Sabado, Oktubre 3, 2015

Watching Machine: Sharon na-offend sa FAMAS sa di pagkakasali sa mga pinarangalang Iconic Movie Queens of Philippine Cinema!



 
Sharon in Tonight with Boy Abunda
Tahasang inamin ni Megastar Sharon Cuneta kay Boy Abunda, sa Tonight With Boy Abunda, na na-offend siya sa di pagakakasali sa kanya ng FAMAS sa mga pinarangalang Iconic Movie Queens of     Philippine Cinema sa nakaraang 63rd Famas Awards Night na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World sa Pasay City.
 

When Abunda was just about to wrap up his interview with Sharon, sinamantala ni Mega (tawag kay Sharon) ang pagkakataon para pasalamatan si Ms. Nora Aunor sa speech nito sa nasabing okasyon. 


Binanggit kasi ni Nora na gusto niya ring makasama sa stage ang mga katulad ni Sharon Cuneta dahil karapat-dapat din itong tawaging Iconic Movie Queen of Philippine Cinema.


Dahil dito ay sobra-sobra ang pasasalamat ni Mega sa Superstar. Para raw manggaling sa isang tinitingalang artista ang mga salitang yun ay isang malaking karangalan para sa kanya, or something to that effect.


She may be blunt about it at hindi na nagpakiyeme-kiyeme pa pero yun ang totoo and I agree with her one hundred and one percent.


Actually, kontrobersyal ang naging desisyong ito ng FAMAS, na pumili lang ng isang tatawaging Iconic Movie Queen for each generation.


At dahil six generations ang saklaw ng tinatawag nilang Iconic Movie Queens, ay anim lang din ang pinarangalan nila namely: Ms. Gloria Romero, Ms. Susan Roces, Nora Aunor, Maricel Soriano at ang maraming kumukuwestiyong sina Dawn Zulueta at Sarah Geronimo.


With due respect to FAMAS, hindi ko ma-gets ang naging batayan nila sa pagpili ng tatawaging Iconic Movie Queen of Philippine Cinema.


Nora Aunor
Kailangan pa ba nilang pagbotohan kung sino kina Susan Roces at Amalia Fuentes, o Nora Aunor at Vilma Santos, o Maricel Soriano at Sharon Cuneta ang dapat maging representative ng kani-kanilang henerasyon for the so-called Iconic Movie Queen na kanilang inimbento? 
 
A movie queen is a movie queen period.  Magmula lang nang mauso ang mga computer, laptop, ipod, cellphones at kung anu-ano pang gadgets ay saka lang tayo naging aware sa mga icon-icon na yan.


Now, pray tell me. Ano ba ang kaibahan ng Iconic Movie Queen sa Movie Queen?  It’s one and the same, di ba?


OMG!  Ilang dekada na ang binilang hindi niyo pa rin alam ang sagot?  Bakit kailangan niyo pang mamili at pahirapan ang inyong mga sarili.  

The answer is right before their very noses.  Korek.  Nasa tungki lang nang kanilang mga ilong ang sagot.


It takes years and years of hard work and conscious effort upang mapanatili ng isang artista ang kanyang  kasikatan at kinalalagyan sa mundo ng showbiz.


Anu-ano ba ang mga katangian ng isang artista para matawag kang isang movie queen?   

Una, dapat consistent money-maker ang mga pelikula mo, as in mas marami kang box-office hits kaysa flop.  Dapat kumikita nang malaki ang mga pelikula mo mapa-solo-starrer man yan o nakadepende sa iyong  ka-loveteam as long as big, big hit ito.   

Photo by Vivian C. Recio
Hindi puwede yung one-hit wonder ka lang o kumita lang nang ilang beses ang pelikula mo, movie queen na agad-agad.


Dapat ang pamamayagpag mo bilang Reyna ay tatagal ng at least isang dekada.  Ganun naman talaga ang mga tunay na hari at reyna, maraming taon muna ang bibilangin bago mapalitan ng iba.


Dapat marami kang fans -- mga fans na todo suporta sa lahat ng endeavors mo; mga fans na tumitili kahit sa TV o sa big screen ka lang nila nakikita.


Dapat marami kang acting awards, o kahit isa lang basta marami kang acting nominations.  Mahalagang may ibubuga ka sa pag-arte para di naman nakakahiyang tawagin kang Reyna ng Pelikulang Pilipino.


And the last but not the least, dapat malaki ang respeto sa iyo ng mga taong nakakatrabaho mo sa industriyang ginagalawan mo.   

Ganun talaga kapag reyna ka, you deserve the accolade befitting a movie queen.


Ganun lang kasimple yun, hindi na kailangang pagbotohan.  We can’t quantify these qualities of a real movie queen, nakikita lang natin yan, naririnig at nararamdaman.  Mahirap bang i-memorize yun? 


Kaya tulad nina Ms. Gloria Romero, Ms. Susan Roces, Nora Aunor at Maricel Soriano, ay deserving na deserving ding tawaging Iconic Movie Queens sina Ms. Vilma Santos at Sharon Cuneta. 

Sarah Geronimo

Si Sarah Geronimo, although sikat na sikat ngayon at consistent money-maker, ay marami pang dapat patunayan bago tawaging Iconic Movie Queen of Philippine Cinema.   

Kailangan niya munang makagawa ng ilang pelikulang tatabo sa takilya, na siya mismo ang magdadala at hindi kung sino ang ka-loveteam niya.


Kailangan niya rin munang magkaroon ng acting award na magpapatunay na isa siyang aktres sa tunay na kahulugan nito.  Para tawagin kang movie queen dapat ay aktres ka rin at hindi basta aktres-aktresan lang.


Si Dawn Zulueta, bagamat mahusay na aktres, well-educated at matalinong babae I’m  very sorry to say, hindi ako agree na tawagin siyang Iconic Movie Queen of Philippine Cinema. 

Marami nga ang nagulat biglang-bigla sa FAMAS lang lumabas ang katotohanang yan na sila lang ang may alam.


Sa tinagal-tagal ko sa showbiz, magmula nang mag-artista si Dawn, kahit isang beses ay wala akong narinig o naulinigan man lang na may nagsabing si Dawn ay isa na palang movie queen.


Sa totoo lang, ang isa pang deserving na tawaging movie queen of her generation ay si Ms. Amalia Fuentes.  Dahil nung time na yun (1960’s) silang dalawa ni Ms. Susan Roces ang mahigpit na magkaribal sa trono ng pagiging Reya ng Pelikulang Pilipino.  

In fact, palagi pa ngang una sa billing ang pangalan niya kay Tita Susan hanggang sa gawin nila ang pelikulang Cover Girls kung saan ang billing nila ay ginawang paikot, para nga naman di mo alam kung sino ang una.


Sa case naman nina Vilma at Nora, nung gawin nila ang pelikulang Ikaw ay akin ay kinailangan pang gumawa ng dalawang magkahiwalay na layout kung saan sa isang layout si Nora ang una sa billing followed by Christopher De Leon’s, wala si Vilma.  Sa ikalawang layout ay una ang name ni Vilma na sinundan ng kay Christopher pero wala naman si Nora.


Ganun katindi ang kumpetisyon ng mga totoong reyna.  Hindi mo talaga masasabi sa pamamagitan lang ng pagboto dahil merong isang sasama ang loob.


Sa ginawa ngayon ng  FAMAS, hindi ko lang alam kung bakit mas pinili nilang maging kontrobersyal ang kanilang desisyon sa pagpili ng Iconic Movie Queens of Philippine Cinema kaysa ibigay na lang sa mga tunay na deserving, mapa-isa o mapa-dalawa man yan o kahit tatlo pa sila sa iisang henerasyon, as long as tunay na karapat-dapat ang mga ito na bigyan ng parangal at pagkilala.











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento