Mga Kabuuang Pageview

Martes, Setyembre 22, 2015

PART 1: Farewell To The Best Utol In The World



Miyerkules, Sept. 16,  inihatid na sa huling hantungan ang aming pinakamamahal na kapatid na si Cesar 'Sarskie' Gayondato.
Actually, it's the last day na masisilayan namin ang katawang lupa ni Cesar bago siya i-cremate sa Olongapo City Crematorium.
It was such a big blow to the family, especially to me and my other younger brother Robert coz he's our bread winner for the last 3 years. Kaming tatlo na lang kasi ang single.  Yung tatlong iba pa ay may kanya-kanya nang pamilya - Kuya Boy, Kuya Rene and Richard, our bunso. 



I really can't imagine that the once happy and bubbly and hardworking sibling of ours is now gone with the wind.
Ngayon pa lang nagsi-sink in sa aking kamalayan na wala na si Cesar. Mayat-maya hindi ko mapigilan ang maiyak kapag naalala ko ang masasaya at malulungkot na araw na kami ay magkasama.


His boyish innocence strikes me most. Ako palagi ang takbuhaan niya kapag nagkakaproblema siya sa cellphone niya. Bakit daw biglang nawalan siya ng signal.  Bakit daw hindi siya makakonek sa internet.  Yun pala hindi naka-on ang wifi ng cp niya o di kaya ay naka-off ang data niya.




Ako ang taga-load ng pocket wifi niya.  Ako rin ang taga-download ng songs at online games na favorite niya.
Nung bumili siya ng smart phone isinama niya ako para siguradong hindi palpak ang unit na mabibili niya.
Hindi niya kasi alam kung ano ang ibig sabihin ng specs, ng gigs, ng ram, ng memory, ng hard drive at ng kung anu-ano pang computer terms.  Pero pagdating sa kantahan, pagiging taxi driver at pakikisama sa mga kapatid at kaibigan ay masasabi kong he's the best in the world.







A few days ago ay sinadya kong dumaan sa tindahan ng cellphone na madalas naming puntahan. Hindi ko na naman napigilang maiyak nang makausap ko yung tindera.  Hindi ito makapaniwalang wala na si Cesar. Madalas daw dumaan sa kanilang tinadahan ang brother ko para makipagkulitan lang tapos ang hilig din daw nitong kumanta kapag nakakarinig ng songs na paborito nitong kantahin.


Kapag nasisira ang computer ni Cesar ako ang tagaayos. Ang hilig kasi nitong maglaro ng NBA online games.  Paminsan-minsan nag-e-FB rin siya to stay connected with his friends, especially yung mga naiwan niyang kaibigan nung nagtrabaho siya sa Japan.
(Part 2:  Ang Di Mapapantayang Pagmamahal ng mga Gayondato, mga Cerenado at mga kaibigan)


 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.