Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Pebrero 19, 2012

Nora kailangan pang mag-voice therapy


Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan Castro


MARAMI ang nangungumusta kung kailan darating ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Ano na raw ba ang nangyari sa kanyang operasyon sa Boston, Massachussets?
            Kailangan daw niya ng voice therapy kaya patuloy lang ang pagsunod ni Ate Guy sa doktor.
Nasa Los Angeles, California  raw si Ate Guy kung saan siya naka-base at  kailangan pa rin niyang bumalik sa Boston after six months.
May balita na babalik si Ate Guy sa Pinas mga bandang February 20 to 25 dahil
uumpisahan na raw  ang teleseryeng gagawin niya sa TV5 at dalawang pelikula sa Studio 5.
May natitira pa siyang shooting days sa ‘El Presidente’ with Gov. Jorge Estregan  pero di nagmamadali si Gov. ER dahil plano naman niya itong isali sa December (2012) MMFF.
Tsuk!
 * * *

POSITIBO si Danita Paner na hindi imposibleng magkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si JC de Vera.
 “I’m not closing any door.  Basta, kahit ano ay puwedeng mangyari eh.  Sa lahat naman, hindi natin masasabi kung ano iyong next na mangyayari, eh.
 “Lahat ay posible, pero gusto ko ay maging friends muna kami,” deklara niya.
Ano naman kaya comment niya sa pananaw ng iba na gimmick lang ang split nila ni JC?
`           “Sana nga ay gimmick lang, eh.  Pero hindi, hindi kami mahilig ni JC sa mga ganyang gimmick.”
True bang may nagdikta lang kay JC kaya kinailangang maghiwalay sila ng landas?
“Wala naman pong nagdidikta sa amin at saka I know JC, hindi siya ganun kababaw na tao para magpadikta lang.”   
Samantala, excited na ibinalita ni Danita ang kanyang bagong afternoon drama series sa TV5, ang “Isang Dakot na Luha” na magsisimula sa February 27.

* * *

MULING humakot ng parangal ang late-night current affairs program ng ABS-CBN na “The Bottomline with Boy Abunda” sa ginanap na “8th USTv Students' Choice Awards” at “Gandingan: The UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards” kamakailan.
Kinilala ang “Bottomline” bilang Students’ Choice of Public Affairs–Talk Show Program sa USTv Awards at Best Development-Oriented Talk Show sa Gandingan.
Pinarangalan din ang host ng programang si Boy Abunda sa Gandingan bilang Best Development-Oriented Talk Show Host.
Ang USTv Awards ay taunang parangal ng University of Sto. Tomas (UST) na kumikilala sa kagalingan ng mga programa at personalidad na nagtataguyod ng Thomasian values at mga turo ng Katoliko.
Samantala, ang Gandingan Awards naman ay ang awards program ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na nagbibigay din ng parangal sa mga programa at personalidad na nagtataguyod naman ng mga isyu para sa kaunlaran.
            Ang tatlong parangal ay dagdag patunay lamang sa kalidad at kagalingan ng nasabing programa ng Asia's King of Talk.
Matatandaang kinilala rin ang “Bottomline” bilang Best Talk Show for 2011 sa prestihiyosong “16th Asian TV Award”s kung saan tinalo nito ang anim na palabas ng ibang bansa sa Asya kabilang ang CNN Hong Kong at New Delhi TV ng India.
Huwag palampasin ang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa “The Bottomline with Boy Abunda” tuwing Sabado ng gabi, 11:30pm, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.