Biyernes, Abril 26, 2013

Angel, ER wagi sa "61st FAMAS Awards"




Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


 SA IKALAWANG pagkakataon ay muling nasungkit ni Angel Locsin ang Best Actress trophy
para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “One More Try” ng Star Cinema, at ito’y sa
katatapos lang na “61st FAMAS Awards” na ginanap sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon
City, last April 21.
            Sobrang happy siyempre si Angel dahil maaga nga namang birthday gift ito para sa
kanya.  She celebrated her 28th birthday last April 23.
Matatandaang unang nanalo si Angel as Movie Actress Of The Year sa nakaraang “29th
Star Awards for Movies” na ginanap din sa AFP Theater noong March 10.
            Tulad ni Angel, sa ika-2 pagkakataon ay wagi rin as Best Actor si Laguna Gov. ER
Ejercito para sa Pelikulang “El Presidente” na muling humakot ng awards sa “61st FAMAS
Awards.”
            Gov. ER was first adjudged as Movie Actor of the Year sa “29th Star Awards for
Movies.”
            Si Cesar Montano ang nanalong Best Supporting Actor for the movie “El Presidente”
at si Jaclyn Jose naman ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang “ A Secret
Affair.”
* * *

“IT’S easy to forgive… makahulugang sagot ni Kim Chiu sa tanong sa kanya ni Boy Abunda sa
“The Buzz” kung napatawad na ba niya ang dating kaibigang si Maja Salvador.
“It’s hard to forget,” dugtong ni Kuya Boy.
“Siyempre madaling magpatawad, pero mahirap kalimutan yung ginawa nila,” 
naluluhang sabi ni Kim referring to Maja and her ex-bf na si Gerald Anderson.
            Alam naman siguro nating lahat na nag-ugat ang alitan sa pagitan ng mag-best friend
(Maja and Kim) nang maugnay si Maja sa ex-bf ni Kim si Gerald.
            Pero ang tanong ni Kuya Boy, papano nagagawa ni Kim na makasama si Maja sa mga
eksena nila sa teleserye nilang “Ina, Kapatid, Anak” sa kabila ng mga nangyari sa kanila?
            “Professionalism siguro, number one.  And sa pagmamahal ko sa trabaho ko, kaya
ganoon.”
            Sa kabila ng lahat, nangangarap pa rin ba si Kim na magiging maayos ang lahat sa
pagitan nila nina Gerald at Maja?
Aniya, “Oo naman, wala namang nangangarap ng hindi magandang buhay.
"Time will tell and, siguro, hindi pa ngayon.”
Natawa naman si Kim nang biglang i-segue ni Kuya Boy kung sila ba ni Xian Lim ay
officially together na.
            “Hindi ko masagot ‘yan, pero masaya ako na nandiyan siya.”
Pahabol pa ni Kuya Boy, “Is that another way of saying, ‘Yes, Tito?’”
“Basta ano, thankful ako na nandiyan siya for me,” sabi lang ni Kim.
Well, that was “The Buzz’s” special interview sa birthday girl na si Kim Chiu who just
celebrated her 23rd birthday last April 19.
            Ayon sa isang panayam, isang promise ring at isang pares ng hikaw ang birthday gift ni
Xian Lim sa dalaga.
            Kung ano ang promise sa promise ring, e, secret daw sabi ni Kim.

* * *

ISA ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sa masugid na sumusuporta kay Grace
Poe (one and only daughter ng King and Queen of Philippine Movies na sina Fernando Poe Jr. at
Susan Roces at dating MTRCB chairman), na tumatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng Team
PNoy.
            Kaya naman para mas mailapit pa si Grace sa entertainment press at sa masa ay
binigyan siya ni Mother Lily ng isang malaking get-together chorva na ginanap sa Imperial
Palace Suites,Timog Ave., Quezon City last April 20.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang ilang TV and movie personalities tulad ng mag-
asawang Albert at Liezl Martinez, Direk Maryo J. de los Reyes at Joel Lamangan.
Dito ay nabanggit ni Grace ang kanyang slogan na, “Ang inumpisahan ng tatay
ko, tatapusin ko.”
"Sabi nga nila, ‘Ano ba ang naumpisahan ng tatay mo na puwede mong ipagpatuloy, e,
hindi naman siya naka-entry sa politics?’
“Pero para sa inyo na nakakakilala sa kanya, ang naumpisahan ng tatay ko ay pagtulong
sa mga taong nangangailangan…
 Aniya pa, sa lahat ng gusto niyang gawin, sana maramdaman sa pinakababa.  Para ka
raw tigang na kailangan diligang mabuti.  Pero kailangan munang bungkalin at tanggalin ang
mga bato para makarating sa pinaka-ibaba.
“Gusto kong magkaroon ng standardized feeding program sa lahat ng pampublikong
paaralan.
“Sapagkat dinidinig ngayon ang K-12 program sa Kongreso, bakit hindi tayo maglagay
ng probisyon para magkaroon ng pananghalian sa paaralan?”
Bukod dito ay gusto ring matulungan ni Grace ang sektor ng agrikultura para raw hindi
na tumaas pa ang irrigated land.
 “Sa dalawa po na yun ako concentrated.
"At bagamat hindi ko nababanggit palagi, pero nasa puso ko ang ating industriya.
“Makakaasa po ang film and TV industry sa akin.
“Gusto kong dagdagan sana ang budget ng FDCP, MTRCB, lahat ng lugar na may
kinalaman sa industriya. 
"At kapag sinasabi nilang, ‘Ano ba ang ipinagyayabang mo, e, MTRCB lang naman
‘yan? Ano bang klaseng department ‘yan?’
“Totoo, maliit lang ang budget ng MTRCB, pero bawat bata nanonood ng telebisyon, 21
hours a week ang nire-regulate ng MTRCB at ang influence ng media ay nakakaapekto sa
kamalayan ng ating mga anak.
“Kailangan nating bigyan ng suporta ang film and TV industry.”
Nilinaw rin ni Grace na wala talagang tampuhan sa pagitan nilang magkapatid na si Lovi
Poe.
Hindi raw totoong ayaw niyang tanggapin ang alok ni Lovi na tumulong sa kampanya.
“Ay naku, wala talaga.  Kasi, ako pa nga ang nagpapasalamat kay Lovi dahil umpisa pa
lang, sinabi na niya na, ‘I’m there to support my Ate,’ that’s why I’m very touched.
“Kaya lang, hindi pa siya lumalabas dahil naghahanap naman tayo ng tamang okasyon.
Naikuwento rin ni Grace na, “Sa sobrang dobleng-edad ko kay Lovi, hindi naman kami
lumaking close. 
"Kapag nagkikita kami, she’s very warm to me and I am to her also.
"At hindi ko binalak na isama siya sa kampanya na baka sabihin, ginagamit ko naman
siya.
 “Hanggang Twitter lang kami nagsasagutan pero sa totoo lang, noon pa, nagtatanong na
siya on how can she go around with me. 
"Pero sabi ko, sa bandang huli siguro.”
“At may isa pang kuwento riyan kay Lovi.  One time, meron akong staff na nasa
Rockwell. Tapos nakasalubong niya si Lovi at sabi ni Lovi, ‘Where can we get that baller band?’
Nakalagay Grace Poe.
“Tapos sabi ng staff ko, ‘I have it in my van.’ 
"Sabi ni Lovi, ‘Can I have some?’ So, pagkabigay kay Lovi, si Lovi, isinuot agad at
tinweet.
“So, para sa akin, she said that she’s ready any time, I just want to find a right position,
Ayoko namang ipilit,” sey pa ni Grace.






Linggo, Abril 21, 2013

Kris di pinayagang mag-resign!


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO



BAGO pa man nagpalabas ng press statement ang ABS-CBN last 

April 17, sa pamamagitan ng Integrated Corporate Communications head 

na si Bong R. Osorio, hinggil sa sinabi ni Kris Aquino last March 21 

namagre-resign na siya in all her shows sa naturang TV network 

para magampanan niya nang mas bonggang-bongga ang kanyang pagiging ina sa mga anak na sina 

Josh at Bimby ay alam na ng marami kung ano ang magiging kahihinatnan ng pahayag niyang ito.
                Marami ang naniwalang walang resignation na magaganap.   Ten out of ten people na tinanong ko tungkol dito ang nagsasabing hindi puwedeng mag-resign si Kris nang ganun-ganun na lang dahil meron siyang kontrata sa ABS na dapat tuparin. 
Besides, hindi na bago ang isyu ng pagre-resign sa actress-TV host.
            Ilang ulit na siyang nag-resign with matching crocodile tears pa pero kamukat-mukat mo ay namamayagpag na naman ito sa ere.
                Ang nakakaloka pa nito, masyado namang hin-highlight ang pagkakasabi niya na magre-resign siya in all her shows.
                Anong in all her shows?  Ginagawa naman tayong tanga ni Kris, e.  Papano mo sasabihing magre-resign ka in all your shows samantalang yung teleserye mong “Kailangan Ko’y Ikaw,” ay panay na ang anunsyo sa TV na ilang lingo na lang at magtatapos na.
                So, papano ka magre-resign sa isang show na tinapos mo na ang taping nang bonggang-bongga?
                Ang isa pa niyang show na “Pilipinas Got Talent.”  I believe nung time na in-announce niya sa TV ang kanyang pagre- resign chorva, e, tapos na rin ang taping part nito.  Bale susunod na dito yung live presentation nila.
                So, how can you leave your show out of your whim na inumpisahan mo’t halos ilang linggo na lang ay matatapos na rin?
                The only show na posible talaga siyang mag-resign ay ang “Kris TV” dahil araw-araw ay iba-iba naman ang tinatalakay dito kaya walang masisirang continuity kahit pa bigla na lang itong hindi umere dahil sa pabigla-biglang desisyon ni Kristeta.
                Now, going back to the press statement of ABS-CBN, walang resignation na magaganap.  Ang tanging solusyon na nakita nila sa padalus-dalos na desisyon ni Kris na mag-resign para mas magampanang mabuti ang kanyang pagiging ina sa dalawang anak na lalaki ay mag-leave na lang muna pansamantala.
                Narito po ang ilang bahagi ng nasabing press statement:
“Kaya matapos ang masusing pag-uusap, sumang-ayon si Kris na pansamantala na munang mag-leave upang magkaroon siya ng panahon sa kanyang anak na si Bimby ngayong Hunyo habang ito’y nakabakasyon sa  eskwela, at para madala na rin niya si Josh sa ibang bansa upang maisulong ang kanyang developmental progress.
“Pagkatapos ng kanyang leave haharaping muli ni Kris ang mga responsibilidad niya sa ating mga Kapamilyang patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanya, at tutuparin ang kanyang contractual commitments sa ABS-CBN nang hindi naaapektuhan ang kanyang mahalagang tungkulin bilang isang ina."
* * *
DAHIL sa patuloy na pamamayagpag sa ere ng “Be Careful with My Heart” nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ay ilang ulit na rin itong na-extend.
        Nung una ko itong pinanood sa pilot week mismo (July 9, 2012) ay na-excite na agad ako sa mga eksena nina Jodi at Richard plus sa gumaganap na teenagers na anak ng huli na sina Jerome Ponce at Janella Salvador, and of course ng iba pang characters sa story.
        Nasabi ko sa sarili ko mukhang tatagal ang kuwento nito, puwedeng abutin ng isang taon.
        True enough nag-announce sila ng extension until February of 2013 pa raw tatakbo ang istorya dahil nga patuloy ang paghataw nito sa rating.
        Then nagkaroon ulit ito ng extension, from February 2013 ay naging June 2013 na.
        Pero si Ser Chief, este, Richard Yap, nang makatsikahan namin noon sa presscon ng Amigo Segurado Macaroni and Spaghetti, ang sabi ay baka hindi lang June 2013, baka more than that pa.
        Yun nga, ang latest chika ay nagdesisyon daw ang ABS-CBN na i-extend pa until December 2013 ang “Be Careful.”
        Tanong ng isang colleague, baka raw sa kae-extend ng “Be Careful” ay ma-stretch nang husto ang kuwento nito at hindi na maging maganda ang resulta.
        Sabi naman ni Richard, hindi naman daw siya ii-stretch to the point na masisira na yung original concept ng serye.
        The other characters daw kasi are also growing and becoming interesting.  Parang its our day-to-day lives na pinapanood natin sila araw-araw.  Ganun daw ang dating ng “Be Careful…”
        Korek ka dyan, Ser Chief.   Mukhang nakuha nga ng naturang morning serye ang formula ng mga soaps noong araw na taon ang binilang bago tuluyang nagbabu sa ere tulad ng “Gulong ng Palad,” “Anna Liza” at “Flor de Luna.”
* * *

HINDI ko talaga mapigilan ang mapahagikhik sa tuwing naalala ko ang tsika ng isang malditang reporter tungkol sa isang aktres noong kabataan pa nito.
        Parang hindi ako makapaniwala na ewan na meron palang taong ganun ka-weird.
        Saan ka naman nakakita ng taong nagtu-toothbrush, e, nakahiga sa kanyang bed tapos sa planganita lang, na hawak ng kanyang yaya, ibinubuga ang tubig na ginamit niya sa pagtu-toothbrush.
        Yuck!  Daig pa ng aktresang ito si Juan Tamad sa katamaran, ha-ha-ha!
        Mabuti sana kung may sakit puwede na nating i-tolerate yung ganung gawi, kaso wala namang sakit ang aktresa.   Malakas pa siya sa kalabaw ‘no!
        Hindi lang din yun basta katamaran, attitude rin talaga!
        In fairness mabait naman ang aktresa, masyado lang sigurong in-spoil ng kanyang mother dear noong kabataan niya dahil siya naman ang kumakayod para sa pamilya.

       
       
       
       

       
       


               

               
               
               

Miyerkules, Abril 10, 2013

Daniel pumalag sa mga bashers ni Kathryn sa Twitter


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


Snooky ayaw na sa lalaki




 “I’m not interested in men.  Ayoko na sa lalaki.  I’m used to be alone,” mabilis na sagot ni Snooky Serna sa tanong ng isang kasamahan sa panulat kung may bago ba itong manliligaw nang makorner namin after niyang mag-cut ng ribbon sa grand opening ng Shimmian Manila
Surgi Center sa SM Pampanga.
            At 47 (Kabi-birthday lang ni Kukay last April 4), hindi na raw siya naghahanap ng lalaki sa buhay niya.  Masaya na raw siya sa piling ng kanyang two lovely daughters (Sam, 20, and Saachi, 16).
            Pero hindi naman daw siya nasi-zero kung suitors din lang ang pag-uusapan.  Kahit papano meron pa rin naman daw siyang manliligaw, kaya nga lang ay hindi na raw talaga siya interesado sa mga lalaki.
            She’s very proud of Sam na 4th year college na sa La Salle taking up European Studies.  
Happy siya na hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral ay mukhang ang mga anak naman niya
ang tutupad sa pangarap niyang ito.
            Pareho raw kasing walang hilig mag-artista sina Sam at Saachi, sa studies lang talaga
naka-focus ang mga ito.
            Sa totoo lang gustung-gusto ni Kukay na magsulat.   She’s been asking around nga
kung saan pwedeng magsulat ang mga katulad niyang artista.
            Wala lang.  Gusto niya lang daw ilabas what’s in her mind.
            Nagkaroon na nga raw noon ng pag-uusap tungkol dito para sa isang daily newspaper
pero for whatever reason ay hindi ito natuloy.
            Happy rin siya sa fact na hindi pinababayaan ng ex-husband niyang si Ricardo Cepeda
ang dalawa nilang anak.
            Sinusustentuhan naman daw nito sina Sam at Saachi.  Bale siya naman daw ay self-
supporting ang beauty kaya tuluy-tuloy sa pagkayod to the max.
            So, are they in good terms now ni Ricardo kahit may bago na itong labs sa katauhan ng
noo’y  top ramp model and part-time actress na si Marina Benipayo?
            “We’re not friends but we’re civil,” sabi lang ni Kukay na kahit medyo tumaba ay tila
mas nagmukhang fresh na fresh at younger looking.
            Totoo yun, walang etching.
            Inaamin naman ng bruha na utang niya ang bago niyang angking kabataan sa Shimmian
Manila Surgi Center nina Drs. Levi at Anna Marie Lansangan kung saan sumailalim siya sa
nauuso ngayong stem cell procedure.
            Eniweys, bisi-bisihan ang drama ng Lola Kukay niyo ngayon dahil pagkatapos ng ”Kahit
Konting Pagtingin” ay papasok ang character niya sa “Apoy sa Dagat” and then sa nagbabalik na
“Anna Liza.”
            Sana nga tuluy-tuloy na ang pagsisipag ni Kukay coz she’s not getting any younger, 

di ba?
* * *

SA PRESSCON proper ng Amigo Segurado Spaghetti and Macaroni ay tinanong ang mga
endorsers nito na sina Richard Yap at Daniel Padilla kung may pressure ba on their part para panatilihin ang kanilang wholesome image sa publiko dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit sila napiling endorsers ng nasabing produkto.
            Dahil sa tanong na yun ay nagkaroon tuloy si Daniel ng pagkakataon na maglabas ng sama ng loob laban sa mga naninira sa kanyang ina na si Karla Estrada at sa kanyang ka-love team na si Kathryn Benardo.
            “Hindi lang sa akin, tungkol sa pamilya, iba-iba. Pero, ang sa akin naman, kung minsan,
mukha naman ako masyadong mayabang…”
“Nanay ko na yung binabastos, e.  Kumbaga, kaya mong pumatay para sa nanay mo, e.
Lahat kaya mong gawin para sa nanay mo, kahit sino sa pamilya mo.
“Kaya siguro ang tingin nila sa akin medyo maangas, mayabang, ganyan.  Pero may sari-
sarili naman tayong personalidad, di ba?”
            Hindi ko masyadong na-gets ang sagot ni Daniel.  Parang may issue or something, na
Pinagdadaanan ang bagets.
Kaya after ng question and answer portion para sa Amigo Segurado Spaghetti and
Macaroni ay sinamantala ko, at iba pang entertainment writers, ang pagkakataon
na makatsikahan si Daniel to elaborate on this.
Tinanong ng isang colleague ang bagets kung anu-ano ba ang sinasabi ng mga tumitira sa
nanay niya at kay Kathryn?
“Basta foul, sobrang foul yung sinabi sa ermats ko.
“Sa Twitter…alam nyo namang dun lang puwede.  Hindi naman nila kayang
sabihin sa harap namin, di ba?”
 “Mali, e! E di naman siguro… Hindi naman ako yung masama, e. Hindi
naman ako yung nagkakaro’n ng kahit anong kasalanan. Sila din yung nagiging
napakabastos ng ugali, di ba?
“Sobrang bastos lang kasi. Isipin nyo, ilang taon ka lang, binabastos na yung
 magulang ng isang tao.
“Basta pati magulang ko binabastos, pati si Kathryn. Ano ba namang
klaseng tao ka?”
Papano ba nagsimula ito?  Alam ba niya ang dahilan kung bakit may mga
taong nagsasalita ng hindi maganda laban kay Kathryn at sa kanyang ina?
“Wala nagpapapansin lang! Pang-bad trip lang,” sabi lang ng young actor.