Lunes, Mayo 2, 2016

Daniel puwede nang buntisin si Kathryn?!

Chizbitz
ni Ikabod Grin




KALORKEY naman itong si Daniel Padilla, may pagkagarapal kung magbiro. Walang ka-finesse-finesse.

Aba, sukat ba namang sabihin sa isang chikabelles with the entertainment press when he finally turned 21 na puwede na siyang makajontis. Siyempre pangit ang arrive nun sa madlang pipol lalo't marami ang naniniwala na may relasyon na sila ng ka-love team nitetch na si Kathryn Bernardo.

So in effect, para niya na ring sinabing puwede niya nang buntisin si Kathryn.


* * *

MISTULANG nagkaroon daw ng love team sa kampanya ng political party na UNA ni Vice-President Jejomar Binay. Marami raw kasi ang nakapuna sa pagiging maasikaso ni Mr. Rey Langit sa kapwa nitetch tumatakbo sa pagka-senador na si Ms. Alma Moreno.

Alagang-alaga raw ni Mr. Langit si Ms. Moreno lalo na pagdating sa lafang. Ayaw na ayaw raw ng dating brodkaster na nalilipasan ng gutom ang may asim pa ring aktreselya.

How sweet. Sa tingin niyo, bagay ba ang dalawa?


* * *

HOW true is the chism na super pampered kuno ng kaniyang richy-richy but a little bit oldie boyfriend ang sexy star na si Kim Domingo?

Marami ang nakakapansin na bonggacious ang lifestyle ng seksing bru gayung kabagu-bago lang nitetch na nag-aartista. 

Imagine, Ferrari lang naman ang karung ginagamit nitetch pag nagre-report sa taping ng "Bubble Gang." At take note mga manash, may condo unit na rin daw itetch sa Eastwood City.

Ang chikabelles, it's all because of her richy-richy 'papa' na isang politician. At itetch ay no other than Cong. Abelardo Albee Benitez ng Victorias City, Negros Occidental.

According to Nay Lolit Solis, mabait naman daw itong si Cong. Albee. Well, she should know coz naging boyfriend din daw kasi itetch ng jolaga nitetch na si Daisy Reyes at ng former Viva Hotbabe na si Andrea del Rosario, kung saan meron din daw itetch tig-isang junakis sa mga nabanggit na aktreselya.

Natatandaan pa ni Nay Lolit na friendship din daw ng dati nitetch jolagang si Gabby Concepcion ang nabanggit na kongresista. 

Ang tanong, aminin naman kaya ni Kim Domingo na si Cong. Albee ang madalas nitetch ipangalandakang boyfriend? Amin-amin din pag may time, ha.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento