Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Hulyo 1, 2016

15th RICKY LEE FILM SCRIPTWRITING WORKSHOP 2016!


Mell T. Navarro•Friday, July 1, 2016





Ang nag-iisang si RICKY LEE. 
 

Siya ang tinaguriang “Filipino screenwriter with the most number of awards” mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa bansa, sa loob ng mahabang panahon.  At narito pa rin siya sa ating piling, patuloy na nagbibigay ng mga de kalibreng screenplays sa ating pelikula. 

Sa loob ng ilang dekada, wala na siyang dapat patunayan pa sa larangan ng paglikha ng dulang pampelikula; kaliwa’t kanang parangal, kasama na ang Lifetime Achievement Awards – pagkilala sa hindi mabilang na mga obra niya sa Pelikulang Pilipino.   


Isa ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa huling nagbigay-parangal sa kanya ng Lifetime Achievement Award noong 2014 sa PMPC Star Awards for Movies. 

Patuloy ang pamamayagpag ni Ricky Lee sa larangan kunsaan siya kinilala ng industriya.  In fact, as we post this today, July 1, 2016 ay may dalawa siyang pelikulang magkatunggali pa sa iisang film festival – ang Filipino New Cinema section ng ongoing na World Premiere Film Festival (WPFF) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).  


Ito ay ang “Ringgo, The Dog Shooter” ni Direk Rahyan Carlos (Janice de Belen, Sandino Martin) at “Iadya Mo Kami” ni Direk Mel Chionglo (Allen Dizon, Eddie Garcia, Diana Zubiri)
Nagsimula itong ipalabas noong June 30 at tatakbo sa SM Megamall at SM North Edsa hanggang July 10 (Google search the screening schedule). 

Looking back, taong 1982 nang magsimulang magbigay ng FREE (yes, free) Scriptwriting Film Workshop si Ricky at tuluy-tuloy ‘yon, hanggang sa huminto siya noong 2002, dahil sa naging busy siya as creative head or consultant ng ilang patok na ABS-CBN shows, Star Cinema, at iba pa.  


Hindi na mabilang ang mga “nagdaan” sa kanyang RICKY LEE FILM SCRIPTWRITING WORKSHOP through the years. Dito nag-workshop ang mga noo’y nagsisimula pa lamang na sina Jeffrey Jeturian, Lav Diaz, Jerry Sineneng, Adolfo Alix Jr., just to name a few na ngayon ay mga matatagumpay na sa industriya as film directors. 


Fourteen years later in 2016, narito na ang inaabangang “pagbabalik” ng premyado at multi-awarded screenwriter na si RICKY LEE – handa na muling ibahagi ang kanyang talino at husay sa larangan ng pagsusulat ng screenplay – ang 15th RICKY LEE FILM SCRIPTWRITING WORKSHOP! 


Sa Nobyemre pa ang talagang simula ng actual intensive workshop sa tahanan ni Ricky. Buong araw ‘yun ng Linggo, at tumatakbo usually ng 3-4 months, as in the past. 
Pero sa ngayon, para sa mga interesado, ay available na ang ONLINE REGISTRATION FORM ng Batch 15. Narito po ang link >>
BATCH 15 APPLICATION FORM: https://docs.google.com/forms/d/1ENtBKquQpiUQj68YgKwBKLZGa14F-qqW6mBU-JvU9h0/viewform 


Sa September, may selection process at screening na magaganap sa mga nag-register online. Isang araw ito kunsaan pipiliin ng selection committee ni Ricky ang mga qualified to join the FREE workshop.


Isang pagpupugay at pasasalamat sa nag-iisang Ricky Lee sa inspirasyon -- at sa pagbabalik ng makabuluhan niyang proyektong ito para sa mga nangangarap na sumunod sa kanyang mga yapak. Mabuhay!      





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.