Miss USA - Olivia Jordan
Best in National Costume: Miss Thailand
Aniporn Chalermburanawong
Top 15
1. Brazil
2. Australia
3. Indonesia
4. Dominican Republic
5. Philippines
6. France
7. USA
8. Curacao
9. Belgium
10. Japan
11. Venezuela
12. South Africa
13. Colombia
14. Mexico
15. Thiland
Top 10
1. USA
2. Colombia
3. Japan
4. Thailand
5. Australia
6. Dominican Republic
7. France
8. Curacao
9. Philippines
10.Venezuela
Top 5
1. France
2. Colombia
3. Philippines
4. Australia
5.USA
Final 3
1. USA
2. Colombia
3. Philippines
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento