Lunes, Oktubre 26, 2015

WATCHING MACHINE: Angel natatakot na di na makalakad!



'May araw po na hindi na ako makatayo, ni gapang, ni hatak sa sarili hindi ko magawa'


MARAMI ang nalungkot nang ibalita sa TV Patrol na hindi na gagawin ni Angel Locsin ang muling pagsasapelikula ng classic Mars Ravelo novel na Darna.


Nagpalabas na rin ang Star Cinema ng official statement tungkol dito.  Ayon pa sa opisyal na pahayag ng nasabing film outfit, Angel has developed a disc bulge and she needs to undergo treatment and rehabilitation.


Nagkaroon ng pagkakataon si Kuya Boy Abunda na makapanayam si Angel sa Tonight With Boy Abunda.  Upang lalong maunawaan natin kung ano ang pinagdadaaanan ngayon ng aktres ay narito ang ilang bahagi ng naturang panayam: 

Boy Abunda: Gel, diretsa ito, may nangyaring injury, talk about it.

Angel Locsin: Ako kasi Tito Boy pag may trabaho talaga binibigay ko yung best ko. Ganun ko kamahal yung craft ko, yung role inaalagaan ko. 

So, pag may ni-require na mga stunts, ginagawa ko talaga lahat.  As much as possible iniiwasan ko po talaga gumamit ng double kasi gusto kong ipakita sa tao na ako yung binabayaran dito.  Ako gagawa.  Ako gagawa ng mahihirap na bagay at enjoy po ako dun.


“Kaya siguro habang tumataga,l sa dami ng mga stunts na nagawa ko, sa dami ng harness and all siguro nagkaroon siya ng effect sa katawan ko.  So, nagkaroon ako ng problema sa spine.

“Ilang beses na kasi yan, Sa To Love Again ilang beses akong nalaglag sa kabayo… Nagkataon lang siguro na habang tumatagal nada-damage yung spine ko.  Meron akong problema ngayon sa spine ko.


BA: Okay, ang tawag ng iba riyan ay o disc bulge injury, gaano siya kasakit?


AL: Masakit po siya Tito Boy. Dati kasi parang okay, pag nag-recur'

siya sasakit lang, three days.  Medyo hindi ka lang makalakad pero kaya mo namang gumapang.  Pero may time po kasi na for ilang days hindi po kasi talaga ako nakalakad.  May araw po na hindi na ako makatayo, ni gapang, ni hatak sa sarili hindi ko magawa. 


“Kinabahan na ako Tito Boy kasi iba siya kesa dun sa mga dating nararamdaman ko.  Isang oras na akong nasa floor hindi ko maisigaw yung sarili ko kasi tina-try ko pong bumangon.  

Ayaw kong mataranta yung mga kasama ko sa bahay, ganyan so after an hour nahanap na nila ako.  Kahit yung pinakamalakas na dosage na pain reliever wala na.  Wala nang effect talaga sa akin.  So, kailangan na nila akong dalhin sa ospital so, nakaambulansiya kaming ganyan.  Yun.  Yun po yung nangyari sa akin.




BA: I did a research dito sa problema sa spine.  May mga nagsasabing duktor na pwede talaga kapag hindi ito na-treat nang maaga ay hindi ka malakad pero you would need therapy for six, eight or a couple of months, or less than a year nagte-therapy ka. Sa ngayon will you be undergoing an operation o kaya ba ito sa therapy pa?


AL: May mga pinag-usapan po kaming gagawin sa ibang bansa pero hindi ko pa po masabi sa ngayon yung detalye kasi kailangan pa rin sa aking i-explain ng duktor. Pero right now dito sa Pilipinas ang ginagawa ko po’y therapy pa rin.  Iwas po muna ako sa mga strenuous activities.



BA: Okay, balikan ko lamang, Gel yung isang umagang gumising 

 ka, hindi ka makakilos, hindi ka makabangon.  Take me to that moment.  Paano? Nagdasal ka ba?  What was going on in your mind?


AL: Natakot ako, Tito Boy kasi kinabukasan ko, buhay ko nakasalalay kung papano ko pupunta sa trabaho ko.  Kung papano ko ikilos ang sarili ko.  Ito yung time na hindi ako makagalaw. Kahit hatakin ko yung sarili ko hindi ako makagalaw.  Natakot ako Tito Boy. 
Kailangan ko ang legs ko.  Kinabahan talaga ako.  Natatakot ako kasi alam kong mas magpa-panic yung mga taong kasama ko sa bahay kapag nalaman nila. 

Hindi ko kaya na mag-panic sila for me.  So, hindi ako makasigaw.  Hindi ako makahingi ng saklolo nung mga panahon na yun. Ayaw kong mangyari ulit sa akin yun.


BA: Okay, Gel ilang mga katanungan una, may mga duktor na nagsasabing with the disc bulge maaaring mawalan ka ng kapasidad magkaroon ng anak in the future.  Sabi mo sa akin kanina hindi mo pinagsisihan ang lahat ng ginawa mo para sa iyong mga tagahanga dahil bahagi ito ng iyong responsibilidad bilang isang aktres. 

Ang tanong, sa nangyaring ito sa iyong buhay, ang ibig sabihin ba nito ay hindi mo na talaga gagawin ang Darna?  At siyempre ang reaksyon ng lahat ay nalulungkot.  At Gel, iiwan mo ba pansamantala ang showbiz?


AL: Okay yung buto ko Tito Boy walang problema.  Ang problema lang sa akin Tito kasi may trauma so, paulit-ulit na nada-damage so I have a crack, yung bulge sa disc ko and nandyan na siya forever.


Nagrerecur siya lagi hindi lang ako nagsasalita kasi siyempre gusto ko mind over matter, may pinaghahandaan ako, ayoko yung mauunahan ako ng  tao uy , may sakit ka ganyan kasi gusto kong magpagaling.  

Gusto ko siyang maayos.  So, ayaw kong mag-entertain ng kahit na anong iniisip man lang na, what if hindi ko magawa yung mga projects ko, ganyan so, as much as possible positive lang ako.


BA: Alam ni daddy?


AL: Yung nangyari po sa back ko?  Yeah alam niya.  Itong  interview na ‘to malalaman na niya siguro ngayon pag lumabas ‘to.


Of course, ayaw mo ng kahit na anong makapagpapasama ng loob o makakapag-alala.  Binubuhat ako ng ambulansya, Gel are you okay?  Daddy punta lang ako ng mall yun ang sagot ko e, yung ate ko daldalera, so sinumbong din ako.


BA: Okay, were you told na dahil sa disc bulge na ito kapag hindi ito naagapan may posibilidad na you  won’t be able to bear children in the future?


AL: May sinabi sa akin yung duktor na puwede akong ma-paralyze
kapag somobra.   Pero good thing naman yung last MRI ko wala namang nagbago dun sa resulta.  Kung ano pa rin yung nakita last time, yun pa rin siya so, hindi siya na-aggravate pa.  So, ibig sabihin nakakatulong yung therapy na ginagawa ko.


BA: Diretsa, so Gel hindi mo na gagawin ang Darna?


AL: It’s really painful.  Masakit po talaga, Tito Boy na hindi ko magagawa yung Darna but kami po ng ABS-CBN nakapag-usap na po kami, nag-decide po kami na mas makabubuti po para sa lahat kung hindi ko na po gagawin yung Darna.

Nagpapasalamat din ako sa ABS kasi iniisip nila yung future ko at a…


Tito Boy gusto ko lang ho talagang maintindihan kaya ako nandidito, e kailangan ko na kasing lumabas para maintindihan ng mga tao kasi, kaya ako lumabas dito because darating yung araw na mag-a-announce ang ABS ng bagong Darna


Nandidito ako para maintindihan ng tao kung anong nangyari kasi parang pakiramdam ko it’s my responsibility naman kasi ang tagal din nilang umasa at naniwala sa’kin so, gusto kong marinig nila galing sa’kin mismo kung ano ba talaga yung nangyari.  Bakit hindi mo gagawin yung role, isipin nilang pinalitan ka na, nag-inarte ka. 

Hindi po, e.  Kung may choice lang po talaga ako gagawin ko yung Darna, but nagkataon po na naaksidente ako at kailangan na pong mag-start ng ABS-CBN ng Darna.  Kailangan na pong lumipad ni Darna. Marami na pong nag-aantay na taong lumipad siya.


BA:  Naisip mo bang iwan ang showbiz pansamantala?


AL: Naisip ko siya.  Walang halong kaplastikan...

Nilinaw din ni Angel na hindi niya pinagsisihan ang lahat ng ginawa niyang stunts na naging sanhi ng injury sa kanyang spine dahil bilang isang artista ay happy raw siya na marami siyang taong napapaligaya bilang isang artista.

Sa ngayon ay itutuloy niya muna ang kanyang therapy at pagpapagaling and she's hoping na in the future ay magagawa niya pa rin ang mga stunts na gustunggusto niyang gawin.  who knows, kung hindi man siya natuloy sa Darna, next time ay siya naman ang maging si Wonder Woman.


Tungkol naman sa boyfriend niyang si Luis Manzano ay nariyan lang daw ito palagi para sa kanya.  Alam daw nito kung papano siya iko-comfort.

When asked kung may balak na silang magpakasal ni Luis ay nasabi lang niyang wala pa naman daw plano talaga.  Napapag-usapan naman daw pati plano nilang bahay pero wala pa naman daw talagang final.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento