Linggo, Nobyembre 29, 2015

Nanay ni Pastillas Girl binaril!


Angelica Yap & Mrs.Teresa Hernandez


NANAY ni Pastillas Girl, aka Angelica Jane Yap, binaril.  Ito ay ayon sa ulat ng DZXL.

Ang nanay ni Pastillas Girl na tinutukoy ng DZXL reporter (na hindi namin nakuha ang pangalan dahil habang nanonood kami sa live streaming ng isang TV network at nakati-katihan naming pumasok sa live streaming ng DZXL ay ang malungkot na balita na nga ang aming nabungaran) ay si Mrs. Teresa Hernandez na ilang beses na ring lumabas sa segment ng It's Showtime ng ABS-CBN, ang Nasaan Ka, Mr. Pastillas.

Si Mrs. Hernandez ay binaril diumano sa ulo malapit sa may likod ng tenga.  Agad naman daw isinugod sa Chinese General Hospital ang biktima.

Malubha ang tama ni Mrs. Heernandez pero buhay pa naman daw ito at gumagalaw, tantiya pa ng nabanggit na DZXL reporter.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa raw alam ang motibo sa pamamaril dahil kasalukuyan pang iniimbistigahan ang naturang insidente.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento