Martes, Pebrero 26, 2013

Aljur apektado sa mga tumitira kay Kylie sa Twitter


Mula sa pahayagang Police Files

WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


SA MEDIA launch ng Blue Water Day Spa na ginanap sa Edsa Shangri-la , kung saan isa si Aljur Abrenica sa mga bagong endorsers nito, ay natanong ang aktor kung sino o sinu-sino ang mga taong pinatutungkulan nito sa kanyang tweet na tila may halong galit.
Sabi kasi ni Aljur sa tweet niya,  “Nirerespeto at kinasasaya ko ang lahat ng sumusuporta sa amin ni kris.  Pero sana kung wala rin po tayong masasabing maganda sa ibang tao wag na po tyong magsalita.
“Dahil hindi natin alam na nakakasakit na po tyo. Respeto lang po sana ang hinihingi ko.. mas maganda rin po cguro na mas marami tayong kaibigan kesa sa makasakit tayo sa kapwa.salamat.”
Pero agad namang humingi ng pasensya si Aljur hinggil dito sa entertainment press  at aniya ay tao lang daw siya.
Sey pa ng aktor, for the longest time nakikita niya raw yung mga comments  na tungkol sa girlfriend niyang si Kylie Padilla na sobrang  below the belt na ay pinapalagpas niya lang  daw ang lahat ng yun.
“Siyempre twitter ‘yan, hindi naman natin mati-trace kung sino ang mga ‘yan.  Kahit siguro sino sa atin pwedeng gumawa ng account,” katwiran pa ng hunk actor.
 Hindi naman naniniwala si Aljur na mga fans mismo nila ni Kris Bernal ang nagpo-post ng mga di magagandang comment laban kay Kylie.
Kilala raw niya ang mga fans nila ni Kris.   Hindi raw magagawa ng mga ito ang ganun.  Rerespetuhin daw ng mga ito kung sino man ang kani-kanilang karelasyon.
Feeling ni Aljur ay mga tao lang daw talaga yun na nagti-trip.
With regards naman kay Kylie,  nung una raw ay nasasabi ng young actress sa kanya na nasasaktan na ito sa kanyang mga bashers.  
Sinasabi na  lang daw niya dito na huwag na lang pansinin ang mga yun.  Pero lately raw ay siya na ang naapektuhan.  
* * *
MAS cute pala sa personal ang isa sa mga paborito kong contestants noon sa “ X Factor Philippines,” na pinagwagihan ni KZ Tandingan at pinagkalokohan ng isang nagnangalang Kedebon.
            Yup, ang tinutukoy ko po ay si Michael Pangilinan na isa na sa mga tinitilian ng mga kababaihan at kabadingan sa “Walang Tulugan With The Master Showman” ni Kuya Germs at sa “Party Pilipinas” ng GMA 7.
            Imagine, nung sina Michael at Kedebon ang pinagpilian para manatili sa “X Factor” ay ang mukhang sintu-sinto ang pinaboran ng mentor nilang si Martin Nievera. 
            Ikinaloka talaga ng madlang pipol ang naging desisyon na yun ni Martin.    Ewan kung for what reason at yun ang naging desisyon ng Lolo Martin niyo, e samantalang obvious namang mas may x factor si Michael kaysa sa Kedebon na yun.
             Sa 9th anniversary ng Zirkho na ginanap mismo sa Zirkho-Morato last Sunday ay buong ningning pang ipinagmalaki at pinasalamatan ni Michael si Martin bilang mentor at inialay pa dito ang paborito niyang hit song nitong “Kahit Isang Saglit.”
            You see, ganyan kabait ang batang ‘yan, ni hindi siya nagtampo  o nagtanim ng sama ng loob kay Martin sa pagkakatsugi nito sa kanya sa “X Factor Philippines.”
            Eniweys, isa pa sa talagang tinilian nang husto ng mga nanood ng 9th anniversary show ng Zirkho, especially ng mga matrona, ay si Sam Milby.
            Wala pa rin talagang kupas ang appeal ni Sam sa mga lola niyo.   May narinig pa akong matrona na pabulong na sinabing gusto niyang i-take home si  Sam sa halagang 5 thousand dollars.
            Panalo rin sa tsika si Gladys Guevarra  na puro foreynger naman ang tinira at pinagtripan!  Nakakalokang talaga, whew!







Martes, Pebrero 19, 2013

Teleserye ni Kristeta nangungulelat sa rating!



 Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


HULING teleserye na raw ni Kris Aquino ang “Kailangan Ko’y Ikaw” na pinagtatambalan
nila ni Robin Padilla.  One season lang daw talaga ang tatakbuhin nito dahil magiging abala
na ang tinaguriang Queen Of All Media sa iba pa nitong shows sa Kapamilya network.
            Well, dapat lang na itigil na ni Kristeta ang ilusyon niya na maging isang aktres dahil wala talaga siyang talent sa acting department.
             Hindi ko talaga siya maramdaman sa madadramang tagpo niya sa nasabing teleserye. 
Hindi mo maintindihan kung tinutubol lang siya or what sa mga eksenang
naglulungkut-lungkutan siya o gusto niyang maiyak.
            Kahit lukutin niya ang mukha niya para magmukha siyang kawawa, e,
ipinagkakanulo naman siya ng kanyang mga mata.    Hindi ko  Makita ang sinseridad niya
sa pag-arte.
            Pero kung hosting ang pag-uusapan, e, hats off talaga ako kay Kristeta.   Deserving
siyang tawaging Queen of talk coz she really has the gift of gab.
            When it comes to acting hanggang comedy o suspense horror lang talaga pasado si
Kristeta, kaya lahat ng pelikulang ginawa niya na may ganitong genre ay tumabo nang
husto sa takilya.
            Going back to her teleserye na “Kailangan Ko’y Ikaw,” kung mataas lang sana ang
rating nito ay hindi nila ito basta-basta titigbakin.
            Hindi katwiran na good for one season lang ito dahil pwede namang itong i-extend
 nang i-extend nang i-extend hanggat patuloy na umaarangkada sa rating.
            Dapat nga magre-rate ito nang bonggang-bongga considering the fact na
pinagsama-sama dito ang pinakamalalaking artista ng local showbiz, di ba?
            Nariyan ang Queen Of All Media na si Kristeta, ang Box-office Queen na si Anne
Curtis, at ang Idol ng Masa na si Robin Padilla pero bakit inilalampaso ito sa rating ng
katapat na teleserye ng Kapuso network na “Tempatation of Wife.”
            Ang layo rin ng rating ng seryeng ito nina Kristeta, Anne at Robin sa mga
namamayagpag na teleserye ng ABS-CBN na “Ina, Kapatid, Anak” at Juan dela Cruz.”
            Kaya nga nang pumasok ang pinakabagong teleserye ng Dos na “Apoy sa Dagat” ay 
inilagay sa dulo ang timeslot ng “Kailangan…” bago ang last newscast nilang “Bandila.”
            So, ngayon lalo pa itong nangulelat sa rating.  Tinalo pa ito ng kaeere lang na “Apoy
sa Dagat.”
            Kahit nga ang “Kahit Konting Pagtingin” ni Angeline Quinto ay tinatalo pa sa rating
ang “Kailangan…” gayung si Angeline lang naman ang bida dun kasama sina Sam Milby at
Paulo Avelino.
            Sabi ko na nga ba, e, mauulit ang kapalaran ng “Kailangan…” sa maagang
pagkakatigbak sa ere ng “A Beautiful Affair” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo because of
poor rating.
* * *

MABUTI naman at nakinig din ang ABS-CBN sa suggestion ko noon na iitsapuwera na sa “Pilipinas Got Talent” ang mga contestants na ang talent ay pagkanta.
            Napansin ko kasi ang pagiging biased ng mga judges sa mga singers.  Obvious na obvious na ang laki ng bilib nina Ai Ai delas Alas. Mr. Freddie Garcia, at lalung-lalo na ni Kris Aquino sa mga contestants na kumakanta.
            Resulta, lahat ng grand winners ng “Pilipinas Got Talent” ay pawang mga singers.
            Look at, tingnan niyo, sa Pilipinas Got Talent Season I ang grand winner ay si JovitBaldivino, na sinundan ni Marcelito Pomoy sa “Pilipinas Got Talent Season 2” at ng
Maasinhon Trio” ng “Pilipinas Got Talent Season 3.”
            Ang ikinaloka siguro nang husto ng ABS-CBN management sa “Pilipinas” ay ang
pagkapanalo ng Maasinhon Trio dahil hindi naman nila ito napakinabangan.
            O ngayon, mas may career pa si Khalil Ramos sa singing trio na runner-up lang ng
mga ito, whew!
           
           

Linggo, Pebrero 10, 2013

Sharon di lalayasan ang TV5

Mula sa pahayagang Police Files

WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO

PARANG eksena sa pelikula ang di inaasahang pagbisita ni Robin 
Padilla sa set ng “WowoWillie”noong nakaraang Huwebes ng tanghali.
            Napasugod si Robin sa nasabing noontime show ng TV5 para 
muling suyuin ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez at ipagtanggol 
ang asawa laban sa 
mga bashers nito sa ilang social networking sites  na may kinalaman sa isyu ng pambabae kuno niya at
pagiging sobrang selosa raw ni Mariel.
            “Hindi masama ang magselos.  Ibig sabihin lang nun na mahal ako ng asawa ko,”
ani Robin sa harap ng studio audience at sa libu-libong nanonood ng “WowoWillie” nung
tanghaling yun.
            “Napakasakit para sa isang lalaki na hindi ko maipagtanggol ang asawa ko,”
himutok pa ng aktor.
            Hindi na nito nagawa pang itago ang matinding  sama ng loob sa kung sinuman
yung mga taong naninira sa kanila sa mga social networking sites.  
Hinamon niya ang mga ito na lumantad na.  Dahil kasi sa pangyayaring yun ay
isinoli sa kanya ni Mariel ang singsing at hindi na umuwi sa kanilang bahay.
            “Mahal na mahal ko ang asawa ko. Iniibig kita, ” buong ningning pang sabi ni
Robin.
            Nakiusap ang aktor na kung pwede ay tulungan siya ni Willie na isuot ang singsing
kay  Mariel.
            Mangiyak-ngiyak namang tinanggap ni Mariel ang panunuyo ni Robin at muling
isuot ang singsing ng tanda kanilang pagmamahalan.
            Bago pa tuluyang nagpaalam sa programa si Robin pinasalamatan niya si Kris
Aquino na siyang kumausap kay M ariel at humimok dito na umuwi na.
            Pahabol pa ni Robin, “Hindi na ako magtatagal at baka i-ban ako dun sa kabila
(ABS-CBN.
* * *
PINABULAANAN ni Megastar Sharon Cuneta, sa isang panayam s
 TV sa kasal ngpanganay na anak ni Gary Valenciano na si Paolo 
Valenciano kamakailan,  ang mga
naglalabasang espekulasyon na lalayasan na niya ang TV5at babalik na 
siya sa kanyang
original home network, ang ABS-CBN.
            Wala raw katotohanan ang mga naglalabasang tsika.  While its true raw na
nalulungkot siya sa pagkawala sa ere ng kanyang show sa TV5, ang “Sharon, Kasama Mo
Kapatid,” hindi naman daw yun nangangahulugan na lilipat na siya ng ibang TV network.
            Ang totoo raw niyan ay may mga nakalinyang shows sa kanya sa Kapatid network
at kasalukuyang pinag-uusapan pa.
            Dinig namin ay isang drama anthology ang niluluto ng TV5 para kay Ate Shawie.
Malabo ring basta na lang lalayasan ni Megastar ang naturang TV network dahil
limang taon ang pinirmahan niyang kontrata dito at sa 2016 pa ito mag-e-expire.
            Pero sa totoo lang, isa kami sa nanghihinayang sa pagkawala sa ere ng show ni Ate
Shawie sa TV5.
            Nung minsang nakati-katihan kong silipin ang isa sa mga episodes nito ay napako
na ako sa panonood hanggang sa matapos.
Mula noon ay palagi ko na itong inaabangan.  Maganda kasi ang format ng naturang
show --  punumpuno ng puso.  Minsan Patatawanin ka.  Minsan Paiiyakin ka.
            Sana lang in the near future, ay gumawa ulit si Ate Shawie ng show na may ganito
ring format – yung makabuluhan at may puso, whew!


Willie pinatutsadahan si Vice?!


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


TAMA ang desisyon ni Willie Revillame na idagdag sina Ethel Booba at Ate Gay bilang co-hosts sa bago 
niyang noontime show sa TV5 na “WowoWillie.
With Ethel and Ate Gay sa ”WowoWillie” ay naging mas masaya at nakakaaliw ang
naturang noontime show.
                Originally ay sina Ava (something), Arci Munoz at Ethel lang sana ang idadagdag na bagong co-
hosts sa “WowoWillie” pero napag-isisp-isip siguro ni Willie na uso ang mga beking co-hosts sa
noontime show just like Allan K ng “Eat Bulaga” and Vice Ganda ng “It’s Showtime,” e, di they might as
well get one also.
                Ang suwerte naman ni Ate Gay na siya ang napili ni Willie as his beking co-host.
                Actually, nakilala at sumikat si Ate Gay dahil sa ginagawa niyang panggagaya sa ating one and
only Superstar na si Nora Aunor (aka Ate Guy)  --  sa kilos, sa pag-arte, sa itsura, sa pananamit at maging
sa pagsasalita, medyo exaggerated nga lang.
     Ginagawa niyang mas katawa-tawa ang version niya ng mga kanta ni Ate Guy.
     Matagal niya itong giangawa pero hanggang ngayon ay bentang-benta pa rin ito sa madlang pipol.
     Bukod dito ay naging trademark na rin ni Ate Gay ang pagkanta ng intro ng isang song pero ibang
kanta na pala ang kasunod.
           Paulit-ulit niya na itong ginagawa pero tila hindi naman ito pinagsasawaan ng kanyang mga
tagahanga.
                Obviously,  aliw na aliw din si Willie sa brand of comedy ni Ate Gay.   Nagkaroon tuloy siya ng
bagong ‘laruan’  sa “WowoWillie” sa katauhan ng impersonator ni Ate Guy bukod pa kay Ethel Booba.
                Sa katunayan ay pinuri pa nga ni Willie si Ate Gay.  Aniya at least daw nakakatuwa ang talent
nito or something like that, hindi raw katulad ng iba riyan na nanlalait.
                Wow, very subtle ang patutsada ni Willie.  
Sino kaya yung tinutukoy niyang iba riyan na nanlalait?
Vice Ganda, ikaw ba ‘yan?
                                                                                           * * *

SPEAKING of bagong ‘laruan’, si Kuya Germs meron na ring bagong laruan sa “Walang Tulugan” at ito ay
ay ang bago niyang discovery na si Boobsie.
                Well, mukhang this time ay magiging successful si Master Showman sa komedyanang ito bilang
kapalit ni Shalala.
                Cute kasi and dating ng malusog na komedyana, hindi katulad ng iba riyan na nakakairita
magpatawa.
                Basta ipagpatuloy lang ni Boobsie ang pagiging naturally cute niya, I’m sure malayo ang
lanyang mararating sa larangan ng comedy.
* * *

AFTER ng teleserye na pinagbidahan ng isang young actor ay hindi na ito napagkikita sa mga TV shows ng isang giant network.            
Kahit ang mag-guest man lamang in any of its shows ay hindi mo masisilayan ang naturang aktor.   Sayang, bukod sa guwapo at may ibubuga sa acting si aktor ay may talent din ito sa pagkanta.
Mukhang totoo nga ang tsikang tinaggal na ang young actor sa lahat ng shows na dapat sana ay sasalangan nito sa nasabing network dahil sa diumano’y pagkalulong nito sa ipinagbabawal na gamot.
Banned na raw ang young actor sa giant network.  Ewan lang kung for life na itong banned o may pag-asa pa itong makabalik once na tumigil na ito sa pagdodroga at tahakin na nito ang matuwid na landas.
Ang siste, karamihan, kung hindi man lahat, ng mga artistang na-involved sa masamang bisyo ay hindi na nakakabalik o di kaya’y hirap nang makabalik sa limelight.
Take the case of Jiro Manio.   Sa murang edad ay marami-rami na rin siyang napatunayan sa larangan ng pag-arte pero nasayang lang ang lahat ng yun nang dahil sa droga.
Pero sa pagbabagong buhay niya ngayon, nabigyan pa ba siya ng second chance ng kanyang mother network?
Mukhang hindi na, di ba?
Matulad din kaya kay Jiro ang kapalaran ng pinag-uusapan nating young actor?
Well…