XKANDALO|
ROLDAN CASTRO
MAKAHALUGAN ang tweet ni Derek Ramsay kay Angelica Panganiban habang matunog ang tsismis na merong
pinagdadaanan ang relasyon nilang dalawa.
“Be strong @IamAngelicaP.
We all know who you are and that there
is no truth to what's being said. I'm
here for you if ever you need anything.”
Puro tanong at walang konkretong kasagutan sa
taping ng Cafe PMPC (magsisimulang mapapanood sa launching ng PMPC Website sa
May 5) habang pinag-uusapan.
Karamihan ay hindi makapaniwala kung hiwalay na
ba talaga ang dalawa dahil sa tagal na rin ng relasyon nila.
Pati pangalan ni John Lloyd Cruz ay nadadawit na sa isyu at iniintriga ang Vietnam
shooting nila ni Angel. Pero kung
ibabase ito sa tweet ni Derek parang hindi naman siya naniniwala sa tsismis.
Nag-text kami sa manager ni Derek na si Joji Dingcong pero wala pang kasagutan.
Nataon pa na may movie si Angel with Piolo Pascual.
Kailangan talagang pag-usapan ngayon si Angelica
dahil nga siya ang leading lady ni Piolo sa "Every
Breath U Take” na showing sa May 12.
Puwedeng gimik din ito para pag-usapan si
Angel at dahil nga wala na si Derek sa ABS.
Anyway, naniniwala kami na tatayo ang pelikula
nina Angelica at Papa P on it’s own merit. It’s a romantic comedy kaya mag-e-enjoy ang
mga manonood. Sa trailer pa lang ng
movie ay super kilig na ang chemistry na namamagitan sa dalawa.
Karugtong pa ng tsismis yung pati raw si Shaina Magdayao ay nagwala at tuluyan
ding nakipag-break kay John Lloyd.
True nga ba ito?
* * *
TULOY na tuloy na ang pagpunta
ng “Wil Time Big Time” ni Willie
Revillame sa Amerika.
Na-interview kahapon
sa US Embassy ang mga kasama at approve lahat. Kaya tuloy na tuloy na ang tour nila sa May 26
sa Los Angeles at June 2 sa San Francisco. Lahat ng staff at dancers daw niya ay kasama
at maiiwan ang mga pasaway.
Talbog
* * *
MARAMING sikretong nabunyag sa Wonder Gays. Dahil may malaking birthday concert si Lito de
Guzman, sa Zirkoh Morato sa Mayo 10, 2012, ayun, muling pinaharap sa press
people ni Madir Lito ang mga alaga niyang bading.
Natural, dahil sa maraming tanong ang mga
reporters, naging makatotohanan ang sagot nila sa mga tanong tungkol sa
kabaklaan nila.
Did you know, na kahit bading pala ang lahat ng
member ng Wonder Gays, yung iba sa kanila ay may experiences na sa mga babae.
Yung isang member, si White, may anak pa, at si Blue
naman ay umaming nakaapat na girlfriends na. Lahat daw ng mga babaing ito ay tinikman niya.
Kaya pala kumukulog at kumikidlat kahit summer, hehehe.
Pero sa bandang huli, sinabi naman ni Blue na
mas nasisiyahan pa rin siya sa mga lalaking nakatalik niya, kung ikukumpara sa
mga babaing nagdaan sa kanyang mga kamay.
By the way, isang reporter ang nakapansin na
talaga raw nag-evolve na ang mga bading ng Wonder gays. Naging maganda na raw silang magbihis at
nawala yung tsipipay image nila.
Oo nga pala, isang fundrasing show pala ang
birthday ni Madir kaya ang proceeds ng concert ay ibibigay nang buo sa My
Father’s Orpanhage, ang paboritong charity organization ni Madir.
Anyway, puno at star-studded ang show na ito
dahil tatampukan ito ng mga kaibigan ni Mother Lito, gaya nina Troy Montero, Patrick Garcia, Kris
Lawrence, Rowell Quizon, Valerie Concepcion, Stef Prescot , Denise Laurel
at Glaiza De Castro.
Bukod sa kanila, lahat ng mga alaga ni Madir ay
joined din gaya ni Blanktape, Raia
Quiroz, Paolo Rivero, Kiko Pacquiao at ang Baywalk Bodies.
Buong-puso ring nagpasasalamat si Lito de Guzman
sa kanyang mga sponsors na sina Mommy Tess
Palado, Annabelle Ledesma, Rolly Estrella Pawnshop, Rep. Guillermo Romarate, Jr. ng 2nd District
ng Surigao Del Norte, Dr. Raul Guanzon,
QC Councilors Raquel Malangen and Ranulfo Rannie Ludovica, Ms. Juvy Parungao, Ms, Jenny Pangilinan at Ms. Gelai
Hernandez.
For ticket reservation and inquiries, tumawag po
lamang LDG Talent Management Services sa tel. nos. 4411276/41367912. Hanapin lang po si Icon Cabalejo.