Martes, Nobyembre 24, 2015

MARIAN RIVERA NANGANAK NA!





NANGANAK na si Marian Rivera kaninang 5:25 AM (November 23, 2015, Monday) at tuwang-tuwa ang asawa nito at bagong daddy na si Dingdong Dantes dahil safe ang kanyang mag-ina.

Panganay nga kasi ito ng DongYan, kaya nagpapasalamat si Dingdong na maluwalhating iniluwal ni Marian ang kanilang baby na may pangalang Maria Letizia Gracia Dantes.

"Maria Letizia came out at 5:24am today”

Thank God they are both safe and okey," ang message mismo ni Dong sa manager ni Marian na si Rams David.... Very happy rin siyempre ang manager ni Dong na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment Inc., gayun din ang buong pamilya ng mag-asawang DongYan sa blessing na ito...

Congrats to the new parents, Dingdong and Marian and welcome to the world, Baby Maria Letizia!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento